NAHIHILO na si Diosa. Hindi rin niya maintindihan kung bakit panay ang bungisngis niya kahit wala namang nakakatawa talaga. Parang ang gaan lang ng pakiramdam niya. At parang gusto niyang tumawa nang tumawa nang walang dahilan. Masaya lang siya. At gusto niya ang pakiramdam.
"Cheers!" itinaas uli ni Diosa ang wine glass. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa iyon. Paulit-ulit lang. Si Rohn naman na katabi niyang nakasandal sa dingding, tahimik na ididikit ang hawak na wine glass sa wine glass niya. Uubusin na agad ni Diosa ang alak at magre-refill uli.
Nasa kuwarto sila ni Rohn. Pagkaligpit sa kusina kanina, umakyat na rin siya. Inayos muna ni Diosa ang kama sa sariling kuwarto, inihanda para mamaya—kapag lasing na siya at ibabagsak na lang ang sarili sa kama.
Listener lang niya si Rohn sa mga oras na magkasama sila. Sinasabayan siya nito sa pag-inom pero bilang na bilang ang mga salita. Siya ang daldal nang daldal—tungkol sa Pasko, sa pagkain, sa mga pamilyang buo at hindi, sa mga OFW na hindi nakakapag-celebrate ng Pasko sa Pilipinas, sa mga street children na walang bahay na uuwian sa Noche Buena, hanggang umabot na siya sa celebration ng Pasko sa Pugad Agila na tinakasan niya dahil wala rin naman ang mga pinsan na ka-close niya sa angkan nila.
"Kaya mag-isa na naman ako sa Noche Buena," pagpapatuloy ni Diosa. "Ikaw? Bakit nandito ka, Rohn?"
"Wala rin akong pamilya."
"Uy! Pareho tayo?" bungisngis uli. "Miyembro ka rin ng Samahan? Samahan ng Malalamig ang Pasko? SMP!"
Hindi sumagot si Rohn, inubos lang ang alak sa wine glass at nag-refill uli. Hindi niya napansin na paubos na ang alak sa bote. Ni-refill din nito ang wine glass niya hanggang naubos na ang alak sa bote.
Bumungisngis uli si Diosa. "Wala na?" inabot niya ang bote at pinaikot. "Laro tayo?" inulit niya ang pagpaikot sa bote. "Ilang taon ka na?"
"Twenty nine."
"Magti-thirty one na ako," sabi ni Diosa kasunod ang pilyang ngiti. "Okay sa 'yo ang hindi 'pabebe' na game?"
Hindi umimik si Rohn, tiningnan lang siya. Hindi yata siya na-gets. Bumungisngis uli si Diosa. May tama na talaga siya. Para na siyang high. Ngiti nang ngiti nang walang dahilan. Paminsan-minsang yumayanig na rin ang mundo niya pero hindi pa naman yata siya magpa-pass out. Malinaw pa naman ang utak niya. Tanda pa niyang si Rohn ang kasama sa kuwarto.
"Imbento na lang tayo ng game, gusto mo?" pinaikot-ikot niya ang bote ng alak. "Truth or Kiss!" bungisngis uli. "'Pag truth kailangang sagutin ang kahit anong tanong. At 'pag kiss, tukaan lang. Ganoon! Okay sa 'yo?"
Ah, Ariah, sasabunutan kita 'pag palpak ang kalokohang naisip mo...
Hindi man tumango or nagsalita si Rohn, pinaikot pa rin ni Diosa ang bote—at tumawa nang sa kanya tumapat ang bibig niyon. "Ako agad?" bungisngis uli. "Truth!" sumandal siya sa dingding at pumikit. "Yumayanig yata ang mundo ko..." tawa na naman, hinahawakan niya ang pagkabilang mga pisngi na parang ang mukha niya ang mundong pinipigilan niyang gumalaw.
"Most painful experience?" boses ni Rohn.
"Saan? Love o Life?"
"Both."
"Sa life, no'ng namatay si Lola Meryan. Siya ang nagpalaki sa akin. Nag-iisang karamay ko sa paglaban sa buhay. Ay, grabe! 'Lalim no'n, ah?" tawa na naman. "No'ng nawala siya, alam ko sa sarili kong lagi na akong mag-iisa," napalitan ng buntong-hininga ang tawa. "Sa love? No'ng nakipagtanan sa babaeng sexy 'yong nag-iisang lalaking ginusto ko. Akala ko talaga meron kaming sparks eh," at napailing. "Akala ko lang pala! Wala na akong nagustuhan pagkatapos niya—kahit pa alam kong baka nabibilang na talaga ang taon ko sa mundo. Ang pait, bhe!"
BINABASA MO ANG
Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins Book 1: Diosa (a.k.a Yosah) Unedited version. Medyo sexy. Medyo rated 18. Most chapters will be private.