Part 4: Drunk Intruder

12.1K 304 7
                                    

Superman?

Semi-kalbo at hindi nag-aahit na Henry Cavill ang akyat bahay! Sa kulay lang ng mga mata naiba sa actor ang lalaki. Itim na itim ang mga mata nito at hindi maamo ang dating. May kakaibang intensity ang titig ng akyat bahay. Hindi niya malaman kung dahil sa intensiyon nitong patayin siya para walang witness o ganoon talaga ito tumingin.

Mula sa mukha ni Diosa ay bumaba ang titig ng akyat bahay sa kanyang katawan. Gumalaw ang sulok ng bibig nito bago umiling. Tumingin sa kama at sa bedside table—naroon ang susi na ginamit niya para makapasok.

Umangat ang kamay nito at humagod sa batok, bago humakbang pabalik sa pintuan na parang wala siya roon. Saka lang napansin ni Diosa na may kakaiba sa lalaki.

Lasing?

Humigpit lalo ang hawak ni Diosa sa armas. Bangag yata? Kinilabutan siya sa posibilidad. Biglang umurong ang tapang niya. Hindi na umimik si Diosa nang makita niyang ang lumabas na ng kuwarto ang intensiyon ng lalaki. Mas mahalaga na ngayon na makalabas ito at mai-lock niya ang pinto. Safe siya sa loob ng kuwarto. Pagkalabas nito ay matatawagan na niya ang pinsan para humingi ng tulong. Hindi siya pamilyar sa Baguio, hindi niya alam ang number na direct sa police station.

Pinipigilan ni Diosa ang paghinga habang sinusundan ng tingin ang mabagal na paghakbang ng lalaki pabalik sa pintuan. Para na sa siyang estatwang nakatayo sa may dingding sa tabi ng pinto. Inahahanda niya ang sarili sa gagawin—ang itulak ng malakas ang pinto hindi pa man ito tuluyang nakakalabas.

Pero nagkamali si Diosa sa pagtantiya sa sitwasyon. Hindi niya nahulaan ang iniisip ng lalaki. Iba pala ang intensiyon nitong gawin—siya ang sinunggaban nito sa halip na ang pinto. Sa pagkagulat ay hindi nakakilos si Diosa. Nagulantang siya nang bongga na hindi na niya namalayan kung paano siyang na-hostage ng lalaki. Ang naramdaman na lang ni Diosa ay ang sakit sa tapat ng pulso niya sa bisig nang pisilin iyon ng akyat bahay na kamukha ni Superman. Nabitawan niya ang armas. Bumagsak iyon sa sahig, na mabilis namang sinipa ng lalaki palayo.

Nag-umpisang gumapang ang takot sa buong sistema ni Diosa nang ma-realize niya ang posisyon nila—mahigpit na nakakulong ang katawan niya sa mala-bakal na braso ng lalaki. Nasa itaas ng dibdib niya ang isang braso nito at ang isa pa ay nasa bandang puson, hawak ang mga bisig niya. Para lang siyang teenager na hostage nito—unang beses na nainis si Diosa sa payat niyang katawan na kinaiinggitan ng dalawa niyang pinsan. Ang nipis pala talaga ng katawan niya. Wala siyang kalaban-laban sa hawak ng lasing—oo, sigurado na siyang sa alak at hindi sa drugs lasing ang akyat bahay. Naamoy niya mula rito ang alak.

"B-Bisita lang ako," sa wakas ay natagpuan ni Diosa ang boses. "Maawa ka naman, Kuya! 'Wag mo akong patayin. Pasko naman na bukas. G-Gift mo na lang sa akin...ang buhay ko—" napatigil si Diosa nang maramdaman niyang humigpit ang braso nitong nasa dibdib niya, mas napasandal siya sa matigas na katawan nito. Lalo siyang nawalan ng chance na gumalaw. Ipit na ipit nito ang mga braso niya. Ang isang kamay nito na nasa bandang puson niya ay gumapang at dinama ang kanyang tagiliran!

Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon