Part 16: You're Here

9.9K 292 12
                                    

New Year's Eve

9:15 PM


NAGHUHUGAS si Diosa ng patatas nang matigilan. Pinatay niya ang gripo. Tama ba ang dinig niya?

Tunog ng sasakyan 'yon, ah?

Walang kapitbahay ang rest house kaya kung tama ang dinig niyang may sasakyan talagang dumating, walang ibang pupuntahan ang sakay kundi ang rest house—at wala siyang inaasahang darating kundi si Rohn lang.

Napailing si Diosa nang nag-iba na naman ang heartbeat niya pagkaisip lang sa pangalan ni Rohn. Ano bang meron ang lalaking iyon at bigla ay may instant effect na sa tibok ng puso niya?

'Aftershock' ba ng kiss ang nararamdaman niya? Wow! Parang lindol lang na may aftershock. Sabagay, may parehong effect naman sa kanya ang halik ni Rohn at ang lindol—yanig ang mundo niya!

Binatukan ni Diosa ang sarili. Kung ano-anong kalokohan ang iniisip niya. Guni-guni lang naman yata niya ang tunog ng sasakyan. Nabuhay lang sa ilusyon—kasi nga 'yon ang inaasahan niyang mangyari. At kanina pa siya nagwi-wish sa fog na sana ay dumating ang lalaki.

'Wag masyadong umasa, Diosa. Masakit ma-hopia. Magluto ka na lang, 'busog ka pa, 'teh, paalala niya sa sarili. Tinapos ang ginagawa sa lalabo.

Gaya ng nakasanayang pagluluto kapag mag-isa, una niyang inihanda ang lahat ng ingredients. Gusto niyang kuha na lang siya nang kuha sa mesa para hindi magulo. Isa hanggang dalawang oras lang ang ibinibigay niya sa sarili para tapusin ang mga niluluto. Pagkatapos ay thirty minutes na pahinga, sarili naman ang focus niya. Magbibihis si Diosa ng red, fifteen to-twenty minutes na panalangin, manonood ng count down sa TV at bababa na para kumain. Ganoon lagi ang New Year ni Diosa. Ang kaibahan lang ngayon, mas maraming pagkain sa mesa at wala pa siyang gastos.

Napatingin si Diosa sa direksiyon ng sala nang marinig na parang...may pumasok? Narinig niyang tumunog ang chime. Gustong i-check ni Diosa kung may dumating nga pero hindi niya maiwan ang niluluto. Sa kusina talaga, ayaw niyang nahahati ang atensiyon. Hindi niya gustong malito at may makalimutang ingredients. Kay Lola Meryan niya natutunan na importante ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin. Rule ng matanda na bawal ang tsamba sa kung anumang gagawin, lalo na sa kusina. Pagkain daw ang ginagawa kaya ingatan.

Naghuhugas ng kamay si Diosa nang maramdamang may footsteps na dumaan. Tumigil siya at agad lumingon—at oo, literal talagang huminto sandali ang paghinga niya nang makita ang matangkad na bulto ni Rohn na nagbubukas ng refrigerator.

"R-Rohn?"

"Yosah." One word lang talaga. Walang kasunod. Wala rin na emosyon ang mukha at mga mata nito. Parang bato lang na bagay sa Baguio—ang lamig, 'teh!

At umalis na ang lalaki sa kusina dala ang beer na kinuha nito.

Kung wala lang niluluto si Diosa, natawagan na niya si Macaria para magtanong kung paano ba ang effective na pang-aakit sa isang taong-bato?

Tinapos na lang ni Diosa ang mga niluluto. Tinakpan muna niya lahat. Umakyat siya para magpahinga at magbihis na rin. Hindi puwedeng hindi siya nakapulang damit pagdating ng alas dose.

Ang seventy percent hope ni Diosa na mauulit ang Noche Buena na magkasama sila ni Rohn kumain, naging thirty percent na lang. Hindi na nga magugulat si Diosa kung magkulong lang ang lalaki sa kuwarto.

Okay lang naman. Manonood na lang siya ng countdown.

At ang plano nila ni Macaria?

Gagawin na ni Diosa. Ma-reject o magtagumpay man siya, at least ay sinubukan. Hindi na lang iyon para sa 'sumpa'. Baka lang naman puwede pala sila ni Rohn—hindi man pang forever, okay na kahit maikling panahon lang.

Eleven PM, bihis na si Diosa. Tapos na rin siya sa nakasanayang New Year's Eve prayer. Bumaba lang siya para kunin ang mga beer na sponsored ni Macaria. Lima ang dinala niya sa kuwarto. Apat ang ibinuhos sa toilet, ang pang-lima ay iniwan niyang may laman. Sinadya ni Diosa na buksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Naupo siya sa parte ng kuwarto na makikita siya sa labas—makikita ni Rohn kapag lumabas ito ng sariling kuwarto.

Wala pang ten minutes, lumabas nga si Rohn at tumingin ito sa kuwarto niya. Itinaas ni Diosa ang hawak na lata ng red horse. Cheers!

Walang reaksiyon si Rohn. Tumalikod ito at bumaba na. Bumalik rin kaagad ang lalaki at nagkulong na uli sa kuwarto.

Now or never, Diosa!

Uminom uli siya—pampalakas ng loob at pampakapal ng mukha. Kailangan niyang galingan ang pag arte.

Eleven thirty PM, tumayo na si Diosa.

Kailangan na niyang gawin ang plano...


Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon