Part 5: Silent Night, Cold Night

11.9K 310 10
                                    

Literal na pinigilan ni Diosa ang paghinga. Lalong kumabog ang puso niya. Mare-rape ba siya bago pa man ang Noche Buena?

'Wag naman sana...

Naghahanap siya ng lalaking pagbibigyan ng virginity pero huwag namang rape victim na patay na kinabukasan ang ending niya!

"Dito?" narinig niyang sabi ng lalaki, mas malakas lang sa bulong. "Dito?" ang tagiliran niya ang kinakapa nito. "Dito mo ba ako gigripuhan?"

"J-Joke lang 'yon," wala sa loob na nasabi niya. "K-Kunin mo na lang...ang ang mga nanakawin mo sa bahay na 'to. 'Yaan mo na akong abutan pa ng Pasko. Maawa ka naman, o?" gustong saktan ni Diosa ang sarili na sa kabila ng sitwasyon—na hostage siya ng lalaki at nanganganib na ang buhay niya ay nagawa pa niyang bigyan ng atensiyon ang init ng katawan nito. Hindi niya napigilang maging aware sa body heat ng akyat bahay. Sobrang higpit kasi ng pagkaka-hostage nito sa kanya, ramdam na ramdam ni Diosa ang init mula rito. Init na kinokontra ang sobrang lamig na paligid. Ang unfair lang na mararanasan rin pala niyang ma-back hug ng a la Henry Cavill, akyat bahay pa at mukhang hindi siya balak buhayin pagkatapos ng gabing iyon.

Itinulak siya ng katawan ng lalaki patungo sa pinto. Napilitan si Diosa na humakbang. Tinadyakan nito ang pinto, agad lumapat iyon. Umikot ang akyat bahay at sumandal sa pinto, hostage pa rin siya. Naramdaman niya ang pag-inhale-exhale nito, parang napagod kaya saglit na nagpahinga.

"A-Ano ba'ng gusto mo?" lakas loob na tanong ni Diosa nang nanahimik na ang lalaki pero hindi nagbabago ang higpit ng hawak sa kanya.

Parang nagising yata sa tanong niya, kumilos na naman ang lalaki—patungo na sa kama niya mismo!

"Ano'ng gagawin...ano'ng gagawin mo?" nagpilit nang sumalungat ang mga paa ni Diosa. Pumiglas na rin siya kahit hindi man lang natitinag ang katawan nito. Lasing ang lalaki pero bakit ang lakas pa rin? "B-Bitiwan mo ako. Bitiwan mo ako sabi!" pero wala talaga siyang laban sa lakas nito. Napapikit na lang si Diosa nang ibagsak ng lalaki sa kama ang sarili, tangay siya!

"Ang lamig..." anas nito, mas kinabig ang katawan niya. Halos hindi na makahinga si Diosa sa higpit ng yakap sa kanya. Mas naamoy niya ang alak dahil nakasiksik sa side ng leeg niya ang mukha. Nakiramdam na lang si Diosa, wala naman kasing magawa ang lakas niya sa lakas nito. Ang inaasahan na lang niyang kaligtasan ay kapag nakatulog ang lalaki. Para kasing iyon ang intensiyon sa pagbagsak ng sarili sa kama niya. "Gripuhan mo na lang ako," sabi ng akyat bahay. Naramdaman niyang parang tumawa ito na walang tunog. "Gripo..." mas isiniksik nito ang mukha sa kanya. "Sa puso...sa puso ko..."

Mahabang sandaling nakanganga lang si Diosa. Nakatulog na ang lalaki ay nakanganga pa rin siya—windang sa mga pangyayari.

Sa puso gustong magpa-gripo?

Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon