Part 15: Dreaming Of You

9.8K 289 19
                                    

MGA FIVE PM ay nakatulog si Diosa. Naisip niyang manood ng pelikula para ma-relax. Hindi pa man tapos ang lumang hollywood movie ay inantok na siya. Lumang movies kasi halos ang nasa hilera ng mga DVDs na nasa kuwarto. Mga old movies yata talaga ang gusto ni Floro. Malabong si Macaria kasi ang nanonood niyon. Mga bagong movies ang gusto ng isang iyon.

Hindi pinigilan ni Diosa ang antok. Kailangan niya ng lakas para sa pagsalubong sa New Year. Mahaba-habang oras ang kailangan para sa paghahanda niya ng pagkain. Kahit pa siya lang ang kakain, gusto niyang puno ang mesa. Nakatulog na si Diosa nang sumunod na minuto.

May kumatok sa pinto. Nag-react agad ang heartbeat ni Diosa. Walang ibang makakapasok sa rest house kundi ang may susi. Siya at si Rohn lang ang may susi. Dumating si Rohn? Ilang ulit na hinagod ni Diosa ang dibdib para kalmahin ang pusong ayaw manahimik. Kung pagbabasehan ang heartbeat niya, si Rohn nga ang nasa labas.

Nag-inhale exhale muna si Diosa. Sinulyapan pa niya ang salamin para tiyakin na hindi siya mukhang kinakabahan. Mabilis siyang lumapit sa dresser at sinuklay ang buhok. Malakas pa rin ang heartbeat nang buksan niya ang pinto.

Si Rohn na agad tumutok sa kanya ang tingin ang napagbuksan ni Diosa. Hindi niya agad nabawi ang tingin. Parang nag-hang ang utak niya sa titig nito. Hindi siya sanay sa ganoong matiim na titig.

"R-Rohn," wala na halos tunog ang pagbanggit ni Diosa sa pangalan nito. Napansin na rin ni Diosa ang bitbit ni Rohn na box. Nahulaan agad niya ang laman—cake.

"Bagong Taon na," sabi ni Rohn at ngumiti. Nahirapan yata siyang huminga pagkakita sa ngiti nito. Hindi niya napansin noong Pasko na may dimple pala sa kaliwang pisngi si Rohn.

"Medyo...nakatulog lang. Bababa rin ako para magluto," sabi ni Diosa. "Hindi ko naman alam na darating ka. Mabilis lang lutuin ang para sa sarili, eh. Pero ngayong nandito ka na..."

"Hindi ka na mag-isang sasalubong sa Bagong Taon," agaw ni Rohn.

Tumango si Diosa. "Oo nga. 'Buti bumalik ka..."

Itinaas ni Rohn ang kamay na may bitbit. "Strawberry cake."

"Para sa akin?"

"Kanino pa ba?"

Hindi na napigilan ni Diosa ang pagngiti. Bahala na kung mahalata ni Rohn na kinilig siya. "S-Salamat, Rohn..." inabot niya ang box ng cake.

"Salamat lang?"

Napatitig siya rito. Parang kuminang ang mga mata ng lalaki bago mas ngumiti pa. At nagulat pati yata ang kinikilig na kaluluwa ni Diosa nang kinabig na lang nito ang katawan niya palapit—at nilunod na naman siya sa halik!

Nabitawan ni Diosa ang box ng cake. Narinig niya ang malinaw na tunog nang bumagsak iyon sa sahig.

Napapitlag si Diosa. Disoriented na dumilat. Ang dingding na may wood effect pero pader talaga ang nakita niya. Pagkakita sa cell phone na nasa bedside table ay saka lang luminaw ang isip ng dalaga. Nasa kama siya sa kuwarto sa rest house. Nakatulog siya. Hindi siya nagpunta sa pinto at nagbukas. Walang kumatok. Walang Rohn na dumating at nilunod siya sa halik.

"Panaginip lang pala," nasabi ni Diosa. Bumangon na at hinagod ang mahabang buhok. "Sobra ka na, Rohn, ah? Pati sa panaginip ko guest ka na?" napailing na umalis na siya sa kama. Lampas alas sais na. Kailangan na niyang bumaba para ihanda na ang mga lulutuin. Tuloy pa rin ang New Year hindi man dumating ang hinihintay niya.

Push lang, Diosa Mahinhinon. Push lang!

Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon