Part 7: Unfaithful

11.6K 273 5
                                    

"Rohn," si Tito Floro, sumenyas na lumapit siya. Sa mesa nito ay naroon ang bote ng alak at wine glasses. Nagsalin ng alak ang kanyang stepfather, inabot sa kanya ang isang wine glass.

Inabot iyon ni Rohn, nagtatanong ang tingin. Biglaan ang tawag nito, pinapunta siya sa bahay sa Quezon City. Sa dalawang taong lumipas na wala na ang kanyang ina, bilang na bilang niya ang tawag nito na inoobliga siyang pumunta sa dating bahay nila. Ang alam niya, may buyer na ang bahay na iyon.

Isang envelope ang sunod na inabot nito sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Rohn. "Gusto kong makita mo 'yan bago ako lumipat sa bagong bahay." Hindi niya alam kung saan ang sinasabi nitong bahay. May tatlong buwan na rin noong huli silang nagkausap kaya wala siyang alam sa sinasabi nitong paglipat. Hindi na rin siya umaasang ipapaalam sa kanya nito ang mga ganoong plano. Pareho na silang may kanya-kanyang buhay. Nasa Bataan siya at abala sa farm na iniwan sa kanya ng ina. Mas gusto niya ang tahimik na buhay sa farm house.

Kunot pa rin ang noo na tiningnan ni Rohn ang laman ng envelope—at nayanig ang mundo niya nang makitang malalaking pictures iyon ni Sharlone kasama si Reyver, ang lalaking ipinakilala ng girlfriend na 'good friend' daw nito.

Pasakay sa kotse, palabas ng hotel, sa parking ng office ni Sharlone at sa isang bar kuha ang mga pictures. Gusto niyang mag-demand ng paliwanag kung bakit pinaimbestigahan ni Tito Floro ang kanyang girlfriend pero sa nakikita niyang emosyon na na-capture ng camera, hindi si Tito Floro ang may dapat na ipaliwanag.

Inubos niya ang alak sa wine glass at walang paalam na lumabas ng Study Room. Dumeretso siya sa bungalow house na bigay ni Tito Floro sa kanya—ang bahay na mas pinili niya kaysa sa rest house sa Baguio. Si Sharlone ang dahilan. Sa bahay na iyon umuuwi ang babae habang siya naman ay nasa Bataan. Two or three times in a month, siya naman ang umuuwi roon para magkita sila.

At ang biglaang pag-uwi niya ay hindi alam ni Sharlone.

Hindi nagulat si Sharlone sa pagdating niya. Si Rohn ang nayanig uli ang mundo nang abutan niya ang girlfriend at ang lalaking kasama nito sa mga pictures na dala pa niya para humingi sana ng paliwanag.

Hindi na pala niya kailangan ng paliwanag. Nasa kama na niya ang malinaw na sagot. Nakaupo ang dalawa na magkaharap sa isa't isa. Nakatingala si Sharlone, halos mapigtal na ang ulo sa leeg, nakapikit at nakabuka ang bibig habang nakatukod sa kama ang mga kamay. Nakatalikod naman sa pintuan ang lalaki na wala nang kontrol ang galaw.

Dalawang bagay lang ang naiwan sa isip ni Rohn: Ang tunog na likha ng dalawa at ang mukha ni Sharlone na lunod sa ligaya.


Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon