Part 14: Freebies

10.3K 292 11
                                    

ANG sumunod na anim na araw ay naging boring days na. Walang ginawa si Diosa sa rest house kundi kumain at matulog. Pakiramdam nga niya ay dumagdag na ang kanyang timbang. Hindi gustong tumaba ng dalaga kaya pilit siyang nagpapapawis—na laging epic fail. Bukod sa hindi siya pawisin, ang hirap mapalabas ang pawis sa malamig na lugar!

Sina Macaria at Lemuella lang ang laging ka-text at kausap ni Diosa sa cell phone. Masaya siya na kahit nasa honeymoon week pa ang mga pinsan ay hindi siya nakakalimutang kumustahin. Pareho rin ang laging paalala sa kanya ng dalawa—ang iwan na niya sa twenty-fifteen ang virginity niya.

Sa mga nagdaang araw, madalas maisip ni Diosa si Rohn. Hindi niya alam kung bakit sa kama, sa banyo, sa sahig ng kuwarto ay nakikita niya ang naging eksena nila ni Rohn. Hindi mawala sa isip ni Diosa ang mukha ng lalaki. At kapag matutulog na siya, habang lamig na lamig, naiisip niya ang halik ni Rohn!

Weird ang ganoong pakiramdam. Pilit na lang na kinukumbinse ni Diosa ang sarili na first kiss niya si Rohn kaya ganoon, at ito rin lang ang lalaking nagkaroon siya ng 'moment'. Natural lang na maalala niya talaga. Normal lang iyon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

Isang araw bago ang New Year's Eve, may taxi na dumating sa rest house. Naghatid ng food supplies ang mga tao ni Floro—dalawang lalaki. Isang lampas singkuwenta na siguro at isang mas bata. Utos daw ni Floro na dalhin iyon sa bisita. New Year's gift. Natuwa si Diosa. Ang galante at ang bait talaga ng asawa ni Macaria. Hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit masaya ang pinsan. Sa kanilang tatlo, ito ang pinakamataas ang standard pagdating sa pagpili ng lalaki. Akalain ba niyang sa isang senior citizen lang ito magpapakasal?

At si Lemuella naman na ayaw na ayaw sa lalaking guwapo o macho lang at walang substance ang pagkatao, kasal na ngayon sa isang macho at guwapo. Ewan lang kung may substance ang pagkatao ni Marrio Debil. Hindi pa naman niya nakausap ng matagal ang lalaki para i-judge.

At si Diosa naman na hinding-hindi magse-settle sa kahit sino lang para masabing nagka-boyfriend o nagka-asawa, kanino naman kaya mapupunta?

Pag-ibig lang ang rason kung bakit siya magpapakasal, 'yon ang laging sinasabi ni Diosa sa mga pinsan noon. Noong may 'singles date' date pa sila. Kaya nga hindi siya nagkaroon ng relasyon pagkatapos ng pagkawala ni Dodot sa Pugad Agila. Kay Dodot lang kasi siya nakaramdam ng sparks at magic. Ang mga nanliligaw sa kanya noon na wala siyang maramdaman, basted agad. At noong willing na siyang pumili ng isa sa mga manliligaw, nawala na pala lahat—ang taon na umugong na naman ang tsismis tungkol sa mga Mahinhinon dahil sa mga edad nila. Natakot yata ang mga nagpaplanong manligaw sa kanilang tatlo. May kuwento rin daw na kapag buhay ang dalagang Mahinhinon, mga lalaki sa buhay ng mga ito ang namamatay. Hindi malinaw sa kanila ang version na iyon ng kuwento.

"Dumating na ang blessings!" bungad ni Diosa nang tawagan niya si Macaria. Kaaalis lang ng mga tao ni Floro. Fresh na fresh pa ang mga gulay at prutas. Kompleto din ang grocery supplies. Pati alak at naka-latang beer, kompleto! "Salamat, ah? Paki-extend din kay Floro ang thank you."

"Ikaw pa ba?" si Macaria. "Alam mo namang mahal ka namin ni Ellah, Yosh. Hindi kami mag-eenjoy sa bakasyon kung alam naming 'di ka okay diyan. Si Floro naman, mahal ka na rin yata dahil sa kakukuwento ko. Ideya niya na dagdagan ang food supplies sa rest house. Baka daw gusto mo pang mag-stay diyan kahit tapos na ang holidays."

"Touch naman ako. Thank you talaga, Ariah."

"'Yong red horse, magagamit mo 'yan kapag bumalik si Rohn," bulong ni Macaria at humigikhik. "Isuot mo 'yong red mini dress at lace bikini!" tawa uli. "At 'yong perfume, Yosh!"

Natawa na lang din si Diosa. Ang mga binanggit nito ay kasama sa mga 'blessing' na dumating nang araw na iyon. Ang nagagawa talaga ng pera. Parang isang pitik lang ng darili ni Floro Bolocbuloc, posible na ang kahit anong hiling ni Macaria. "Kung babalik," sabi ni Diosa sa pinsan. Gusto niyang umasa pero baka umasa lang siya sa wala. "Bumaba na ng Maynila 'yon, Ariah."

"Baka nga. Pero in-invite siya ni Floro, Yosh," pagbabalita ni Macaria. "Na sa amin mag-New Year pero hindi raw makakarating. May naunang plano daw. Kung wala na sila no'ng jowa, ano naman ang posibleng plano niya, 'di ba? Kaya baka uuwi diyan!"

Hindi siya sumagot pero napangiti. Sana nga tama si Macaria.

"Uuyyy! May umaasa, o?"

Tumawa si Diosa. "'Wag ka nga! Ngayon na nga lang uli ako kinikilig, 'yaan mo na!"

Tawa nang tawa si Macaria. Pagkatapos tumawa ay ipinaalala na naman ang plano niya. "Last chance mo na, Diosa Mahinhinon!"

"Oo na! Maghahanda na ako! Gagapangin na, bruha ka!"

Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon