MAHINANG inuuntog ni Rohn sa dingding ang likod ng ulo. Nasa sahig siya, nakasandal sa malamig na dingding. Ang kanang kamay na nakapatong sa tuhod ay hawak ang sketch pad na magulo at hindi tapos na view ang naka-sketch. Ang lapis na gamit niya kanina ay kagat kagat na niya ngayon. Tatlong minuto pa, inuuntog na niya sa dingding ang ulo.
Bakit ba siya nagbalik ng Baguio?
Hindi alam ni Rohn.
Mula nang araw na iyon na umuwi siya ng bahay at nahuli ang kataksilan ni Sharlone, hindi na gumana nang tama ang utak niya. Hindi na rin bumalik sa dati ang buhay niya. Hindi na magawa ni Rohn ang mga dating activities.
Hindi niya gustong umuwi sa bahay sa Taguig. Walang kaibahan kung naroon man o wala na si Sharlone. Hindi na mawawala sa isip niya ang eksenang nakita. Kung hindi lang siya nag-aalala sa iisipin ni Tito Floro kapag ibinenta niya ang bahay na ibinigay nito ay matagal pag-aari ng iba ang bahay na iyon sa isang gated community.
Hindi rin gustong bumalik ni Rohn sa farm house sa Bataan. Hindi niya gusto ng tao, ng kausap, ng ingay. Gusto niyang mag-isa at manahimik. Parehong dahilan kung bakit tumanggi siya sa imbitasyon ni Tito Floro na sa Batangas siya mag-Pasko.
Nakita na lang ni Rohn ang sarili na bumabiyahe pabalik ng Baguio. Nasa Manila lang siya sa ilang araw na lumipas—sa hotel. Tulog, kain, inom lang ang ginawa niya. Sa minsang pagtingin niya sa cell phone, napansin niya ang date sa screen. Huling araw na pala ng taon at miserable pa rin siya.
Dumagdag pa sa mabigat na na pakiramdam ni Rohn ang hindi sila nagpang-abot ni Rad. Umuwi ang kaibigan sa probinsiya nito—pagkatapos ng ilang taon na hindi pagpapakita sa lugar. Masaya ang boses nito nang magkausap sila. Babalikan daw ang kaibigang espesyal sa puso nito. Baka daw hindi pa huli. Baka puwede pa. Baka may second chance pa pagkatapos nitong magpakagago sa isang maling babae.
Tinapos niya ang tawag at dumeretso sa Baguio. May solusyon siyang naisip sa hanggang utak na pait na kinakain ang kanyang sistema—sweets. Kumain muna siya ng iba't ibang flavors ng cakes. Unang beses na nakaubos siya ng tatlong slice. Dumaan din siya sa supermarket at bumili ng maraming chocolate candies, kasama ang chocolate coins na hindi nawawala sa mesa nila noong nabubuhay pa ang ina—pampasuwerte daw.
Bumalik si Rohn sa rest house. Mas gusto niya ang lugar—walang ingay at walang tao—may tao nga pala. Si Yosah. Madali lang naman iwasan ang babae para makuha niya ang hanap na katahimikan. Pero gusto nga ba niyang iwasan si Yosah? O ang babae talaga ang isa sa dahilan kaya naisip niyang sa rest house mag-spend ng New Year? May free food. May free laugh. May free...kiss?
"Shit," at inuntog uli ang ulo. Dagdag pa sa gulo sa utak niya ang halik na iyon—na simpleng halik lang naman kaya ni hindi na niya dapat iniisip pa pero sulpot naman nang sulpot sa utak niya. At ang tunog ng pekeng mga ungol at hindi pantay na paghinga ni Yosah noong kausap ni Sharlone, naiwan sa utak ni Rohn ang tunog. Nakikita niya sa isip na nasa ibabaw niya ang babae habang umuungol!
Muntik nang lunurin ni Rohn ang sarili sa shower. Hindi mawala wala sa utak niya ang imahe ni Yosah. At kaninang umaga habang naliligo, lumitaw na lang basta sa utak niya si Yosah—nude at kasama niya sa shower!
Biglang nilakasan ni Rohn ang shower. May epekto talaga sa utak niya ang masamang pakiramdam na iniwan ni Sharlone. Pati ang pinsan ni Ariah na hindi nga marunong humalik nang tama ay pinagnanasaan na niya!
May kumatok. Agad na napatingin si Rohn sa pinto. Nahulaan na niyang si Yosah na nakainom na ang kumakatok, iimbitahan siyang bumaba at kumain. Hindi gustong kumain ni Rohn. Mas gusto niyang saktan ang sarili. Baka kapag nakaramdam siya ng pisikal na sakit, matauhan siya at gumana nang matino ang utak.
Tumayo siya para buksan ang pinto. Madali na lang tanggihan ang babae— napatanga nga lang si Rohn nang lasing na Yosah nga ang nasa harap niya. Gulo-gulo ang buhok, malamlam ang mga mata, amoy beer at bloody red na mini dress ang suot, na perpektong yumakap sa bawat kurba ng katawan nito. Akala niya ay masyadong manipis ang katawan ng babae, mali siya. Ngayon lang mas nakita ni Rohn ang lapad ng balakang nito at ang...ang sukat ng dibdib.
"I, I was the lonely one, wondering what went wrong. Why love had gone and left me lonely..." kanta ni Yosah na nag-freeze kay Rohn. Ang imbitasyon nitong kumain ang handa niyang tanggihan nang nagbukas siya ng pinto, hindi ang 'panghaharana' ng babae. Pinigil lang ni Rohn ang sarili na abutin ito at itulak sa dingding, para matigil sa pag-atras abante dala ng sipa ng red horse. Sa ngiti lang ni Yosah, alam na agad ni Rohn na tinamaan na ito. Tanda niya kung gaano karami ang tawa at bungisngis ang ginawa ni Yosah noong Christmas Eve.
Hindi siya nag-react, tiningnan lang ang babae. Pinakinggan din niya ang kanta nito. Kailangan lang ipako ni Rohn ang sarili para hindi niya abutin ang babae. Mas mabuting hindi sila magdikit. Mas mabuting hindi niya ito hawakan. Wala siyang tiwala sa takbo ng utak niya nitong mga nakaraang araw.
Hindi niya nahulaan na balak pala ni Yosah na mas guluhin ang magulo na niyang utak. Sumayaw sa harap niya ang babae!
Madali lang umatras at isara ang pinto pero hindi nagawa ni Rohn. Parang estatwa lang siyang nakatayo, hindi handa sa 'pagbati' ni Yosah.
Ang slow dance, ang kindat, ang pag-walling, ang pilyang ngiti, ang titig—kinaya pang balewalain ni Rohn. Pero ang sumunod na ginawa ni Yosah, bumagsak sa zero ang self control niya.
"One night, Rohn," si Yosah na titig na titig sa mga mata niya. "Puwede bang akin ka muna?" at itinuloy nito ang kanta—na hindi na natapos. Nakabig na niya ang baywang nito at pinatahimik na niya ng halik...
-- END OF PREVIEW --
NOTE:
THANK YOU, READERS. IF YOU WANT TO READ THE REMAINING CHAPTERS, FOLLOW VICTORIA AMOR IN DREAME.
BINABASA MO ANG
Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins Book 1: Diosa (a.k.a Yosah) Unedited version. Medyo sexy. Medyo rated 18. Most chapters will be private.