Part 13: Ariah's Advice

11.2K 296 5
                                    

NAKANGIWING inilayo ni Diosa sa tainga ang cell phone para umiwas sa malakas na halakhak ni Macaria. Tawag nito ang gumising sa kanya kaninang bandang eight AM. Antok na antok pa siya kaya tinulugan ni Diosa ang tawag. Ten AM na siya nagising. Ten thirty nang matapos siyang mag-ayos ng sarili. Pagpasok pa lang sa banyo, napangiwi na siya—naalala ang eksenang nagsusuka siya at saksi si Rohn.

Napailing na lang si Diosa. Nakakahiya talaga. Paano pa niya maaakit ang lalaki kung sa worst moment agad ito nasalang? Walang ka-poise poise at ang baho pa niya!

Binabatukan pa rin ang sarili, bumaba si Diosa para maghanda ng almusal. Pagdating sa kusina, sa refrigerator agad siya lumapit—at napansin ni Diosa ang note na nakadikit.

Thanks for last night. I left early.

Hindi alam ni Diosa kung bakit bigla siyang nalungkot pagkabasa sa note. Umasa na yata siyang magtatagal si Rohn sa rest house. Bakit kaya hindi na lang doon muna hanggang matapos man lang ang Pasko?

Baka pupuntahan ang girlfriend, naisip niya. May mga tao talagang ganoon—niloko na, sige pa rin. Babalikan pa rin ang girlfriend o boyfriend kasi mahal talaga. Hindi rin niya masisisi ang mga iyon. Hindi rin kasi talaga madaling pakawalan ang isang relasyon lalo kung malalim na emosyon na ang na-invest. Siya nga na umasa lang, nganga pa rin hanggang ngayon, ang mga nasa relasyon pa kaya?

Tumawag si Macaria sa mismong moment na naupo na siya at napatitig sa dingding. Parang bumigat lalo ang pakiramdam ni Diosa. Mag-isa na naman siya. Saan ba galing ang ganoong pakiramdam? Okay naman siya mag-isa dati, ah.

"Ay, teh! Palpak!" bungad agad ni Diosa kay Macaria. "Nagawa ko naman 'yong ilan sa listahan mo pero wala! Hindi effective! Umalis na si Rohn..."

"Na-kiss mo?"

"Oo..."

Tumili ang lukaret. Kung kinikilig para sa kanya o natutuwang effective ang plano nito, hindi alam ni Diosa.

"Nag-kiss back? Nag-kiss back? Ano?" base sa boses ay parang mas na-excite pa kaysa sa kanya si Macaria.

"Siya ang nang-kiss, 'no? Ako ang nag-kiss back—"

Mas malakas na tili ang narinig niya. Mayamaya ay inobliga na siya ni Macaria na magkuwento ng detalye—na ginawa naman ni Diosa agad. Wala siyang itinago sa pinsan. Mula sa Noche Buena na sumabay si Rohn, sa kuwentuhan, sa Truth or Kiss game, hanggang sa bangungot niya sa banyo. Tili nang tili si Macaria. Napanganaga na lang si Diosa nang sinisi pa siya nito pagkatapos niyang magkuwento. Dapat daw ay may nangyari na sa kanila ni Rohn bago pa ito umalis. Naglasing na rin daw siya, dapat ay to the fullest na ang effort na ginawa niya. Hindi na daw sana siya virgin pagkatapos ng Pasko.

"Pasensiya naman," sabi na lang ni Diosa. "Na-witness nga niyang suka ako nang suka! Tingin mo, maatim pa no'n na i-kiss pa ako? Sino'ng lalaki ang matu-turn on sa babaeng amoy suka? Sising sisi nga yata sa kiss kaya ang agang umalis, eh! Baka natakot na mag-demand akong kami na!" kasunod ang tawa.

"Sayang talaga, Yosh! Eh, ang kiss, kumusta naman? Magaling humalik, bhe?"

"'Di ko matandaan, loka! Lasing kaya ako!" pero ang totoo ay natatandaan ni Diosa ang mga nangyari. Malinaw sa isip niya ang halikan nila ni Rohn. Ramdam na ramdam niya ang lips nito na ginawang ice cream ang lips niya!

Eeeeeh!

Na-realize nga niya kaninang bumabagsak sa katawan niya ang warm water galing sa shower, ang kiss ni Rohn ay parang ang looks nito. Hot and sexy. Basta, mahirap i-explain!

Sinaway bigla ni Diosa ang sarili nang mapansing para siyang teenager na kinikilig sa halik. Thirty na siya at mamamatay na nga, hindi na uso ang kilig sa edad niya!

Eh, sorry naman, virgin nga 'di ba? depensa naman ng isang parte ng utak niya. Isa pa, bawal bang kiligin ang kaedad niya? May expiration ba ang kilig? Wala naman. Meaning, may karapatan siyang kiligin. Late bloomer na kung late bloomer.

Kiber!

"Ano lang ang naalala mo?" parang disappointed si Macaria na wala siyang mai-share tungkol sa moment nila ni Rohn.

"'Yong mga naikuwento ko lang," sabi ni Diosa. Hindi niya sasabihin na pati nga lakas ng braso ni Rohn at higpit ng hawak sa kanya ay natatandaan ng dalaga. Lalong hindi niya basta makakalimutan ang ginawa ni Rohn nang nasa banyo na sila at nagsusuka siya. Nakakahiya man, na-touch siya. Hindi naman sila friends para mag-stay ito at samahan siya sa worst scene na iyon. "Babalik pa kaya 'yon?" pag-iiba ni Diosa sa usapan.

"Miss na agad, 'teh?" si Macaria, nanunukso.

"Hindi 'no? Medyo nag-aalala lang ako! Brokenhearted pala 'yon?"

"Brokenhearted?"

"Atin lang 'to, ah? Baka kasi hindi niya gustong malaman ng iba. Nakainom lang kasi kaya nag-confess." At sumunod niyang ikinuwento ang tungkol sa girlfriend ni Rohn. Sunod na binanggit ni Diosa ang ginawa niyang pagsagot sa tawag ni Sharlone. Tawa nang tawa si Macaria nang inulit niya ang pag-ungol na parang hindi na makahinga sa sarap.

"May chance ka na, Yosh!" malakas na bulalas nito pagkatapos ng tawanan. "Wala na palang sabit si Rohn. Magpapatulong ako kay Floro para mapabalik siya sa rest house! At kapag nandiyan na siya—gapangin mo na!"

Natawa si Diosa. "Para namang ang dali lang gawin—"

"Madali lang talaga!" agaw ni Macaria. "Mabagal ka lang. Nag-kiss na nga, pinalampas mo pa? Naghubad ka na dapat!"

"Sobra ka!" nawiwindang na balik ni Diosa. "Ang desperada ko naman no'n! Isa pa, parang hindi siya 'yong tipo ng lalaki na susunggab agad na 'di nag-iisip, eh. Parang sobrang kalmado ni Rohn. 'Tapos ang tahimik pa! Mas maraming titig kaysa salita. Ang hirap basahin ng lalaking ganoon, Ariah!"

Parang hindi nito narinig ang mga sinabi niya. "Mas okay na ang desperadang buhay kaysa sa matinong patay, Diosa!" ang sinabi nito. Naka-focus talaga sa 'pambubugaw' ng virginity niya ang lukaret!

"Oo na. Oo na!" sabi na lang ni Diosa para matapos na. "'Wag mo nang idamay 'yang hubby mo. Hayaan na lang natin si Rohn. Baka kailangan ng oras para mapag-isa. Hindi madali ang pinagdadaanan no'n. Kung sakaling bumalik, sige, itutuloy ko na talaga ang plano mo. No holding back, teh!"

"Sinabi mo 'yan, ha? At isipin mo, Yosh, mas madaling akitin ang lalaking brokenhearted! Needy sila. At kailangan nila ng release sa masamang pakiramdam!"

"At magpapagamit ako para mabuhay—oo na, gets ko na! Sex lang. One night. 'Yon lang 'yon. Pagsikat ng araw, tapos na rin kami. Medyo masaklap lang talaga..."

"Ay, naman! 'Wag ka nga nag-eemo diyan, Yosh! Walang love ang usapan, 'uy! Lalaking 'punit-hymen' lang ang role ang kailangan natin. Bakit parang gusto mo na na may involve na love? Gusto mo na si Rohn? Aha! Tinamaan ka? Nabuhay ang tulog mong hormones sa kiss?" nanunuksong tawa na ang kasunod. "Sabi na, eh! Tatablan ka kay Rohn, Diosa Mahinhinon!"

Tiniis niyang pakinggan ang tawa ni Macaria. Nang mawala ang tunog ay saka siya nagsalita sa mahinang boses. "Mali ba kung aasa akong may mahahanap din akong gaya ng nahanap n'yo ni Ellah? 'Yong pakakasalan din ako bago ang unli sex, Ariah."

"Unli sex talaga?" balik ni Macaria, tumatawa. "Malay mo naman, baka si Rohn na pala ang hinahanap mo. Tiwala lang, Yosh!"

Pagkahaba-habang buntong-hininga ang sagot ni Diosa bago tinapos ang tawag.

Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon