Palapit nang palapit ang mga footsteps. Kumabog na ang dibdib ni Diosa. May ibang tao sa loob ng bahay? Hindi siya maaring magkamali ng dinig. Walang kahit anong binanggit si Macaria kaya sigurado siyang masamang loob ang pumasok. Akala yata ay walang tao sa rest house!
Ang kabog sa dibdib ang tuluyang gumising kay Diosa. Kinuha niya mula sa ilalim ng unan ang patalim kasunod ang pagbangon. Agad siyang tumalon mula sa kama, walang tunog na tinungo ang likod ng pinto. Ang pinto na bumukas na lang bigla—tumigil saglit ang paghinga ni Diosa nang maramdaman niya ang parang paghinto ng mundo; tumigil din kasi ang taong nagtulak sa pinto. Sa palagay ng dalaga ay ang liwanag ng lampshade ang dahilan at ang magulong kamang iniwan niya na inaabot ng liwanag.
Humigpit ang hawak ni Diosa sa dalang armas kasabay nang biglang pagliliwanag ng buong kuwarto—at nakita niya ang balewalang paghakbang ng nakatalikod na lalaki patungo sa kama niya!
Sa isang pindot lang ay pumitik ang blade ng armas niya.
"Taas kamay!" pulis na nahuli ang suspect ang peg ni Diosa. Babatiin na lang niya ang sarili kapag buhay niyang nalampasan ang eksenang iyon—na paraan na yata ni Kamatayan para sunduin siya.
Totoo nga yata ang sumpa!
Tumigil sa paghakbang ang matangkad na lalaking naka-jacket ng itim, kupas na maong jeans at...branded na sapatos? Semi-kalbo ito, mga mahigit pa lang yata one inch ang tumutubong buhok. Kung hindi nito pinasok ang rest house nang gabing iyon, maiisip niyang miyembro ng AFP base sa tindig at porma.
Big time rest houses ang pinapasok ni Kuya, sa isip ni Diosa. Kaya branded ang sapatos o baka naman class A pirata? Pero pati ang jacket nito mukhang hindi biro ang halaga.
Tumigil sa paghakbang ang lalaki pero hindi itinaas ang kamay. Hindi rin ito lumingon, nanahimik lang na parang nakiramdam.
"'Taas kamay sabi, eh!" mas malakas na sabi ni Diosa. "Gigripuhan kita sa tagiliran!" ang tatag ng boses ni Diosa. Para talagang kayang-kaya niyang gawin ang sinabi. Ang sindakin lang naman kasi ang lalaki ang magagawa niya. Sa agwat ng height nila, at sa ina-assume niyang lakas ng lalaki, wala siyang kalaban-laban. Baka isang untog lang nito sa kanya sa dingding ay basag na ang bungo niya.
Pero hindi siya puwedeng basta na lang hayaan si Kamatayan na makuha siya. Malayo pa ang birthday niya, sobrang advance naman ng 'Sundo' niya. Hindi siya papayag!
Laban, Diosa!
"Sa pang-aakyat-bahay mo pa talaga ginagamit 'yang laki ng katawan mo—" napahinto si Diosa nang mapansin niyang gumiwang ang tayo ng lalaki. Parang nagsayaw muna ang mga paa nito bago ang pagharap sa kanya.
Napanganga si Diosa nang magkatitigan sila ng intruder...
BINABASA MO ANG
Rohn (The heartbroken Ex)PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins Book 1: Diosa (a.k.a Yosah) Unedited version. Medyo sexy. Medyo rated 18. Most chapters will be private.