Chapter 3: Oh noes!

29 4 0
                                    

Von Azrael Sy's POV

Nandito na kami sa bahay. Ako, nasa kwarto ko. Si Titus? Malay ko. Hindi naman ako hanapan ng nawawalang unggoy.

I'm in the middle of studying nang biglang may nagtext sa'kin. Napa-iling nalang ako no'ng makita ko kung sino.

'11 text messages from Eris'

Hindi ba siya titigil sa kaka-text sa'kin? I already told her na hindi ko siya gusto, at walang magbabago do'n.

I just ignored her text and continued studying.

Alam ko namang gwapo ako, ehem, pero is that a good enough reason para maging gano'n siya? I dislike how she acts. Para siyang nauubusan ng lalaki, na akala mo ako lang ang nag-iisang lalaki sa mundo kung makahabol. Pero on the contrary, I heard rumors na hindi lang ako ang fini-flirt niya. Oo, marami daw kami.

Yes, she's pretty. Pero ayoko ng maganda lang sa outside. Hindi naman sa jina-judge ko siya, pero she's a bully. Marami nang nagtransfer from this school dahil bi-nully niya. I despise people who do bad acts towards others.

I'd rather stay single than be with her. Mamaya mahawaan pa ako ng kaitiman ng budhi. No thanks!

Titus Fjord Buenavista's POV

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit nang may naramdaman akong masakit sa braso ko na animo'y binato ako ng kung anong matulis na bagay.

Agad naman akong humarap at nakita kong may papatakbong lalaki na halatang nagmamadali. Ang bilis eh.

Napakunot ang noo ko. Ano 'to, pinagtrip-an ako? At talagang sa loob ng school na pagmamay-ari namin? Gusto ba nilang ma-kick out nang wala sa oras?

Nakaramdam ako ng hapdi. Pagtingin ko sa braso ko, nakita kong may sugat at dumudugo na ito. Ugh. I hate seeing blood. It brings back horrible memories.

Napaangat naman ang tingin ko sa babaeng tila tumakbo ng isang daang kilometro sa sobrang pagka-haggard. Well, she's pretty, pero I kind of don't like her aura. May pagka-bitchy for some reason kahit mukha siyang anghel na nilaglag sa lupa. Oo, nilaglag talaga ang tamang term.

"OMG! Are you okay?" Tanong niya sa'kin na nanlalaki ang mga mata.

'Okay na okay. Ang sarap mabato, 'no? Gusto ko pa nga ng isa pa eh.' Pamimilosopo ko sa isip ko.

"Okay lang ako." Mabilis kong sagot at nagsimula nang humakbang palayo. I don't like her. Instinct, kumbaga. Pero nakaka-isang hakbang pa lang ako, naramdaman kong may pumigil sa akin.

"Wait! You're not okay! Halika, gamutin natin sa clinic." Pag-aanyaya niya sa'kin. Nagtanong ka pa kung 'di mo rin lang papakinggan 'yong sagot ko. Tsk.

I wanted to roll my eyes sa pagkainis, pero dahil napaka-baklang tignan, huminga nalang ako ng malalim instead.

"No, really, I'm oka-" Naputol naman ang pagtanggi ko sa kan'ya nang bigla na niya akong hilain paalis. Ugh. Damn it. Kung pwede lang manakit ng babae, babatukan ko 'to eh. Sinabi nang ayaw ko!

After a few minutes, nakarating na rin kami sa clinic. Pinilit ko siya na ayos lang ako, pero hindi siya nagpatalo. Sino ba ang babaeng 'to at napaka-FC? (Feeling Close)

Kumuha siya agad ng mga kailangang kagamitan at pinaupo ako sa isang bed.

"Medyo mahapdi 'to pero-"

"Ano bang gusto mo? Why are you doing this?" Hindi ko napigilang itanong. Napatigil naman siya sa ginagawa niya't napatingin sa'kin.

"Ano bang sinasabi mo? I just want to help-"

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon