Chapter 5: Oh... shit

35 4 8
                                    

Von Azrael Sy's POV

It's been three days since the last time na nagkausap o nagkita man lang ni Dobs—I mean ni Ariadne.

I also cancelled my friend request towards her Facebook account, and sana hindi na siya ipakilala sa'kin ni Titus.

I still remember how she reacted that day—she smiled. She didn't even flinch. She didn't seem shocked even for a little, as if she's expecting it already. She just smiled like usual and said "Okay. I understand."

Why?

I don't understand. Kung ako 'yon, if I made a friend and that certain person suddenly says that to my face, I'd be pretty upset, like "Real quick? As in? Agad-agad?! May nagawa ba ako?" And start overthinking stuff. Mababaliw ako kakaisip.

But she didn't. She smiled. A very pretty one. Napatulala pa nga ako eh.

'Maybe that just means you didn't matter to her at all. Isa ka lang good samaritan sa kaniya. Nothing more, nothing else.'

Aray, brain. Hinay-hinay naman oh. Nasaktan ak- I mean 'yong ego ko. Nasagasaan completely, 'yon, dead on the spot. Mahal pa man din ang mga kabaong these days.

Well, I guess that's the only answer.

Teka, bakit ba ang emo ko?! This is good! It's helping me actually. It'll be easier for me para lumayo. After all, my bestfriend likes her.

Napabuntong hininga na lang ako. Nandito ako ngayon sa mall, naglalakad-lakad. Wala kasi akong magawa eh. 'Yong unggoy kasi busy sa school newspaper ng university namin. Editor-in-chief ang mokong.

Pero don't get me wrong—he got that title because of his hardwork. Magaling magsulat ang lokong 'yon, kahit ako napapa-speechless 'pag nababasa ko 'yong works niya.

Napatingin ako sa Starbucks at may naaninag na babae- malakas ang kutob kong si Dobs—I mean si Ariadne 'yon.

Dahan-dahan akong pumasok and thank God, hindi siya napalingon sa'kin no'ng lumakad ako sa gilid ng table niya.

Umupo ako sa table sa likod niya, na kung saan hindi niya ako makikita unless lumingon siya palikod.

Kahit nasaan siya, naka-long sleeve siya lagi. Kahit sa loob ng apartment niya na naka-heater at hindi na malamig, naka-sweater parin siya. Like now, nakasuot siya ng baby blue dress na hanggang tuhod ang haba, I think, at as usual, long sleeves.

She looks very cute. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang hinihintay 'yong order ko. Alam na nila agad 'yong gusto ko. Madalas kasi ako dito.

Kanina pa siya patingin-tingin sa oras. Looks like she's waiting for someone. Dumating na 'yong coffee ko pero wala parin 'yong hinihintay niya. Pa-VIP masyado. Tsk. 'Di dapat pinaghihintay ang mga babae.

Upakan ko 'yong boyfriend niya eh. Nakakapangselos—I mean nakakainis 'yong mga hindi gentleman na lalaki. Dapat sa kanila pinapatapon sa Pluto eh.

Wait, boyfriend kaya niya?! Kaya ba nakadress siya?! Kaya ba nag-ayos siya?! Paano na ako—I mean si Titus?!

After a few minutes, may pumasok na babae at dumiretso siya sa table ni Ariadne. Agad naman akong napatakip ng menu sa mukha at pasimple lang na patingin-tingin habang nakikinig. Ninja-moves!

"C-Cass...iopeia..." Narinig kong pabulong na pagtawag ni Ariadne sa dumating. Wait, is she stammering? From what? Fear? Nervousness?

"Akin na 'yong for this month. Bilisan mo. Busy ako." Malamig na sabi ng kausap niya. Siya ata 'yong personification ni Elsa sa Frozen. Ang cold. Parang nanginig rin ako sa coldness ng pananalita niya. She has a hater?

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon