Chapter 1: Meeting Her

43 4 0
                                    

Von Azrael Sy's POV

Nilalamig. Nagugutom. Pagod.

'Yan ang mga nararamdaman ko habang naglalakad palabas ng school ng alas siyete ng gabi.

Kanina pa ako nakabusangot dito. Paano ba naman ako hindi sisimangot kung 'yong kotse ko hiniram ng walang hiya kong best friend nang hindi man lang nagpapaalam?! Dapat talaga hindi ko 'yon binigyan ng spare key eh.

Nakakainis. Susuntukin ko talaga ang mokong na 'yon bukas.

Alam na nga niyang busy ako tuwing Wednesday eh. Bakit ngayon pa?

Naka-jacket na nga ako't lahat-lahat, giniginaw parin ako. Tapos humangin pa ng pagka-lamig-lamig. Damn it! Gusto ko nang umuwi't magkumot buong magdamag.

'Ginusto mo 'to, Von. Sa Baguio ka ba naman nag-aral eh.'

Oo na. Pero at least, the cold is better than the scorching hot temperature sa Manila. Mamamatay muna ako sa Heat Stroke bago pa man ako makagraduate doon eh.

Diretso lang ako sa paglakad. Napakadilim naman sa school na 'to. Hindi naman sa takot ako sa multo, pero... Nakakakilabot lang talaga.

Shet. Kung ano-ano na naman naiimagine ko!

The Grudge. The Ring. Evil Dead.

SHIT NAMAN NA UTAK 'TO! BAKIT MO BA SILA INIISIP, HA, BRAIN?!

Bumilis ang paglakad ko ng makarinig ako ng mga kaluskos sa paligid. Wala pa man din akong masyadong makita!

Nagsimula na akong tumakbo. Oo na, takot na ako! Bakit, masisisi niyo ba ako?! Babae lang ba ang pwedeng matakot?!

Napahinga ako ng maluwag nang sa wakas nakarating na ako sa gate ng school. Maliwanag na! May mga poste sa labas, eh. Sa wakas. Nagsimula na akong maglakad patungo sa sakayan ng taxi nang...

Halos mapatalon ako nang mapansing may babaeng nakaupo sa tabi ng gate at medyo natatakpan ng buhok yung mukha niya.

Bigla akong kinilabutan. Lord, malakas po faith ko sa inyo kaso po NAKAKATAKOT PO TALAGA ANG MGA MULTO.

Sinilip ko siya at yakap-yakap niya yung mga tuhod niya't napansin kong nanginginig siya.

'Teka, nilalamig ba ang mga multo?' Napatanong ako sa sarili ko. Do they even feel anything?

Malamang hindi. Tanga lang, Von? Multo nga, 'diba?

Napailing nalang ako't unti-unting lumapit doon sa babae.

Saka ko lang napansin na wala man lang siyang suot na kahit anong jacket.

Nagpapakamatay ba ang babaeng 'to? Is she some kind of a suicidal person? Naku miss, bad ‘yon.

"Uhm... Okay ka lang ba, miss?"

Pagsisimula ko at tinapik ko siya sa balikat.

Napaawang naman ang bibig ko nang unti-unti siyang lumingon sakin.

'Shet, ang ganda niya!' Sigaw ko sa isip ko. Ang ganda ng korte ng mata niya, bilugan. 'Yong ilong naman niya, ang tangos. Tapos yung labi... Nanginginig, pero ang ganda parin.

Naghintay ako ng sagot mula sa kaniya pero lumipas na yata ang 1000 years eh hindi man lang siya umimik. Nakatingin lang siya sakin habang nanginginig.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Siguro may dahilan siya kung bakit and'yan siya. Napahinga nalang ako ng malalim at unti-unting tumalikod. Baka hinihintay niya yung boyfriend niya na dumating.

Tsk! Napaka-gago naman kung hahayaan niya na mag-isa yung girlfriend niya ng ganitong oras ng gabi. It's dangerous for a girl to be outside in this day and age.

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon