Chapter 4: His Decision

28 3 0
                                    

Von Azrael Sy's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi maalis sa isip ko 'yong sinabi ni Titus sa'kin na nakapagpatigil sa pagtibok ng puso ko ng ilang seconds.

"I think I like her. Hindi ko alam kung bakit, pero I'm magically drawn towards her."

"Her name's Ariadne. Ariadne Musique Fernandez."

Hindi ko rin makalimutan 'yong ngiti ng bestfriend ko sa pagsambit niya sa mga salitang 'yon. Ang saya niya. Ang saya-saya niya. And I don't want to wipe it off of his face... again.

Not again. Please, Lord. Ayaw ko nang maulit ang mga nangyari noon.

Ako nalang ang lalayo this time. Kaya ko pang pigilan, kaya't ako nalang ang magsasakripisyo sa pagkakataong ito. I just like her, that's all. It's not like mahal ko na siya. That'd be absurd.

With that in mind, I got up from my bed and prepared for another day kahit bangag na bangag pa ako. Tsss. Lumalim na naman 'yong eyebags ko. Mukha tuloy akong panda. Isang gwapong panda!

'Mayro'n bang gano'n? Wala naman ah.' Bulong ng isip ko.

Mayro'n na! Ako.

'Bangag ka talaga, Von. Tama na nga.' Kontrabida ka talaga, brain!
~

Naglalakad na kami sa hallway papunta sa classroom ng first subject namin. At kung nagtataka man kayo, parehas kami ng course ni Titus, kaya't magkasama kami sa lahat ng klase.

Joke lang. Crush niya kasi ako. Masyado siyang obsessed sakin to the point na ayaw niyang hindi ako makasama kahit saglit lang. Hahaha! Biro lang.

'Ano ba, Von? Nam-mroblema ka na nga, nagagawa mo paring magjoke sa isip mo?' Sermon sakin ng utak ko. Oo na, I understand, kaya shut up ka na.

"Titus." Tawag ko sa kaniya sabay lunok. Ayan na, kinakabahan na ako. Sana hindi. Sana hindi pa ngayon.

"Oh? Bakit?" Sagot niya naman habang nagbabasa ng libro at sumusunod sa'kin sa paglalakad. Bookworm since birth talaga ang unggoy na 'to.

Ang galing ng pet ko, 'no? Maraming tricks ang naituro ko d'yan! Hahaha!

"Kaklase ba natin si... Si Arachnid-"

"Ariadne, Von. Ariadne! Ginawa mo naman siyang gagamba!" Natatawa niyang sabi at napatingin sa'kin. Buti at hindi niya nahalatang sinadya kong i-mali 'yong name niya. Sorry, Dobs.

Natawa naman ako kunwari at napalunok ako sa kaba. "S-So... Ano nga? Ngayon mo ba siya ipapakilala sa'kin?"

"Ha? Ah, hindi eh. Wala tayong klase ngayon na kasama siya." Para naman akong nabunutan ng tinik, buto, puno, bato, at kung ano-ano pa sa lalamunan sa narinig.

WOOOH! THANK YOU LORD! YOU REALLY LOVE ME PO!

Kulang nalang magtatatalon ako dito. Pero syempre, hindi ko magawa dahil baka makahalata si Titus, at dahil ayoko namang magmukhang baliw dito.

Sayang naman kagwapuhan ko kung mabuburo lang ako sa mental hospital. Ang dapat sa itsura ko, dini-display!

Magsisimba talaga ako mamaya! Thank you po talaga, Lord!

"Bakit ba?" Natatawa niyang tanong sa'kin pero halata namang nawi-weird-uhan na siya sa'kin.

Muli akong napalunok. "Ah, wala. E-Excited lang akong makilala 'yong babaeng nagugustuhan mo."

Napangiti lang siya at nanahimik. Okay... Ang awkward. Alam kong ramdam niya rin 'yon. Pero hindi naman siya nagtatanong, kaya't nanahimik na rin ako. Mas mabuti na rin 'yon, dahil hindi ko alam ang sasabihin kung nagkataon.

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon