Chapter 6: Kie & Rie

27 4 0
                                    

Von Azrael Sy's POV

Nakakainis.

Nakakairita.

Gusto kong manuntok.

Ugh. Bwisit na buhay 'to.

"Sige na. Pleaseeee? Magbe-behave ako, promise!" Maka-ilang ulit niya nang message sa'kin na talaga namang nakakabadtrip.

I didn't expect it! Not even in the least!

"Von? Ariadne? Magkakilala pala kayo?"

Napalingon naman ako sa likod and...

Shit.

What the heck is happening here?! M-Magkakilala sila?!

"Oh, Rie! Ikaw pala!" Masayang tugon naman ng kasama ko. So, magkakilala nga sila?! Teka, Rie? Kelan pa naging Rie ang pangalan ni niya?

On second thought, I never really knew her in the first place.

"Kie! Magkakilala pala kayo ni Von?" Sabi ng lintang 'to kay Ariadne. Oo, tama kayo. Si Eris nga 'tong umepal sa moment namin.

She immediately sat on the seat adjacent to mine. Close? Close ba tayo, ha?!

At ano daw? Key? Susi? Paano siya naging susi?!

"Yep. Actually, we just... Um... Met right now." Di-makatinging sabi niya kay Linta. So she looks like that when lying? How cute!

Okay, bumalik ako sa good mood ko dahil sa napakacute niyang itsura. How could a single girl be this cute?!

'Easy-to-get bastard.' Bulong ni brain.

Hindi ah. I just learned my lesson. In the past, I denied my feelings for HER for so long... I was too late. She already fell out of love for me.

I hated losing, kaya... When she gave up on me, I did everything I could to make her mine. Yes, everything. Wala akong pakialam kung may nasaktan man ako or wala. And I hated myself for that. I was such a coward.

"I see! So that's how it is!" She smiled very cheerfully. Ugh. Halata namang fake eh. Nakakainis.

Hindi ko matanggap na friends pala sila. Take note, they're VERY close!

Kaya nga may nickname sila for each other eh.

"Kie" came from Musi"que" although it's pronounced as "Music."

While, "Rie" came from Au"Re"tta though it should've been a normal Re. Tsk. Naiinis akong close sila ng kinab-bwisitan kong baba- I mean Linta. I'll never see her as a girl. Tch.

Malapit lang pala 'yong bahay ni Linta sa bahay ni Ariadne. Naikwento niya sa'kin na nagkakilala daw sila dahil nagkasabay sila sa taxi once when they were going home. Tapos classmates rin sila sa ibang subject. Talk about irritating coincidences. Ugh.

I logged out of Facebook and Messenger para matakasan 'yong pangungulit ni Linta sa'kin. Nakakainis. Tch.

Now that she knows that me and Ariadne knows each other, she's using that reason to get close to me, and it's really pissing me off.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga. It's already 10 am pero hindi pa ako bumabangon. Wala ako sa mood.

'Yong unggoy naman, sabi may lakad. Baka daw 'di siya makakuwi. Sa'n kaya 'yon pupunta?

Hmm. I wonder.

It's been 5 days since that incident, and I haven't seen her yet. Maybe she's busy?

On second thought, bakit kailangan niya akong pagtuunan ng pansin? We're just friends. Ugh. This sucks.

Titus Fjord Buenavista's POV

Nandito ako ngayon sa Manila, because I have unfinished business here.

Grabe, ang init naman dito! IS THIS HELL ALREADY?!

Buti pa sa Baguio, malamig. Ang sarap mabuhay. Dito sobrang init, masusunog ata balat ko kasama na rin 'yong atay, puso, at baga ko.

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa main campus, sa office ni Dad. Hiniram ko kasi for a few minutes para sa kakausapin kong tao.

I'm so nervous. Ano kaya magiging reaction niya?

Ako? Anong magiging reaction ko pag nakita ko siya?

Napapitlag ako nang naramdaman kong nag-vibrate 'yong phone ko. Pagtingin ko naman, siya pala 'yong tumatawag. Why would she call me when we're going to meet today? Why bother?

I then answered the call at napalunok before speaking.

"H-Hello?" Okay. Bakit ako nauutal?

"Hello, Titus! I'm sorry. I can't come today. Something came up. I'm really sorry." Sabi naman ng nasa kabilang linya, with a hint of regret in her voice. Napaawang naman 'yong bibig ko sa sinabi niya.

"O-Oh. I see. Okay lang. Next time nalang. Text nalang kita." Sabi ko at agad na ibinaba 'yong tawag. Well, I'm irritated kasi I hated waiting the most. Lalo pa this time since nabaliwala 'yong effort ko. Lumuwas pa ako ng Maynila for Christ's sake!

I even lied to Von about my whereabouts.

'Ano pa bang bago? Tell me a breaking news.' Whispered my sub-consciousness. Well... Tama ka naman.

Yes, I'm a liar... and I've been lying to my bestfriend. Pero that's okay. He's been lying to me too. Quits na kami.

No... Hinding-hindi kami magiging pantay. That guy... is a demon.

Von Azrael Sy's POV

Nandito ako ngayon sa Night Market dito sa Baguio. Wala akong magawa eh. Nabo-bore ako. So I decided na lumabas muna saglit. Change of environment kumbaga. Lagi nalang akong bahay-school-mall. Nakakasawa na.

Nilalamig parin ako. Huhuhu. Ang kapal na nga ng jacket ko eh. Wala kasi akong fats para painitin 'yong katawan ko. Well... I'm sexy and I know it.

Kanina pa ako lakad ng lakad pero wala pa akong nakikitang kahit anong gusto kong bilhin. Though it's not like I went here para bumili ng kung ano.

After a few more minutes of walking, napagod rin ako kakalakad at nagdesisyong umupo muna sa isa sa mga benches. Ang loner ko namang tignan dito. Huhu.

"Tara bili tayo nito oh! Para match tayo. Dali na!"

Nagpanting 'yong tenga ko sa boses na narinig ko, at paglingon ko sa di kalayuan, nakita ko si Linta. Pumupunta rin pala 'yan dito? Akala ko sa bar lang siya pumupunta.

Siguro may kasama siyang nilalandi niya RIN, katulad ng paglalandi niya sa'min ni Titus.

"Hindi naman bagay sa'kin ang mga ganiyan eh! Sa'yo lang babagay 'yan."

Napatingin naman ako agad nang marinig ko ang boses na 'yon. 'Di ako pwedeng magkamali!

"Ano ka ba, Kie! Bagay 'yan sa'yo. Sa ganda mong 'yan? Tara na. Sige na pleaseee?" Pagpapa-cute naman nitong si Linta sa kaniya. Ang cute niya. Sobra. Parang 'yong aso lang namin.

"Hmm... Sige na nga!" Nangingiti niyang pagsuko habang kausap si Linta. Bakit parang ang saya niya? 'Di ba niya halatang plastic 'yong taong kausap niya?

Baka mahawaan ng kasamaan ng budhi si Ariadne. Naku. Mahirap na. Kailangan ilayo before it's too late.

Unti-unti akong napatayo sa kinauupuan ko't nagsimulang maglakad papunta sa kaniya. I want to say hi, at least.

Just when I was a few steps away from them, I felt my phone vibrate inside my pocket. I'm getting a call. Si Titus pala. I then answered it immediately.

"Oh?" 'Di uso saming dalawa 'yong hello.

"Pauwi na ako. Sunduin mo ako dito sa terminal. Bilis." At ang napakabastos na nilalang, binabaan ba naman ako! Ang kapal talaga ng mukha ng kumag na 'yon.

Napabusangot ako't nagsimulang humakbang paalis. Bwisit na lalaking 'yon. Panira talaga ng moment kahit kailan.

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon