Chapter 2: Paths Crossing

29 4 0
                                    

Von Azrael Sy's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko.

Aaaarghhh. Ang lamig! Ang sarap matulog.

Ngumuso ako't unti-unting pumikit muli. Inaantok pa ako. A few more minutes wouldn't hurt, right?

Malapit ko nang makuha 'yong tulog ko nang biglang may dumagan sa'king napakabigat na bagay.

"Arayyy! Walang'ya ka Titus! Umalis ka nga d'yan!" Pilit ko siyang tinutulak paalis pero nakadagan talaga siya sa akin.

"Matutulog ka na naman eh! Nakita ko na unti-unti ka na ulit nahuhulog sa alindog ng pagtulog! Gising na!" Mahabang litanya niya habang nakasimangot sa'kin.

"Oo na! Babangon na!" Nakasimangot kong saad sa kan'ya. Aaargh. Nakakainis. Inaantok pa talaga ako. Naramdaman ko namang unti-unting nawala 'yong nakadagan sa akin.

"Saan ka ba galing kagabi? Wait... Wag mo sabihing..." Nanlalaki ang mata niya't kung makapagsalita siya eh para niya akong inaakusahan ng nang-rape or something. Napakunot naman ang noo ko.

"Ha? Hoy hindi ako gumawa ng kahit anong kagaguha-"

"Buntis ka?! Walanghiya ka talaga! Paano nalang ang mga pangarap mo?! Sino ang ama niyang- Aray!"

Binato ko siya nung malaki kong unan. Akusahan ba naman akong buntis?! Virgin pa ako no! Wait, hindi naman 'yon ang main issue! LALAKI AKO!

Narinig ko naman siyang tumawa. Minsan talaga nagtataka ako kung paano kami naging magkaibigan ng kumag na 'to.

Siya nga pala si Titus Fjord Buenavista, ang kaibigan ko. Actually, hindi naman talaga siya gan'yan. Tahimik 'yan, pero pagdating sa'kin, konti nalang lalagyan ko na siya ng tape sa bibig para manahimik. Ewan ko ba sa lalaking 'to.

"I met my destiny last night." Nakangiti kong sabi sa kan'ya. Naalala ko na naman siya.

Napatawa ako ng mahina nang maalala ko 'yong dahilan kung bakit siya nakaupo mag-isa sa lugar na 'yon kagabi.

"Bakit ka ba nandoon kagabi, eh ang lamig-lamig?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.

Grabe! Sa tinagal-tagal ko nang namamalagi sa mundong ito, bakit parang ngayon ko lang narealize na sobrang sarap pala ng adobo?! O talagang luto niya lang talaga ang masarap?

Nakita ko naman siyang ngumuso at napakamot ng ulo.

"Kapag kasi umabot na sa 10 degrees celcius 'yong temperature, hindi na ako makagalaw for some reason, tapos nagkakacramps ‘yong mga paa ko, kaya I'll just sit on where I am. Ewan ko kung bakit gano'n."

Ang weird, pero ang cute! Gusto ko siyang ibalot sa kumot at gawing sushi roll.

"Destiny? Anong pinagsasasabi mo, ha?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

"Selos ka 'no?" Pang-aasar ko naman sa kan'ya.

"Selos mo mukha mo. Mas pogi nga ako sa‘yo eh! Bumangon ka na nga!" Singhal niya sakin sabay alis sa kwarto ko. Napahalakhak naman ako't sumunod na at nang makapag-ayos na.

Sa mga nagtataka, oo, nakatira kami sa iisang apartment. Ang lonely naman kasi ng mag-isa sa bahay, at hindi ako sanay. Kaya naman kahit gusto ko siyang i-sako at itapon sa ilog Pasig eh hindi ko nalang ginawa. Instead, I made him my maid... Kidding. Haha!

~
Kanina pa ako nandito sa classroom ko para sa first period. Napahikab ako. Nakakaantok, grabe! Anong oras na rin kasi ako nakauwi kagabi. Mag-12 na yata ng umaga no'n. Pero ayos lang sa'kin mapuyat, kung makikita ko naman siya. Haha!

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon