Chapter 10: Mrs. Sy

10 3 0
                                    

Titus Fjord Buenavista's POV

It's been three days and hindi parin siya nagigising. Ano kayang nangyari do'n? Even the doctors who examined his brain activity said they were clueless.

What the actual heck? Are they serious? Ano 'yon, may abnormalities sa katawan niya na siya palang ang nakaka-experience? Of all the billion people in the world, he's the one and only person who experienced it?

Nandito ako ngayon sa parking lot ng hospital where Von is staying. I brought some of his clothes from our apartment. I excused him from our classes as well. Hay naku. Ano ba kasing nangyayari sa lalaking 'yon?

'Shouldn't you be happy? Or atleast... Relieved that he's away from her?' Bulong ng isip ko na 'di ko pinansin.

Well... I know.

Pero... He's still my best friend. I never wanted him to die or anything like that.

I took the elevator and in just a few minutes, andito na ako sa 7th floor where he is currently staying.

Ang creepy talaga ng hospitals. Lalo na sa mga empty hallways. Buti nalang 'di ako matatakutin, unlike a certain someone... Hahaha!

He'd always been like that. Inaasar ko nga siya dati na bakla eh. Magugulatin rin 'yon. Ang sarap niyang pagtawanan 'pag huling-huli sa aktong takot siya. Sobrang laughtrip.

We're practically inseparable. We've been best of friends for as long as I can remember; pati nga sa pagpapatuli namin no'ng elementary magkasama rin kami. HAHAHAHA.

Pati no'ng nag-iyakan kami dati kasi 'di kami crush ng mga crush namin. Oo, malandi na kami since elementary pa lang. Shit, pag naaalala ko mga pinaggagagawa namin, natatawa na lang ako.

I can still remember the day we met.

Kinder pa lang ako no'n and naglalaro ako sa sandbox ng playground sa school namin. Oo, bata pa lang ako may BV Royale Academy na rin.

I've always been alone. I'm an introvert, and I didn't particularly like people. Masungit talaga ako na parang may galit sa mundo. Sabi nga ng iba baka pinaglihi ako ng mama ko sa sama ng loob. HAHA.

I was enjoying my play time ng biglang may umupo sa tabi ko. Of course, 'di ko pinansin dahil wala akong pakialam sa kahit sino. I just continued playing with my toy trucks as I built my 'kingdom' in the sand.

Kumunot 'yong noo ko nang may maramdaman akong tumapik sa akin. But I didn't care. I'm busy playing here.

"Hey."

May kumakausap sa aking boses lalaki but still, I didn't care. Then he tapped me again.

"Heyyyyy. Bingi ka ba? Wait, 'di ka rin nakakaramdam? Hala, kawawa ka naman." Narinig kong sabi no'ng bata. Napaharap naman ako sa kaniya sa inis at sinigawan siya.

"Hindi ako bingi at lalong-lalo nang hindi ako manhid! 'Wag mo nga akong kausapin! I don't talk to strangers!"

Mukhang nagulat naman siya sa akin pero agad namang nakabawi then inilahad 'yong kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang 'yon at 'di kinamayan. Bahala siya d'yan.

"Eh 'di magpapakilala! Para 'di na ako stranger sa'yo. I just want to be friends. My name is Von." Masigla at ngiting-ngiti niyang sambit sa'kin. Hindi ko parin inabot 'yong kamay niya. Bahala siya d'yan maghintay.

"I don't need friends." Maikli kong sagot sa kaniya at tinalikuran siya. "Everyone who befriended me were all parasites. They needed my money and my parents' position that's why they talked to me. I don't want worms in my life." Dire-diretso kong sabi sa kaniya.

Galit ako sa mga taong nilalapitan lang ako 'pag kailangan ako. Bata pa lang ako pero I already know how to distinguish real from fake. That's why itinaboy ko silang lahat. The result? They started to bully me kasi 'di ko na sila nililibre tuwing recess.

What a waste. People are all fake, and I hate everyone except my family.

"Bakit? Naging kaibigan mo na ba lahat ng tao sa mundo? Try me. 'Di kita tatraydorin, promise!" Napaharap naman ako sa kanya and glared at him. Is this person mocking me or what?

"I don't need your money. Actually, mas mayaman kami kaysa sa inyo. Believe me or not! Ipagtatanggol kita sa mga nang-aapi sa'yo—  "

"Wala nang nang-aapi sa'kin. Mom and Dad already kicked them out of this school." Pambabara ko naman sa kaniya.

Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasasabi niya sa'kin? Anong akala niya sa'kin, babaeng kailangan ipagtanggol?

"Edi 'yong sa future! Basta let me be your friend. Nakakaawa ka kasing naglalaro mag-isa. Aren't you lonely?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumiti lang siya. Ugh. Nakakainis!

"I don't need your pity! Umalis ka nga dito!" Sigaw ko sa kaniya. Hampasin ko siya no'ng toy truck ko eh.

"No! Let me be your friend! Mabait ako, promise!"

Hindi niya ako tinigilan sa pangungulit niya kaya sumuko na rin ako. I accepted his offer, and we've been best friends ever since.

No, wait. We WERE best friends.

Now?

I don't know anymore.

Von Azrael Sy's POV

Nakatitig ako ngayon sa print out ng CT-Scan ko. It showed na wala naman daw mali sa akin. There was just that thing that's quite the mystery here- the brain activity that took place on my head which is still unsolved up until now.

"I don't belive in non-scientific beliefs, pero... Baka naman may involved na spirit or something dito?" Seryosong sabi ni Dad na agad namang nagbigay kilabot sa'kin. I hate ghosts and spirits and whatnot.

"H-Hindi naman siguro Dad." Kinakabahan kong sabi sa kaniya. I felt a lump in my throat and napalunok ako.

I need to go to the restroom. Akmang pababa na ako sa hospital bed nang magulat ako sa biglang pagbukas ng pinto, making me trip.

"Ack!" Daing ko pagtama ng tuhod ko sa sahig. Walang'ya!

"Oops. Did I surprise you?" Nakangising tanong no'ng ugok sa'kin. Alam niya na agad ang nangyayari. Ugh. I hate him so much.

"Dahan-dahan kasi, Titus. Alam mo namang matatakutin at magugulatin ang anak ko." Pang-aasar naman ni Dad sa'kin.

"Okay po Tito. Nakalimutan ko kasi." Narinig ko namang tugon no'ng mokong.

Oh great! Pinagtutulungan pa nila akong dalawa! Kinuha ko naman 'yong mga unan sa kama ko at pinagbabato sila. Mga walanghiya! Tawa pa sila ng tawa. Kainis!

"Hindi ako matatakutin! Grabe kayo sa—  "

I heard the door open and my eyes started to feel a little wet after seeing the person who entered.

"Anak!" She ran towards me and hugged me tightly, which made me smile like there's no tomorrow. Her scent, her touch, everything about her... I love them. I love her so much like how she loves me.

"Kamusta, dear? Are you alright? Sorry late na ako nakarating ah. Nagkaproblema kasi. Forgive Mommy, okay?" Sabi niya sa'kin at niyakap ako ng mas mahigpit. I shook my head and kissed her sa cheeks.

"It's alright, Mom. Welcome back po." I greeted her with such love.

Mawala na ang lahat, 'wag lang ang Mom ko. I love her so much, and I can't live without her. I owe her everything.

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon