Maui's POV
"Mauricy, wake up."
"Hmmm..." Gumalaw-galaw ako tapos itinalukbong ko yung kumot sa mukha ko at tinalikuran itong nang-iistorbo sa tulog ko.
"Come on. Hey, wake up." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may tumatapik sa akin.
"Bakit?" Pati boses ko, mukhang inaantok pa. Pati yung paningin ko malabo rin.
"Get up and take a bath. Mag-start ang Fun Run ng 4 AM." He answered. Heto na nga bang sinasabi ko e. Yung ganitong oras, masarap pa tulog ko. Haaays. Istorbo lang.
Pupungay-pungay akong tumayo at dumiretso sa CR. Matapos kong maligo, isinuot ko yung light blue T-shirt na may tatak na Fun Run @AU's 50th para sa gaganaping Fun Run mamaya tapos tinernuhan ko ng short at rubber. Tinalian ko na rin yung buhok ko para hindi istorbo habang natakbo ako mamaya.
Pagkababa ko sa sala, naabutan ko si Ryner, suot-suot niya na rin yung light blue T-shirt niya tapos sabay na kaming lumabas at dumiretso na ng school.
3:20 AM kami nakarating sa AU. Halos lahat ng estudyante'y nasa ground na. Yung mga Grade7 nakayellow shirt, Grade8 naman ay green, purple sa Grade9, pink sa Grade10, red ang Grade11 at blue sa aming Grade12 pero pareho-pareho yung mga tatak. Maging yung mga teachers, ganun din ang suot. May mga number na ring ibinigay sa amin.
Nagzumba pa muna kami ng dalawang beses bago namin sinimulan yung Fun Run. Kakawhistle pa nga lang, nagsiunahan na yung iba e. May mga premyo kasi ang mananalo.
After every 1km, may kinukuha kaming ribbon sa mga teachers na nakapwesto sa mga bahay-bahay. 3kms kasi yung layo ng tatakbuhin namin tapos babalik ulit, bali 6kms lahat. Meaning, 6 na ribbon ang kailangan naming makuha.
"Maui, saglit naman." Reklamo nina Maxi at Xianny, kakakuha pa lang namin nung first ribbon sa 1km spot.
"Bilisan niyo kasi. 1km pa lang naman yung tinakbo natin ah." Sagot ko habang natakbo pa rin. Sila naman pilit nakikisabay sa akin habang hawak-hawak yung tyan nila. Mga pagod na siguro.
"Palibhasa kasi sanay ka sa takbuhan! Bakit ka ba kasi nagmamadali? May balak ka yatang manalo e." Angil ni Maxi. Pilit pa akong hinihila at gusto muna raw nilang mamahinga.
Grrr! Bakit ba kapag bakla, napakaarte? Ang hilig magreklamo! Ang hilig magsungit? Kampon na rin yata ni Ryner 'tong si Maxi e.
"Oh ano ngayon? May prize daw e."
"Balakasabuhay mo!"
"Hindi ko kayo ililibre kapag nanalo ako!" Sabay belat ko sa kanila at nagdiretso sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
I'm Stuck With an Arrogant
Teen FictionCOMPLETED Story Description: Believing that her family will stay in the Philippines for good, Maui decides to transfer to Adam University to finish her senior high school. But she soon finds out that her father, an engineer, has to go back to Londo...