CHAPTER 36

4.6K 123 34
                                    

Maui's POV

Nang makarating kami sa East Maritain School, mga 9:00 AM na yata. We had registered our names including our school bago kami in-assist papuntang quarter namin. Dapat two days lang yung contest but then, they all agreed to make it four days to trigger us all.

Sa first day ng contest, after the opening program, they have given us one hundred (100) novels including the authors and synopsis of it. Meron din yung by series. (Harry Potter, The Hunger Games, Twilight). Mahirap siya kasi classic novels e. Meron pang American literature. Meron din yung New York Times Bestsellers.

Tapos yung mga famous authors gaya nila Gillian Flynn, Khaled Hosseini, Roald Dahl, Jane Austen, John Green, Audrey Niffenegger, Tina Fey at marami pang iba ang karamihan na nasa reviewer namin. Syempre meron din sa Philippine literature.

As in! Ang dami-dami! Nakakatorta sa utak. Buti nga alam ko na yung story ng iba. Nabasa ko na kasi.

Nung matapos na ang contest, Shendy and I were both happy dahil naka-top2 kami sa overall. Isang malaking karangalan na yun for us lalo na para sa Adam University.

Pauwi na kami no'n. Ramdam ko yung sakit ng ulo ko. Nakakadrain kasi talaga ng utak yung contest. Kinailangan pa naming magpuyat para isaulo lahat ng yun pero worth it naman lahat.

Nung makarating na kami sa AU, I tried calling Ryner para sana magpasundo pero hindi niya sinasagot. Alas dyes ng gabi na kasi kami nakauwi.

Ilang beses ko siyang tinawagan. I even texted him pero walang response. Natutulog na siguro.

Ang sakit ng ulo ko! Argh!

Buti na lang pinasabay ako ni Shendy sa kotse nila. Syempre hindi na ako tumanggi pa. Pagkarating ko sa condo, masyadong tahimik. Tulog na siguro si Ryner. Dumiretso na lang din ako sa kwarto dahil feeling ko hinihila na ako ng higaan ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising. I checked Ryner on his room pero wala siya ro'n kaya ayun, mag-isa akong pumunta sa school.

Natuwa pa ako kasi pagkarating ko sa AU, may banner at tarpaulin na nakadisplay sa main gate ng AU. Ang dami ring nagcongrats sa akin.

"Waaah! Baks, I'm so proud of you!" Sinalubong ako nina Maxi at Xianny ng yakap.

"Salamat." Nakangiti kong sagot.

Habang naglalakad kami papuntang room, kinuwento ko lahat sa kanila yung mga ginawa namin.

"At least you made it and it's all worth it!" Niyakap nila ako ulit. Napapangiti na lang ako ng wala sa oras.

Nung malapit na kami sa room, biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Kitang-kita ko kasi si Ryner, kasama niya na naman si Jecca. Sobrang saya nilang tignan. Nagtatawanan pa sila pareho.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko dapat ito maramdam kasi alam ko namang ginagawa lang iyon ni Ryner dahil na rin sa nag-aalala siya kay Jecca pero may namumuong selos sa dibdib ko.

Naiintindihan ko naman pero kahit man lang sana nagawa akong kumustahin ni Ryner o kahit i-congratulate niya man lang sana ako.

Hindi ba niya alam na nakauwi na ako? Hindi niya ba nareceived yung mga texts ko kagabi?

Nakakatampo lang kasi. Ang supportive pa niya sa akin nung hindi pa kami umaalis. Siya pa nga yung nagsasabi na dapat magfocus lang ako at magreview ng mabuti, na matalo man o matalo proud pa rin siya sa akin. Pero sa loob ng apat na araw na yun, ni isang text o ni isang tawag man lang wala akong nakuha galing sa kanya.

I'm Stuck With an ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon