Maui's POV
Ilang araw na akong walang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip-isip. Gusto ko pa nga sanang makalayo muna rito kaso wala naman akong ibang mapupuntahan kaya minabuti kong magkulong na lang ako sa kwarto.
It's been exactly three days also since I confronted Ryner and that scenario kept playing on my mind. I saw the sadness in his eyes. I even saw pain in it.
Bakit pakiramdam ko naaawa ako sa kanya? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit may lungkot sa mga mata niya? Ako yung nasaktan, pero bakit pakiramdam ko mas lalo siyang nasasaktan?
Argh Maui! Magpapadala ka na naman ba sa damdamin mo?
Sa sobrang kaiisip ko sa pangyayaring iyon, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako subalit nagising din ako sa ingay na nanggagaling mula sa cellphone ko. Antok na antok kong inabot iyon sa gilid ng kama ko.
"Hello?"
[Maui! Oh my God! Please come here!]
Kahit hindi ko tignan kung sino itong kausap ko ngayon, alam kong si Maxi 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagmamadali siya na akala mo'y may emergency.
"Why?" Tamad kong tanong.
[Ryner was here. He was so damn hot!] Napaikot na lang ako ng mata. So, kinailangang bulabugin ang tulog ko para lang sabihin yun?
"Pwede ba Maximo! Ginising mo talaga ako para sabihin lang sa akin yan?! Malandi kang bakla ka!" Inis kong saad sa kanya. Sanay naman na kaming magbatuhan ng kung anu-anong salita sa isat-isa, tsaka hindi na big deal sa amin ang mga ganun.
[Tangeks! Gagi kang babae ka! Hindi yang iniisip mo ang tinutukoy ko! Ang ibig kong sabihin, inaapoy ng lagnat ni Ryner!]
"ANO?!" Wala sa sariling napabangon ako sa pagkakahiga.
[Ay bingi lang? Kailangan talagang ulitin? Ang sabi ko, inaapoy ng—]
"Nasaan siya? Nasaan kayo?" Nag-aalala kong tanong.
[Nandito kami sa bar, malapit sa inyo.] Agad kong pinutol ang tawag. Kinuha ko lang ang isa kong jacket at mabilis na tumungo sa nasabing lugar lalo pa't gabi na. Pasalamat ko na lang dahil may nasakyan pa akong taxi.
Nang makarating ako sa bar ay kaagad ko silang hinanap. Nagmadali akong lumapit nang makita ko sila, kasama pa ni Maxi ang mga kaklase niya.
"What happened?" Kaagad kong tanong. Tinignan ko si Ryner, namumutla siya. Hinawakan ko ang noo niya at para akong mapapaso sa init nito.
God! Kailan pa siya natutong mag-bar? For Pete's sake! Nilalagnat pa siya!
BINABASA MO ANG
I'm Stuck With an Arrogant
Teen FictionCOMPLETED Story Description: Believing that her family will stay in the Philippines for good, Maui decides to transfer to Adam University to finish her senior high school. But she soon finds out that her father, an engineer, has to go back to Londo...