Maui's POV
Mahigit isang buwan na simula nung tumira ako kasama si Ryner sa condo niya. Sa mahigit isang buwan na iyon, nasanay na ako sa pag-uugali ng alien na 'yon. Ramdom attitude? Yun nga siguro iyon. Minsan mabait siya sa akin. Pero madalas masungit. Lagi pa akong inaasar. Letche kasi siya! Pero sabi ko nga, sanay na ako.
Ang sarap lang sipain e. Saan ba kasing planeta siya galing? Sipain ko sana para bumalik na siya sa planetang pinanggalingan niya.
Eww. Kaya mo Maui? Bahala ka nga! Huwag kang kontrabida!
"Sinong nagtali ng bag ko sa upuan?" Inis kong tanong.
Nandito kami sa caferia dahil kasalukuyang break time. Patayo na sana ako at kukunin sana yung bag ko kaso nasasama yung upuan. Taka ko pang tinignan 'yon. Putragis lang! Sino namang anak ng Poncio Pilato ang gumawa nito?!
"Hindi niyo talaga sasabihin? ISA!" Kulang na lang ay lumabas ang litid ko. Nakakainis kasi! "DALAWA!" Sigaw kong muli. Abat? Wala talagang aamin ha?
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin na sa akin pero wala akong pakialam! Inisa-isa kong tinignan ang mga nandito dahil gusto ko lang malaman kung sino ang nagtali sa bag ko!
"HINDI NIYO TALAGA SASABIHIN? HUWAG NIYO AKONG GINAGALIT DAHIL—"
"Hahahaha." Nahinto ako sa pagsasalita at kusang nalipat ang tingin ko sa pinanggalingan ng tawang 'yon. Don't tell me? Inis akong umalis sa upuan ko at hinarang siya.
"You did it, don't you?" I arched my brows on him.
"I don't know what you're talking about Mauricy." Sagot niya habang nakatingin lang sa cellphone niya at diretsong umupo sa bakantang table.
"Stop fooling me! Hindi ka na nakakatuwa!"
"Look, naglalaro lang ako sa phone—" Agad kong hinablot ang cellphone na hawak niya. "What the fuck is wrong with you?" Tumayo na rin siya, salubong na ang mga kilay niya.
"ANG AYOKO SA LAHAT YUNG NAGSASALITA AKO PERO BINABALEWALA LANG! AT ANG PINAKA-AYOKO SA LAHAT YUNG PINAGTITRIPAN AKO!"
"AT ANG AYOKO SA LAHAT, YUNG INIISTORBO AKO!" Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa sobrang inis. Sumasagot pa ha?
BINABASA MO ANG
I'm Stuck With an Arrogant
Fiksi RemajaCOMPLETED Story Description: Believing that her family will stay in the Philippines for good, Maui decides to transfer to Adam University to finish her senior high school. But she soon finds out that her father, an engineer, has to go back to Londo...