Maui's POV
I lay down on my bed with so many questions filled my mind. Ano bang dapat kong gawin? Ang bigyan siya ng pagkakataon? Pagkakataon para bumawi? O pagkakataon para saktan niya akong muli?
Ang hirap gumawa ng desisyon lalo na kung alam mong walang kasiguraduhan.
Ang daming what ifs ang namumuo sa isip ko. What if sasaktan niya ako ulit? What if paglalaruan niya lang ako ulit? Pero paano pala kung totoo yung mga ipinapakita at sinasabi niya sa akin ngayon? Paano ko nga ba malalaman kung hindi ko susubukan?
Ang hirap. Ang gulo.
Bakit pa kasi kailangang masaktan tayo e nagmamahal lang naman tayo ng totoo?
"Mama, ang daya niyo naman! Hindi niyo man lang ako sinama sa probinsya nila Manang Lety!" Tampo kong sabi kina Mama nang makauwi sila. One week kaya sila roon. Ako lang mag-isa ang naiwan dito sa bahay.
"Hayaan mo na 'nak, sa susunod isasama ka na namin." Napanguso na lang ako sa sinabi ni Mama.
May mga inuwi pala silang prutas. May taniman kasi sila Manang Lety doon. Tapos iba-ibang klaseng prutas at gulay ang nandoon. Umakyat pa nga raw si Maurizelle do'n sa punong mangga para lang kumuha. Nakakainggit tuloy.
"Anak, sumama ka kay Manang Lety mamaya. Wala na tayong stock ng groceries dito." Saad ni Mama sa akin.
Paano kasi, nung one week na wala sila Mama rito e lagi kong pinapapunta sila Maxi at Xianny dito. Natatakot din naman kasi akong matulog mag-isa rito. Paano na lang kung may magnanakaw diba?
Kaya ayun, sila ang taga-ubos sa laman ng ref. Wala na tuloy stock.
"Ma!" Tawag ni Maurizelle kay Mama. Naka-indian sit ito sa sahig habang may suot na reading glasses dahil may binabasa na naman siyang libro. "Sama po ako sa kanila. Bibili po ako ng new release series nung fave novel ko. Nawawala yung isa e." Paliwanag niya.
"Ikaw Zelle ah, sa sobrang kaadikan mo sa mga novel na yan, baka isang araw magmukhang libro ka na." Hindi ko na napigilan ang tumawa. Si Mama talaga ang galing magjoke. Ngumiwi lamang si Maurizelle na parang walang narinig.
Ala-una na ng tanghali nung pumunta kami sa SM. Ako yung tagakuha ng mga pinapabili ni Mama habang si Manang Lety naman ang nagtutulak ng cart kasama si Maurizelle. Nung matapos naming bilhin lahat ng mga pinapapabili ni Mama ay tsaka kami nagbayad sa cashier. Pagkatapos ay sinamahan ko si Maurizelle sa bookstore. Dahil pareho lang naman kaming mahilig sa novel, bumili na rin ako ng akin.
"May bibilhin pa ba kayo?" Manang Lety asked.
"Wala na Manang. Tara na po, uwi na tayo." Nagtext lang ako kay Mama para magpasundo kay Papa kaso wala raw siya sa bahay kaya nagtaxi na lamang kami pauwi.
BINABASA MO ANG
I'm Stuck With an Arrogant
Teen FictionCOMPLETED Story Description: Believing that her family will stay in the Philippines for good, Maui decides to transfer to Adam University to finish her senior high school. But she soon finds out that her father, an engineer, has to go back to Londo...