EPILOGUE

10.5K 270 110
                                    

"Anak, sasama ka ba pauwi ng London next week?" Tanong sa akin ni Mama.

"Opo." Tipid kong sagot.

Halos mag-iisang buwan na simula nung mangyari yung accident thingy about kay Ryner. Magmula rin no'n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli. Ewan ko, masasabi ko namang okay na kami, siguro, pero hindi pa ako gano'n kakumportable na kasama siya.

Tsaka kailangan na rin pala naming bumalik sa London, malapit na ang closing ni Maurizelle e. Kailangan ko ring bumawi sa mga namissed kong mga lesson.

Matapos kong makipag-usap kay Mama ay tumungo ako kina Maximo.

"Hija, halika pasok. Hintayin mo na lang si Maxi." Sabi ni Tita Mazel pagkatapos ay naghanda siya ng maiinom.

"Salamat po." Tugon ko.

Hinayaan muna ako ni Tita Mazel magsolo sa sala nila. Hindi niya naman kasi pwedeng iwanan yung niluluto niya sa kitchen, baka masunog pa.

Halos isang oras din akong naghintay bago dumating si Maximo.

"Oy baks, napadalaw ka."

"Ah yeah. Magpapaalam lang ako." Tugon ko rito.

"Bakit? Mamamatay ka na ba?" What the?!

"Oo e. May taning na kasi ang buhay ko." Pagsakay ko sa trip niya. Nagsad face pa ako kunyari.

"H'wag kang mag-alala baks. Ako na ang bahala sa kabaong mo. Si Mami Chelle na sa damit mo. Si Xianny naman ang bahala sa make up mo." Napairap na lang ako ng mata.

"E kung ikaw kaya ang patayin ko?!" Singhal ko sabay sabunot sa kanya.

"Aray kong bakla ka! Walang kasalanan ang buhok ko, pati yan dinadamay mo!" Napairap din siya ng mata.

"Bakit kasi kung anu-anong sinasabi mo?"

"Ikaw nga r'yan e! May taning taning ka pang nalalaman. At least do'n, kahit sa kahuli-hulihang hininga mo na, supportive pa rin ako diba?" He said as he smirked. Napaka talaga ng baklang 'to!

"Whatever!" I said as if I am giving up to his words.

"Pero 'di nga, saan ka pupunta?" He asked.

I'm Stuck With an ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon