----
Hello muna! Uhm imposible po na maging same schedule at topics of subject yung dalawang magkaibang course pero ginawa ko pong posible sa story ko. Hope you like it! :)
~Author
----
CHAPTER 1 - STRANGERS
(DJ’S POV)
“Riiiiiiinnnnggg‼!”, lintik naman na alarm clock to, oh! Monday na pala!
“Takte.. Ayokong pumasok!”, tinakluban ko ng comforter ang mukha ko. Ayokong pumasok,eh! Nakakatamad.
Biglang may pumasok sa kwarto ko. Di ko inalis yung comforter sa mukha ko. Sure kasi ako na si yaya na naman yun, eh.
“DJ, iho.. Tumayo ka na dyan..”, wow ha. Nanay ba kita? Lintek naman, oh!
“I don’t like! Just get out of my room!”, sorry ha. Pero ganito talaga ako eh. Kaya lahat ng maid dito di nagtatagal dahil sakin. Umabot ka lang ng 2 months sa bahay namin, maswerte ka na. XD Bad boy na kung bad boy. Ano bang pake nila?
“Pero iho..”
“Get out!”, nakakairita kasi! Para namang may pakielam talaga siya sakin eh binabayaran lang naman sya ni Mommy’t Daddy.
Maya-maya may pumasok ulit.
“Daniel..”, si Mama. “Bumangon ka na.”, naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama ko at inalis sa mukha ko yung comforter. “Stand up and take a bath.”
“Mommy.. Ayoko nga pong pumasok….”, pagpupumilit ko. Ayoko talagang pumasok! Kaya puro 3 yung grades ko eh. Eh anong pakielam nila? Buhay ko to noh!
“No!”, naku galit na si Mama.. “Bumangon ka na.”
Tinitigan ko muna si Mama. Hay.. “Okay.”, nakakairita naman. Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom.
Kahit labag sa kalooban ko, papasok ako! Takte talaga! Pagkatapos maligo, nagbihis na agad ako. Wait! I’m Daniel Padilla, by the way. DJ for short. Uhmm.. Gwapo, mayaman, happy-go-lucky and… BAD BOY. Wala talaga sa bokabularyo ko ang word na STUDY. Eh ayoko eh. Kaya lang ako pumapasok ay para makipag-bonding sa mga kaibigan ko and that’s all!
Buti na lang walang uniform sa school namin. What I’m wearing: Black T-shirt, Black Pants and Gray Sneakers. O di ba, emo ang loko. xD
Haixt.. Nababadtrip ako twing naaalala ko na sa school ako pupunta. Pero ayos lang. Makikita ko rin naman dun yung mga kaibigan ko eh.
Lumabas na ako ng kwarto, bumaba ng hagdan at dumiretso na sa dining area. Nakaupo na si Mama and Papa. Umupo narin ako.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...