CHAPTER 7
(KATH’s POV)
Pagkababa namin ng kotse, agad ko syang hinila papasok sa campus. Bigtime talaga tong lalaki na to. May sarili ba namang parking lot. Dapat magpasalamat sya sa parents nya.
Naglalakad na kami sa loob nang mapansin ko na halos lahat ng babae nakatingin samin. Ang sama ng tingin nila ha. Tinanggal ko yung pagkakahawak sa kamay ni DJ. “DJ. B-bakit lahat yata ng babae nakatingin satin? Ano meron?”, tanong ko.
“Nag-iisip ka ba? Heart throb ako at ngayon lang ako pumasok na may kasamang babae kaya bago sa kanila yon.”, ay oo nga pala. Sa bagay, gwapo naman kasi sya. Hmp. Sorry na lang para sa mga babae na yon. Mainggit na ang maiinggit. *Evil smile.*
“Sorry ha. Hindi ko alam eh.”, sagot ko.
“Ayan ang epekto ng kasipagan mo sa pag-aaral.”, buti nga masikap ako eh. Eh ikaw? Happy happy lang. Tsk. Kasalanan ko ba na nakakalimutan kong heart throb ka nga campus? Eto talagang lalaki na to.
Pero buti nabanggit nya yung pag-aaral. Nakagawa na pala ako ng schedule naming dalawa for tutoring. Oh di ba. Ready na. Hahaha. “Buti na lang pinaalala mo! Kahit magkaiba tayo ng course, same yung topics ng bawat major subjects natin at same din tayo ng schedule. Mamayang launch, pumunta ka sa library. Hintayin kita don. Tutu-toran na kita.”, pagpapaliwanag ko sa kanya. Sure ako na nagulat yung mokong na to sa sinabi ko. Hmp. Basta schedule naming dalawa yon. At responsibilidad ko rin na turuan. Kung hindi, baka patayin ako nila Tita at ni Mommy. Mahirap na. Saka.. Eto rin yung way para… para makasama ko sya..
“Okay. Pero kung sakaling magkita tayo mamayang break, papansinin mo ko ha.”, buti pumayag sya.
“Bakit naman di kita papansinin? Eh tutor and assistant mo nga ako eh. Dapat nga bilang assistant mo, bantayan kita.”, bakit naman di ko sya papansinin? Nag-iisip ba tong payatot na to? Eh kung hindi ko sya papansinin, ade ako rin yung kawawa. Tsk.
“Bantayan? Ako?”, ay puilit-ulit? Assistant nga di ba? Pero pasalamat sya magkalayo yung building namin kaya di ko sya mababantayan..
“Oo. Pero pasalamat ka na di magkadikit yung building natin kaya di kita madalas makikita.”, kung magkadikit lang yung building ng MC at Management, kakarerin ko na yung pagiging assistant nya.
Bago pa makapagsalita si DJ ay may tumawag saming dalawa. “Bro!”, pamilyar sakin yung boses. Lumingon kami ni DJ. Si Jason. Dadaling lumapit samin si Jason at inakbayan kaming dalawa. “So! Magkasama na ngayon yung dalawang lovebirds.”
Lovebirds?! Kaming dalawa ni DJ?! As in Lovebirds?! Korni talaga ni Jason!
“Lovebirds?!”, sigaw naming dalawa ni DJ. Pati siguro sya na-kornihan din sa sinabi ni Jason.
Tinanggal na nya yung pagkakaakbay samin. “Joke lang.”, tumingin si Jason sakin at hinawakan ang balikat ko.“So Kathryn, okay ka na?”
Pati rin siguro si Jason nag-alala. “Oo. Pero natatakot parin ako. Baka kasi biglang susulpot na naman yung baliw na yun eh.”, syempre di parin na wawala yung takot ko no. Pano kung mamaya pumunta ulit ako sa kotse ko tapos biglang sumulpot yung papa ni Roan tapos baka kung saan na ako dalhin. Nakakatakot..
“Wag kang mag-alala. Nandyan naman si DJ para protektahan ka eh.”, sambit ni Jason. Tama. Nandito naman si DJ para protektahan ako. As long na kasama ko sya, sure ako na hinding hindi ako mapapahamak. :)
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...