CHAPTER 8 - HANGOUT

81 0 0
                                    

(JULIA’s POV)

Oh ano? May POV rin ako no. Hindi lang ako decoration dito. Hahaha! Wait! Hindi pa ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Julia Montes. Tawagin nyo na lang ako na Julia or Juls. Uhm.. I’m preety, matangkad, maputi, at NBSB. Kaya nga ang goal ko ngayon, magkaroon ng BF! Pero hindi pa sya dumarating. But, ayos lang. May mga kaibigan naman ako eh. Tulad ni Kiray at ni Kath. Kaya kahit ganito, masaya parin ako..

Ay! Oo nga pala! Alam nyo, sure talaga kami ni Kiray na mahal ni Bes at DJ yung isat isa. Ayaw pa lang siguro nilang aminin. Hay nako. Ano yun? Hintayan sila kung sino yung unang magsasalita? Pero exciting rin! Hahaha! Mukhang ako pa yung kinikilig sa dalawang yun eh!

By the way! Buti na lang naisipang pumunta ni DJ at Jason sa room namin. Kung hindi, baka napagsamantalahan na yung kaibigan ko ng tatlong lintek na lalaki na yon! Saka sino kaya yung tatalong babae na sinasabi ni Kath na sumugod sa kanya at kasabwat ng tatlong lalaki na yun? Kelangang tanungin ko si Kathryn!

Nasa canteen kami ngayon ni Kiray. Hinihintay namin sila Kath.

“Best.”, tawag ko kay Kiray. “May napapansin ka ba kay DJ at kay Kath?”, tanong ko. Sure ako na napapansin rin ni Kiray yun. Sya pa! Eh dalubhasa kaya sya sa mga ganyan. XD

Nahaluan ng kilig yung mukha ng loka. “Meron. Alam mo Sis, they love each other. They like each other..”, sagot nya.

Nagsimula na rin akong kiligin. “Oo nga eh. Kelan kaya sila aamin sa isa’t isa?”

“Ewan ko nga eh. Hintayin na lang natin. Exciting to sister!”, sigaw ni Kiray na may kilig sa tono.

“Yeah yeah.. Lets just wait..”, tugon ko.

Inikot ko yung paningin sa loob ng canteen.  Nu ba yan?! Daming estudyante! Suddenly, nakita ko na sila Kath. Tinawag ko sila at wi-nave yung kamay ko. Ayun! Agad naman nila akong narinig. Lumapit agad sila sakin. Tumabi si Kath saming dalawa ni Kiray at kaharap namin si Jason at DJ.

“Kami na lang ni Jason yung pupunta sa counter.”, sabi ni DJ. Mabait naman pala sya at gentleman or… Kasama lang si Kath kaya sya ganito? Ang love nga naman. Masyadong powerful! Napapabait ang isang bad boy.. :)

“Sure ka?”, tanong ni Kath.

“Oo naman. Ano order nyo?”

“Isahang order na lang siguro tayo para di kayo mahirapan sa pagdala. One big chicken meal na lang.”, sagot ni Kath. Good ang idea nya. Mas maganda na ang one big meal para di na masyadong magulo saka sure ako na lahat kami mahilig sa chicken eh.

“Agree kami don.”, sambit namin nila Jason ng sabay-sabay.

Tumayo na si DJ. “Okay. Pare tara na.”, aya nya kay Jason.

Tumayo na rin si Jason. “Okay!”, may saya sa mukha nya. Sabi ko na nga ba eh. Kahit lalaki, mahilig sa chicken. Hahaha!

Lumakad na yung dalawa papunta sa counter. Kami na lang tatlo yung naiwan. Pagkakataon ko na to para tanungin si Kath sa mga nangyari sa kanya kanina.

“Best. Kaya mo bang i-describe yung mukha nung tatlong babae na umaway sayo kanina?”, naku! Dapat nyang i-describe yung tatlong kabayo na yun! Pag nakita ko sila, kakalbuhin ko sila!

Nag-isip muna sya habang kami naman ni Kiray ay naghihintay sa sagot nya. “Sure ako na mga second year yon eh. Hindi na lalayo sa edad natin. At sure din ako na hindi Management yung course nila.”, sagot nya.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon