(DJ’s POV)
Launch time ngayon so nagkitakita kaming lima dito sa cafeteria ng school. Paganahin nyo yung imahinasyon ninyo ha.. Nasa harap namin sila Kath, Kiray at Julia. Syempre katapat ko si Kath! Tinuturuan nya kasi ako sa ibang major subject. Sa totoo, gets ko na yung mga topics pero hindi ko na lang sinasabi sa kanya. Hahaha! Si Jason naman, ade eto. As usual, naghahanap ng chiks! Pero take note! May girlfriend na yan! Pero nasa ibang school. Thankful nga sya na hindi dito nag-aaral yung girlfriend nya eh. Loko talaga to! Uhm.. Si Julia naman, halos magka-stiff neck na kakahanap sa Prince Chraming Crush nya a.k.a Diego. Accounting yata course nun eh. Talino di ba? T_T Eh si Kiray naman, face to face parin sila nung hand mirror nya. Buti nga hindi pa nababasag eh. Joke lang! Haha! XD Buti na lang talaga—
*Pak!*
“Aray.. T_T”, hinampas ako ni Kath sa braso. Bawal bang i-share sa inyo yung mga ginagawa namin ngayon? Amazona talaga tong babae na to. Pero maganda! ^o^
“Nakatunganga ka naman jan. Nakikinig ka ba?”, aish. Nakikipagkwentuhan lang ako sa mga readers no… ---.---
“Nakikinig ako noh. May naisip lang.”, sagot ko.
“Ano naman yang iniisip mo? Ha?”
“Kung pano ise-celebrate yung 1st monthsary natin.”, Yahoo! Kami nga diba! Hahaha
“Ano ka ba? Next month pa yon noh.. Wag kang masyadong excited.”, T_T ayaw ba nya yon??
“Ayaw mo ba non??? Ayaw mong mag-celebrate.”, hmm.. Magtatampo na talaga ako..
“Ano ka ba? Hindi no. Glad nga ako kasi iniisip mo na yung tungkol don. Hahaha!”, *0* Woah! Kathryn… glad sya.. *0*
“Ayon naman pala eh. Pa-kiss nga ako.”, nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya para halikan sya sa pisngi.
Pero.
PAK!
T_T ayan na naman sya. Pinamalas na naman ng girlfriend ko yung walang hanggang hampas nya. T_T
“Loko! Kilabutan ka nga jan sa sinasabi mo!”, sigaw nya. Hindi naman totally na sigaw yon. Malakas yung boses nya pero kaming lima lang yung nakarinig. Gets nyo? Basta ganon na yon. XD
Hinihimas ko yung kaliwang braso ko na hinampas nya. “Eto naman.. Hindi na mabiro..”, *smirks* binibiro ko lang naman sya eh. Hindi ako manyak tulad ng ibang lalake no! Dapat nirerespeto ang mga babae mas lalo na ang mga babaeng katulad ni Kath! Mga respetadong tao sila! Nagsermon ba DJ? Hindi naman.. Nagpapangaral lang. ^__^ GOOD BOY kaya to! >:D
“Hay nako.. Kayong dalawang lovebirds dyan oh.. Baka langgamin pa kayo eh madamay pa kaming tatlo.”, komento naman ni Kiray habang nakatitig sa hawak nyang salamin habang inaayos yung buhok nya. Wow. Rebonded yung buhok nya ngayon ha. XD
Nasa mood kaya akong makipagbiruan ngayon! Bwuahaha! >:D “Eh ikaw naman dyan. Baka suddenly, ma-crack na yang hawak mong salamin. Ang tagal nyo pa namang magkakilala ng salamin mo na mala-salamin ng witch sa story ng Snow White. Hahaha!”, sabi ko. Yung apat halos pinipigil na lang yung tawa. Ooops! Walang maiinis! Biruan lang! Walang personalan!
Binaba nya yung salamin at humarap sakin. “Ade bibili ako ng bago. ^___^”, aish. Hindi nainis? Si Kath lang yata yung pikon sa kanilang tatlo eh. Hahaha!
Suddenly….
Ringtone: Use Somebody
Agad kong kinuha yung phone ko sa pocket ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. 0919******* sino na naman kaya to.
Nakatingin silang apat sakin at mukhang curious kung sino yung tumawag.
I answered it. Baka kasi si Mama or Tita or si Daddy. Di ba..
“Hello?”, sabi ko.
Nagsalita yung nasa kabilang linya.
Me: O.O
“Rica..”, lalong naging curious yung mukha nilang apat. Pero ngayon, nalagyan na ng pag-aalala or sabihin na nating gulat. Mas lalo na si Kath.
“DJ.. Ano ba? Magsalita ka naman oh.”, wow ha! Eh bakit ka ba tumawag?! Dapat talaga nagpalit na ako ng number eh! Kainis!
“Ano? Bakit ka pa tumawag? Di ba wala na tayo. I think I need to end this call so--”
“Come here!”, sigaw nya pero may pagmamakaawa yung tono. Ano yon? Paawa effect? Magtigil sya saka nasa canada sya eh. Bakit nya ako pinapapunta—
Wait.
O.O Don’t tell me na…
“Nandito ngayon ako sa Airport. Nasa Pilipinas na ako. DJ, please sunduin mo ako. Sunduin mo lang ako dito and ihatid mo ako sa hotel na pwede kong tirhan for awhile and you can return na kung nasan ka man ngayon.”, pagpapatuloy nya. Nice term ha. Kung nasan ka man ngayon. Ano ako? Kaluluwa? Pero, sunduin ko narin kaya sya. Nakakaawa naman eh.
“Sige. Maghintay ka lang dyan.”, sarkastiko kong sagot. I hung up the phone bago pa sya magsalita. Humarap na ulit ako kila Kath. Nandon parin yung worried expression sa mukha nila. “Uhm.. Kath pwede bang--”
“Sige DJ. Ayos lang. Puntahan mo na sya.”, at nagpakita sya ng weak smile. Hay.. Dapat kasi DJ pinabayaan mo na si Rica. Eh di ba nga may kasalanan yon sayo.. Iniwan ka lang nya basta-basta.
Pero pano kapag hindi ako pumunta. Pano kapag maghintay sya don sa wala. “Sige.. Babalik ako agad.”, sagot ko at sinabit ko na yung bagpack ko sa left shoulder ko at lumabas na ng campus.
Suddenly, may nag-grab ng shoulder ko. Syempre titingnan ko kung sino. Hay nako. Si Jason lang pala. Pero may mali eh.. May mali sa mukha nya. Masyado yata syang seryoso?
“Oh Pare, baket?”, tanong ko.
Seryoso lang yung mukha nya. Sa totoo lang, hindi ako sanay pag ganito si Jason. Ngayon ko lang kasi ulit nakita yung Jason na ganito eh.
“DJ siguraduhin mong babalik ka dito bago mag-end yung klase ha.”, sabi nya.
“Oo naman. Nangako ako kay Kath di ba.”
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...