THE START OF JEALOUSY
(KATH’s POV)
Tapos na yung klase. Nasa park kaming tatlo nila Julia. Dito kami tumatambay pag wala pa kami sa mood umuwi. XD
Nasan na kaya si DJ?
“Kath!”, sigaw nung lalaki sa likuran ko.
Lumingon ako at tumingin naman sila Julia sa pinaggalingan ng boses. Si Enrique! :D Childhood friend ko sya. Matagal rin kaming hindi nagkita. Halos 5 years din ata. Kilala din sya nila Julia at Kiray. Dati, kaming apat yung magkakasama. Pero kinailangang pumunta ni Quen sa Italy kaya yon. Di ko na sya nakita pero ngayon.. Nandito na sya‼‼
Napatayo kami nila Julia sa nakita. “Quen..”, sambit namin ng sabay-sabay.
“Quen‼‼”, sigaw ko at tumakbo ako sa kanya para mayakap. Niyakap nya rin ako. “Quen.. I miss you..”, sabi ko.
“Miss rin kita no.. Miss ko na kayong tatlo..”, sagot nya at lumapit din si Kiray and Juls para yakapin din sya.
“Pano mo nga pala nalaman yung campus na to?”, tanong ko.
“Sa Mommy mo.”, si Mommy? So alam nya rin na nandito na si Quen?
Nag-poute ako. “Si Mommy talaga. Hindi man lang kami ininform na pupunta ka dito. Miss na talaga kita!”, at niyakap ko ulit sya. Na-miss ko talaga sya.. Na-miss ko yung bestfriend ko..
“So Quen, musta naman sa Italy?”, tanong ni Julia. Buti pa sya chill lang. Eh ako mukhang bata dito sa sobrang excitement..
“Ayos lang. Pero nakaka-homesick rin kaya umuwi na ako..”, ahh.. so dito na sya mag-i-stay.. Ang saya! Ay nakalimutan ko nga pala.. 17 years old din sya.. Kasing edad nya si DJ. 1 year din yung agwat naming dalawa. Sana magkasundo sila ng boyfriend ko.
“Yung pasalubong ko?”, si Kiray naman.. Yung pasalubong agad yung hinanap. Hahahah!
Ngumisi si Quen. “Syempre di ko nakakalimutan yon no. Nasa car ko. Kunin mo na lang mamaya.”, at ngumiti sya. Mabait sya, protective, gwapo rin at humble. Halos parehas lang sila ni DJ pero syempre iba parin si DJ no.. Mas gusto ko si Mr. Bad Boy.. Hahahah!
“Kath..”, tawag nung isang lalaki. Kilala ko yung boses na yun ha.. Hehe. Lumingon kami. Si DJ! :D
Agad akong lumapit sa kanya. Nagbigay lang sya ng weak smile. Ano na naman kaya nangyari sa lalaking to? Hmp. Pakilala ko muna sya kay Quen. “DJ. Tara. Ipapakilala kita sa childhood friend ko.”, sabi ko.
Tinuro nya yung sarili nya. “Ako?”
Ngumiti ako. “Oo naman! Tara!”, hinila ko sya papunta kay Quen.
“DJ, eto si Quen.”, sabi ko with hand gesture. “Quen, eto si DJ. Boyfriend ko.”, at ngumiti ako. Tumingin ako kay DJ. Nakangiti na sya. Yung ngiti nya, hindi na yung weak smile kanina. Sure ako na totoong smile na un.. Proud ako na boyfriend ko sya no.. Hahaha!
(DJ’s POV)
Nauna na si Jason umalis. May dadaanan pa daw kasi sya eh. Kaya lumabas narin ako ng campus para pumunta sa park. Baka kasi nandun sila Kath. Madalas ko kasi silang makita na don tumatambay after classes. Nung palapit na ako sa park, nakita ko na may kausap sila Kath na lalaki, siguro kaedad ko rin yon. Mukhang masaya si Kath at masaya rin yung lalaki pati sila Julia.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...