(KATH’s POV)
Nandito kami ngayon sa KFC. Uhmm. 20 minutes yung byahe papunta dito from school kaya lahat kami gutom na. Si DJ at Jason yung nag-order tapos kami ni Kiray and Juls, naghanap na ng mauupuan naming lima. Syempre magkakatabi kaming tatlo.
”Kath..”, tawag ni Julia. Tumingin ako sa kanya. Ano to? Kinikilig?
“Ano???”, tanong ko. May pagkadismaya yung mukha ko kasi naman, hindi mawala sa mukha ni Julia yung kilig. Ang weird! Swear!
“Mahal mo ba si DJ?”, tanong nilang dalawa ni Kiray.
Me: (O,O)
“Kath! Mahal mo ba sya?”, pag-uulit nila.
Me: (T.T) “A-ano.. Uhmm.. Kasi…” >__< Aaminin ko na ba? Eh paano kung sabihin nila kayDJ? Pano kung malaman nya? Goshness! Dumukmo na lang ako. ~_________~
Niyugyog ako nila Julia at Kiray. “Uy Kathy.. Sabihin mo na kasi..”, pangungulit nilang dalawa. “Aminin mo na kasi samin..”
“Ang ano?”, tanong ng isang lalaki. Naku! Sabi ko na nga ba eh! Tiningnan ko kung sino yung nagtanong……
Si DJ‼
Me: (O____O)
Umupo na silang dalawa ni Jason sa harap namin at inilapag sa mesa yung order. May pagtataka parin sa mukha nilang dalawa. Mas lalo na kay DJ..
“Ano ba yung aaminin mo?”, tanong naman ni Jason?
“Oo nga Ano yun?..”, sambit naman ni DJ. May pagka-tsimosa pala yung dalawang to! Ka lalaking tao! Pero wag muna dapat yun yung isipin ko! Dapat mag-isip ako ng palusot! Lintek kasi Julia! Kiray! Pano na yan ngayon..
Biglang nagsalita si Julia. Siguro nafi-feel nya na wala akong maisip na sagot. “Gusto lang namin na aminin ni Kath na may gusto sya sa isa naming classmate.”, Julia naman! Bakit ganong palusot pa!
Ade wala akong magagawa kundi mag-agree sa sinabi ng matino kong kaibigan. “O-Oo.. Ta….Tama.. Yun nga yung gusto nilang aminin ko..”, pagsang-ayon ko. Pano kung magselos si DJ?! Pero… mukhang hindi naman siguro kasi sure naman ako na hindi nya ako mahal eh.. ------.-------
“Aah.. Tara na kain na tayo..”, sagot nya at kumuha na ng chicken sa bucket.
Nakakalungkot naman. Bakit di man lang sya nag-react? Sabi ko na nga ba eh.. Wala syang pakielam kasi hindi ako yung type nyang babae. Hindi ako.. Siguro protective at concervative lang talaga sya sakin pero special feeling? Wala siguro..
Fffffffaaaaasssssstttttt Foooooooooooooorwaaaaaaaaaarrrrrrrrrdd!
Natapos narin kaming kumain. Hinatid na namin sila Julia at Kiray sa dorm na pinapasukan nila. Malayo kasi house nila eh. Si Julia sa Bulacan tapos si Kiray sa Batangas. Hindi naman pwede na araw-araw uuwi sila sa kanila di ba.
Kami na lang ni DJ at Jason yung magkasama. OTW na kami sa bahay nila DJ. Ang tahimik naman. Walang nagsasalita saming tatlo. Nakakailang naman pag magsasalita ako? Anong topic? Anong sasabihin ko? Nakaka-feel tuloy ako ngayon ng bad vibes kay DJ.. Gusto lang namin na aminin ni Kath na may gusto sya sa isa naming classmate. Haixt! Naaalala ko na naman yung segway na sinabi ni Julia kanina and the worst thing pa ay sumang-ayon pa ko. Nakakairita! Eh pero ayos na rin yun kesa naman mabuking yung feelings ko para kay DJ. Natatakot kasi ako kung ano yung isasagot nya eh. Baka i-reject lang nya yung nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...