CHAPTER 5
(KATH’s POV)
Pagkadilat ko ay nasa ibang kwarto ako. So it means na nasa ibang bahay ako. Nakita ko si DJ na nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig sakin. “Kath..”, mukhang nag-aalala sya.
“N-Nasan ako?”, syempre ayon muna yung una kong itatanong. Baka kasi kung saan ako dinala ng mokong na to.
“Nasa bahay namin. Nasa room mo.”, nasa bahay nila? Nasa room ko? Ah.. Siguro eto yung sinasabi nyang guest room nila na magiging room ko simula bukas.
“N-nasa bahay nyo?”, eh bakit dito pa nya ako dinala? Pwede namang sa bahay na namin. May naiisip ako ha.. *.*
“Nag-collapsed ka kasi kanina kaya di ko natanong kung saan yung way papunta sa bahay nyo.”, ahh.. Oo nga pala. Di pa pala nya alam yung daan papunta sa puso ko. I mean, sa bahay namin. Saka nag-collapsed yata ako sa sasakyan kanina. Abe naman kasi, natakot ako dun sa lalaki noh! Mukha syang baliw tapos hinahanap pa sakin yung lintek na Roan na yon.! Magbabayad raw ako sa lahat ng ginawa ko! Eh ano ba ginawa ko sa kanya? Nag-aalala na tuloy ako ngayon.
“Sino kaya si Roan? Bakit ako yung sinisisi ng lalaki na yon sa pagkawala ni Roan?”, kelangan ko talagang malaman kung sino si Roan. At kung bakit ako yung sinisisi ng baliw na lalaking yon. Alam kong baliw sya. Pero sa dami naman ng sisisihin nya eh bakit ako pa?
“Wag mo munang isipin yon. Kelangang gumaling ka agad.”, nararamdaman na yata ni DJ na nag-aalala ako. At tama sya. Kelangan kong gumaling agad. May pasok pa naman bukas. Haixt! Pero… Napapansin ko rin sa kanya na nag-aalala sya para sakin. Kaya pa lang mag-alala ng lalaki na to? Sa bagay, mabait naman talaga sya eh. Mabait siya.
“Sorry, DJ ha.. Pinag-alala pa kita.”, kelangan ko talagang mag-sorry no. Yung una dahil sa pagligtas nya sakin kaya nagka-gasgas sya sa kanang braso. Tapos yung ngayon na nag-aalala nga sya. Baka nga madamay pa sya sa gulo sa life ko eh!
“Ano ka ba? Wala yun. Normal lang na mag-alala ko dahil mahalaga ka sakin.”, ano? Anong sabi nya? Mahalaga ako sa kanya? Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Ayan na naman. I hate this feeling! Di ako makapag-salita kaya nag-facial expression na lang ako ng Ano?
“A-ang ibig kong sabihin, s-syempre tutor kita kaya normal lang na mag-alala ako.”, ahh.. Akala ko pa naman… No! No! No! Bakit ko ba iniisip yon? Tutor lang nya ako and assistant, okay! Hanggang don lang! Kaibigan, pwede na din. Pero girlfriend…. Hindi.. -.-
Tumayo sya. “S-sige. Punta lang ako sa kwarto.”, at agad na syang lumabas ng kwarto at isinara ang pinto.
Inikot ko muna ang paningin sa loob ng kwarto. Wow.. Puro blue. Blue curtain, blue wall, blue stuffs, blue bedcover,blue pillows, blue comforter. Lahat blue. Kaya ba tinanong nya sakin nung isang araw kung ano yung favorite kong kulay para sa design ng kwarto na to? Nag-effort sya para sa magiging kwarto ko? No Kathryn. Wag muna dapat akong mag-expect. “Baka co-incident lang na blue yung motif ng kwarto na to at blue yung favorite color ko.”, pero… I like it. Parang mag-eenjoy ako dito. :D
Uupo sana ako kaya lang.. “Aah. Sakit ng ulo ko.”, may lagnat pa ako ngayon. Haixt! Humiga na lang ulit ako at pumikit. Baka sakaling makatulog ako at baka paggising ko, wala na akong sakit. Suddenly..
Ano ka ba? Wala yun. Normal lang na mag-alala ko dahil mahalaga ka sakin. Napadilat ako. Ano ba?! Bakit ayon ang nasa isip ko sa twing pumipikit ako? Nag-LSS sa isip ko! Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Lab dub. Ano ba?! Paulit-ulit? Paulit-ulit? Sa totoo, sya lang yung nakakapag-pabilis ng tibok ng puso ko. Oo sige, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kinakabahan, excited or masaya ako. Pero yung feeling na to. Iba eh. Iba yung beat. Iba yung nararamdaman ko. At sa twing nangyayari to sakin, si DJ yung nasa isip ko. Si DJ yung dahilan nito. Ano ba meron sa kanya?? Pumikit na lang ulit ako at nagtaklob ng comforter. Tulog! Tulog! Makatulog ka na! At yun.. Nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...