CHAPTER 3 - THE BEGINNING OF OUR LOVE STORY

116 0 0
                                    

(CHAPTER 3)

(KATH’s POV)

“Remember Kathryn Bernardo. Ang Bad Boy na katulad ko, hindi tumatanggap ng apology. Mas lalo na pag galing sayo.”, ang sarap talagang sapakin ng lalaking to! Ako na nga yung nanghihingi ng apology tapos ayaw pa nyang tanggapin! Peste! Ang taas talaga ng pride mo Daniel Padilla!

“Alam mo ang sama mo talaga! Dyan ka na nga!”, makapag-walk out na nga lang! Lintek! Dapat pala di na ako nag-sorry sa kanya! Grr! Nakakainis! Nasa labas na ako ng clinic ng lumapit sakin sila Julia kasama yung kaibigan ni Mr.Mayabang  a.k.a DJ.

“Girl. He is Jason. Sya yung kaibigan ni Daniel.”, pagpapakilala ni Julia kay Jason. Tumingin ako sa mokong I mean..kay Jason. Mukha naman syang matino at mabait pero bakit sya naging kaibigan ni Mr.Mayabang?

“Jason. Pagsabihan mo nga yang peste mong kaibigan na babaan man lang yung presyo ng pride nya! Masyadong mataas!”, letse talaga! Pati tuloy si Jason natataasan ko ng boses. Lintek!

“Di tinanggap yung sorry mo no..”, alam na nya agad? Hay.. matagal na siguro silang magkaibigan. At siguro, hindi talaga tumatanggap ng sorry si Mr.Mayabang. Hmmp! Ang taas talaga ng pride ng lalaking yon,ha!

“Alam nyo, gusto ko nang mag-quit para maging tutor and assistant ng letseng lalaking yon!”, tama! Gustong gusto ko na talagang mag-back out! Ngayon nga lang na dito lang kami sa campus nagkikita eh di ko na makaya pano pa kaya pag sa bahay na nila ako nakatira?! Lintek talagang buhay to oh! MAKAPAG-MURA KA NAMAN, KATH.Eh pano kasi! Nakakainis!

“Naku, Kath. Wag.”, ano daw? Bakit naman?

“Ha? Bakit wag?”, nakakapagtaka ha.

“Nararamdaman ko kasi na ikaw lang yung makakapagbago kay DJ.”, ano daw?! Ako lang yung makakapagbago sa lalaking yun?! ANO?! NO WAY‼

“Anong ibig mong sabihin? Eh diba bestfriend ka nya? Dapat ikaw.”, oo nga naman. Dapat si Jason na yung gumawa non. Eh bestfriend nya si DJ eh.

“Kahit na anong gawin ko. Hindi ko matanggal sa kanya yung pagiging-Bad Boy nya. Pati nga yung parents nya hindi kaya eh.”, eh yun pala eh! Di kaya ng parents nya, pano pa kaya ako?

“Parents nga nya di sya kayang baguhin. Ako pa kaya? Hello.. Ngayon pa lang kami nagkakilala noh.”, imposibleng mabago ko sya no! Saka wala akong tyagang makisama sa taong katulad nya!

“Ayon na nga, eh. Ngayon pa lang kayo nagkakilala pero niligtas ka nya. Alam mo, meron kaming isang kaibigan na muntik muntikan naring masagasaan pero di nya niligtas. As in tumingin lang sya. Buti nga, naligtas ko eh. And take note. Babae rin yun.”, di nya niligtas? Tapos babae pa and kaibigan nila. Pero ako na di pa nya gaanong kakilala, niligtas nya. Di ko maintindihan. Bakit?

“Sure ako na mababago mo sya, Kath”, pagpapatuloy ni Jason. “Pagtyagaan mo lang syang pakisamahan. Please..”, ako? Kaya ko syang baguhin? Pero pano? Hay bahala na. Kung mataas talaga ang pride ng lalaking yun, babaan ko na muna yung akin. Pipilitin kong di mainis sa kanya. Baka sakaling magkasundo kami. Ade wala na akong problema pag nasa bahay na nila ako. Oh diba. Ang talino ko talaga! XD

“Okay. Sige. Di ako magba-back out.”, kahit labag sa kalooban kong maging-tutor and assistant nya.. Gagawin ko.

Pero bakit nga ba kelangan kong gawin?

1.    Para di mapahiya si Mommy sa kaibigan nya na parents ni DJ.

2.    Para maging busy na rin ako. Boring ng study life ko para sa mga matatalinong tulad ko eh. XD YABANG MO, GIRL. Hindi naman.. :D

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon