CHAPER 10 - KATHNIEL

77 0 0
                                    

(KATH’s POV)

“Rrriiinnggggg‼‼!”, umaga na naman‼ :D

Bakit ang saya ko ngayon? Ano ba yung nangyari kagabi?

Aaahh‼! Confession day nga pala kahapon.. Nagsabihan kami ni DJ ng I LOVE YOU kagabi.. Grabe kilig much! And simula sa araw na to? Girlfriend na nya ako at boyfriend ko na sya! Naks naman‼‼‼ Ang saya!

Ay speaking of! Sure ako na tulog pa yung boyfriend ko! Magising nga..

Tumayo agad ako at mabilis na pumasok sa kwarto ni DJ..

“DJ!”, lumapit ako sa kama..

Me: O.O

Wala sya sa kama nya. Wala sya sa kwarto nya. Bumaba agad ako ng hagdan baka sakali kasing nasa baba na si DJ. Pero imposible… 6:00 pa lang ha.. Saka ako yung unang nagigising sa kanya.. Nasa living room na ako nang makasalubong ko si Tita. Nakita nya agad ako.

“Kathryn, iha.. Magandang umaga..”, bati nya.

“Magandang umaga rin po Tita..”, sagot ko.  “Uhm.. Nasan po si DJ?”, tanong ko. Hindi ko na mapigilan magtanong eh.. Saka Mama naman nya si Tita kaya hindi naman nakakahiyang magtanong..

“Naku iha. Nauna na sa school. Nagmamadali eh..”, ano?! Lintek DJ! Bakit mo ko iniwan dito?!

“Nauna na po?! Bakit po?”, ano bang klaseng boyfriend yan?! Iniiwan yung girlfriend!

“May aayusin pa daw sya eh. Magpplay yung banda nila sa campus mamayang 8..”, may banda si DJ? Marunong kumanta yung lalaking yon??

“May banda po sya? Sya po yung vocalist??”, tanong ko. Hindi ako makapaniwala… Kaya pala music conservatory yung kinuha nya,.

Ngumisi si Tita Karla. “Oo naman. First time magpplay yung banda nila sa campus kaya lahat ng estudyante, pwedeng manuod.”, pagpapaliwanag ni Tita Karla.

“Estudyante din po ba yung mga kasama nya sa banda?”

“Yup. Yung mga estudyante sa MC.”

Nag nod ako. “Aahh..”

“Iha. Sinisigurado ko na hindi ka lolokohin ni DJ. Kung lokohin ka nya, sasakalin ko sya.”, what? Anong sabi ni Tita?! Alam na ba nya na kami na ni DJ?!

“Alam nyo po ba na…”

“Yup, Kathryn.. Kinwento sakin ni DJ kanina habang kumakain sya. Alam mo, ngayon lang sya naging masaya sa pagkukwento tungkol sa girlfriend nya. At alam narin ni Min!”, at nagbigay ng mahinang tawa si Tita Karla.

“Talaga po?”, so proud sya sakin. Yehey! I wanna party now‼ Pero.. Alam na ni Mommy? "Alam na rin po ni Mommy?!"

“Yup.. Sorry ha. Dapat kasi ikaw yung magsasabi sa kanya pero sa sobrang kilig at saya ko kanina sinabi ko na sa kanya eh! Alam mo masaya rin sya!”, ---___--- ang tita at ina ko nga naman... Pero at least sinusuportahan nila yung relation namin ni DJ. *0*  May kinuha si Tita karla sa sofa. Inabot nya sakin. T-Shirt na black. Nakatiklop pa kaya di ko makita yung design. “Isuot mo daw yan sabi ni DJ.”

Inalis ko sa pagkakatiklop yung T-shirt para makita yung design. Black syang tshirt tapos may nakaprint na red broken heart sa gilid. So it means na may kapartner tong T-Shirt para mabuo yung heart.. Parang… Parang T-shirt ng mag-kasintahan..

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon