CHAPTER 6 - OBVIOUS

103 1 0
                                    

CHAPTER 6

(KATH’s POV)

“Iha ano yung pangalan mo?”, tanong nung maid. Parang mas matanda pa to kay Mommy. Siguro dati pa to dito.

“Uhmm.. Kathryn po. Kayo po?”, tanong ko.

“Zenaida, iha. Nanay Zeny na lang ang itawag mo sa akin.”, mukhang mabait sya. Kelan pa kaya sya nagtatrabaho dito as a maid?

“Nanay Zenny, kelan pa po kayo nandito?”, curious talaga ako eh.

“Matagal na. Nung ipinanganak si DJ nandito na ako.”, Ano?! Nakatagal sya na kasama si DJ?! Ang haba ng pasensya ng matandang to ha.

“Ano?! Natagalan nyo si DJ?!”

Natawa si Nanay Zeny sa tanong ko. “Napansin mo rin ba kung pano nya itrato yung mga katulong dito?”

Tumango ako. “Opo.”

“Alam mo, iha.. Mabait naman talaga si DJ eh. Mataas lang talaga yung pride nya.”, tama! Dahil sa kataasan nung pride ng mokong na yon, sumasama yung ugali nya.

“Alam ko naman po yun eh. Mabait talaga sya, concervative sa magulang at sa mga kaibigan. Kaya nga po hindi ako nagsisisi na umoo para maging tutor and assistant nya.”

“Alam mo Kathryn, bumababa yung pride o sabihin na nating bumabait sya pagdating sayo.”, ano? Sakin? What do you mean? What?????

“A-Ano po?”

Umupo si Nanay Zeny sa tabi ko. “Ngayon pa lang kasi sya nag-alala sa isang babae tulad ng pag-aalala nya sayo nung wala ka pang malay kanina. Ngayon pa lang sya nagdala ng babae dito. Yung naging girlfriend nga nya ni minsan di nya dinala dito eh.”, so nagka-gf si DJ?

“Nagka-girlfriend po sya?”

“Oo. Pero isa lang.”, wow.. Isa pa lang. So it means, hindi sya chikboy? Ganon? “Hindi nya dinala dito yon. Kahit isang beses lang.”

“Aahh.. Ganon pala.”, ngayon, naiintindihan ko na. Hindi pala sya babaero. Yung first impression ko sa kanya na chikboy at bad boy, lahat na yon mali.

“Kainin mo na yang soup mo. Para makatulog ka na.”, utos ni Nanay Zeny at tinuro nya yung soup sa mangkok na nasa harap ko.

“Sige po.”, ngumiti ako nagsimula nang kumain. Wow. Ang sarap talaga.. Yummy! Suddenly, napansin ko na lang na empty na yung mangkok. Busog na ko. Halos nasimot ko. Nakakahiya. Hahaha!

“Halatang nasarapan ka sa luto ko ha.”, wow! Luto to ni Nanay Zeny?! Kaya pala ang sarap!

“Luto nyo po to?”, kath.. paulit- ulit?

Tumango sya.

“Kaya pala ang sarap.”

Bigla kong naalala si DJ. Puntahan ko kaya sya sa kwarto nya.. Tumayo ako. “Uhm. Nanay Zeny. Akyat na po ako sa taas ha.”, pagpapaalam ko.

“Sige, iha.”

Umakyat na agad ako ng hagdan. Nang nasa second floor na ako, may nakita akong isang kwarto na katabi lang ng kwarto ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni DJ na katabi lang ng magiging kwarto ko yung kwarto nya. So it means, kwarto nya to. Sinubukan kong pihitin yung door knob. Hindi naka-lock.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon