(CHAPTER 4)
(DJ’s POV)
Tinuruan and tinulungan ako ni Kath sa mga problems na ibinigay sakin ni Ms.Batchoy. Bakit kapag sya yung nagtuturo sa akin at nag-eexplain ng bawat steps sa pagsagot sa Math, agad kong nakukuha? Kanina hindi ko alam pero naka-focus ako sa mga sinasabi nya. Feeling ko, kailangan ko si Kath sa tabi ko. Okay. Fine. OA na kung OA pero yun talaga yung nararamdaman ko eh. Siya yung inspirasyon ko.
“Mabilis ka naman pa lang matuto eh.”, sabi nya. Kasi nga nandito ka. Hay ewan ko ba kung bakit ko sinasabi to. Pero sure ako na seryoso ako sa bawat salitang binibigkas ko about sa feelings ko. Drama ko noh?
“Kasi may inspiration.”, at katabi ko ngayon yung inspirasyon ko. Agad agad? PBB Teens? PBB Teens? Syempre di ko muna sasabihin na sya yun noh. Ayoko nga ng biglaan!
“May girlfriend ka na?”, girlfriend agad pumasok sa isip ng babaeng to? Or baka naman nag-aaalala sya kung may girlfriend ako. Hay! Stop expecting DJ! Baka ako rin yung matalo sa bandang huli.
“Wala.”, by the way. Nagka-GF nga pala ako nung 4th year high school ako. As in sineryoso ko sya. Nagsikap ako sa pag-aaral. Pinilit kong maging good boy para sa kanya pero…. Di ko alam na may iba pala sya. Kaya simula non, ayoko na sa mga babae. Pero nung nakilala ko si Kath, nag-iba yung lahat. Lintek! Ayokong maging drama king, okay!
“Eh, kung wala kang girlfriend sino yung sinasabi mong inspirasyon?”, ano ba to? Interview? Ikaw nga kasi! Pero… di ko muna sasabihin sayo. Gusto kong maging sure sa feelings ko.
“Uhmm. Hindi nya alam na sya yun eh.”, hindi mo alam Kath na ikaw yun.
“Hindi nya alam?”, paulit-ulit? Oo nga. Kaya kung ako sa iyo, alamin mo na. XD
“Oo. Hindi pa nya alam.”
“Eh bakit ayaw mong sabihin sa kanya. Di ba malakas naman yang loob mo? Don’t tell me na torpe ka..”, nag-inis ba? Hay nako Kathryn..
“Ayoko pa ngang sabihin sa kanya kase gusto kong maging sure yung feelings ko for her. Saka di ako torpe no! May respeto rin naman ako sa feelings nya. Saka ipaparamdaman ko muna. Besides, kapag sinabi ko yung nararamdaman ko, may possibility na lumayo sya sakin. Ayokong mangyari yun,.”, haba ng paliwanag ko noh? XD
“Ahh.. Eh akala ko ba awkward ka sa mga babae? Unfair mo ha! Sakin ang sama-sama mo tapos pagdating sa kanya, para kang anghel!”, Kath… Kung alam mo lang. Ayoko kasing mabigla ka eh. Ayokong lumayo ka sakin.
“Iba kasi yung babae na yun eh. Pag kasama ko sya, ang saya ko. Nagbabago ang lahat pag sya yung nasa tabi ko. Parang bigla akong bumabait.”
“Sa tingin mo, ganon din kaya yung nararamdaman nya sayo?”, ikaw nga dapat sumagot nyan eh! Ganon din ba yung nararamdaman mo sakin ha, Kath?
“Sa tingin ko hinde. Awkward din sya sa mga lalaki eh.”
“Ade magpursige ka. Iparamdam mo sa kanya na special sya sayo. Kung mahal mo talaga sya, kahit anong ayaw pa nya sayo, di mo maiisip na sumuko. Kasi, she’s the one.”, buti alam mo yun. Wag kang mag-alala. Magsisikap talaga ako.
“Pero bad boy ang tingin nya sakin eh.”, yup. Bad boy di ba yung tingin mo sakin. Kaya nga. Nakakapagdalawang isip na eh.
Hinampas nya yung balikat ko. Kung makahampas naman to.. “Ano ka ba? Ade ipakita mo sa kanya yung good sides mo. At saka sure ako na kaya mong magbago para sa kanya.”
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanfictionNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...