SWEET MOMENTS
(DJ’s POV)
Nasa canteen kaming lima ngayon. Ang saya kanina. Buti na lang sinuot ni Kath yung T-shirt na kapartner ng t-shirt na suot ko ngayon. Hindi naman obvious na proud kami sa relation namin. Hahaha!
Magkatabi kami ni Jason at kaharap naman namin si Kath, Julia at Kiray. Syempre katapat ko girlfriend ko no. Kahit na may relasyon na kaming dalawa, hinahayaan ko parin sya na sumama kila Julia. Kasi bestfriend nya yung mga yon eh saka sa bahay naman namin sya nakatira kaya ayos lang. Sulit narin yung araw ko. :D
“DJ!”, sigaw ni Jason sa tenga ko. Nagising bigla yung diwa ko. Sakit sa tenga!
“Ano ba Pare? Sakit sa tenga non ha..”, sabi ko. Nakahawak ako sa left ear ko na sinigawan nya.
Ngumisi yung loko. “Pare naman. Kanina ka pa nakatulala dyan at pangiti-ngiti pa. Masyado ka bang kinilig sa nangyari kanina? Hahahaha!”, hay nako. Nang-inis na naman to. Pero, hmmm… Siguro nga..
Tumingin ako sa harap ko. Si Kath. Nakatingin sya sakin and…. She smiles… Oh God! Ayoko pang kiligin! ^o^
Tumingin si Kath bigla kay Jason. ”Jason, magaling ka pa lang mag gitara..”, at may amazement na naman sa mukha nya. Sa totoo lang, parang bata si Kath. Excited kahit saan. Maliit na bagay lang sumasaya na sya. Dun sya nagiging cute eh. Isa yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. :D
Nag-smirk na naman si Jason. “Ako pa.. Hahaha! Eh mas magaling si DJ. Marunong mag-gitara, marunong mag drums, marunong mag-beat at marunong pang kumanta. Talented yang boyfriend mo!”, sagot nya
Ngumiti na lang ako kay Kath at kumindat.
Ngumisi sya.
“Oy. Oy Oy. Tama na nga yan. Baka mamaya-maya tunaw na kayong dalawa dyan eh. Baka mawalan pa kami ng dalawang kaibigan..”, pagbibiro naman ni Julia.
“Hindi naman.”, sagot namin ni Kath in chorus.
“Eh Kath. Baka naman makalimutan mo na yung dahilan kung bakit sa bahay ka nila DJ nakatira. Ikaw Sis ha..”, hirit ni Kiray pero may kilig sa mukha nya. Palagi naman yatang kinikilig yung babaeng to eh. Hahaha!
“Ano ka ba? Hindi no. Kahit na boyfriend ko sya, tutor parin nya ako. Tuturuan ko parin sya..”, sagot ni Kath.
“I know right. Kaya nga tayo nagkakilala dahil don di ba.”, sabat ko naman at ngumiti ulit sa kanya. DJ kelan ka pa natutong magpa-cute? XD
“Tigilan mo na nga yang pagpapa-cute mo.. Baka halikan pa kita dyan sige ka..”, sabi ni Kath? Ano? Imposibleng halikan nya ako no. Ang dami kayang tao dito sa canteen at kasama pa namin sila Jason. Maiilang syang halikan ako mas lalo na sa lips. I swear…
“Wushu. Hindi mo naman kaya eh. Ang dami kayang estudyante dito and alam ko naman na naga-gwapuhan ka talaga sa boyfriend mo saka--”
Napatigil ako sa pagsasalita nang dumampi yung labi nya sa labi ko. Feeling ko biglang huminto yung oras. Yung parang kaming dalawa lang yung nasa mundo ngayon.. Okay.. Its not a French Kiss ha.. As in nakadikit lang yung labi nya sa labi ko. Okay??
1…
2…..
3……..
4………….
5…………………
Me: O.O
Halos 5 seconds nagtagal yung kiss.. And then inalis na nya yung pagkakadikit ng labi nya sa labi ko. Nakatitig na lang sya sakin ngayon at nakangiti. Yung ngiti nya iba. Sabihin na nating naka-evil grin sya sakin. Yung mga tao naman sa canteen napatigil sa mga ginagawa nila at nakatingin samin ni Kath. Yung iba nga nakanganga na eh. Pati sila Jason, Julia at Kiray, nakatulala samin.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Fiksi PenggemarNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...