CHAPTER 2
(KATH’s POV)
Pagkatapos klase ay tumambay muna kaming tatlo sa park na nasa harap ng campus. Di ko parin makalimutan yung nangyari kanina. So siya pala si Daniel Padilla. Yung sinasabing Heart Throb ng campus. Tama. Gwapo nga siya pero ang sama naman ng ugali! At siya pa yung tututoran ko. And the worst thing is Titira pa ako sa bahay nila for 5 months! Karma ba tong nangyayari sakin? Mabait naman ako ha.. Hay.. Takteng life ito. Another adventure na naman.
Inalis ni Julia yung kanang kamay ko na umaalalay sa ulo ko,”Hoy. Kathryn Bernardo!”
“Lintik naman oh. Nag-iisip yung tao eh.”,hay.. sa totoo, di ko na talaga alam kung ano yung gagawin ko. Kanina excited na excited ako kasi makakaganti na ako sa payatot na yon. Pero bakit ngayon…
“Sis.. Hulaan ko. Nagdadalawang isip ka na kung gaganti ka kay DJ noh..” sambit ni Kiray.
Umirap ako. “Syempre hindi no! Gaganti parin ako sa kanya! Kapal ng mukha nya! Akala mo kung sinong gwapo!”, basta! Gagantihan ko siya! I promise! Hinding hindi ako maiinlove sa kanya! Payatot na mayabang! Che!
(DJ’s POV)
Hay salamat! Natapos narin ang walang kwentang klase! Tsk! Sayang lang talaga oras ko dito eh! Nasa labas na kami ngayon ng campus ni Jason.
Tinapik nya ako sa likod,”Bro! Si kath saka yung mga kaibigan nya oh!”, sabay turo sa park. Nandon nga sila Ms.Sungit a.k.a Kathryn. Inisin ko kaya.. Cute pa naman sya pag naiinis. CUTE?! OO! ALAM KONG CUTE SIYA PERO DJ MUKHANG IBA NA YUNG MEANING MO HA! UMAYOS KA NGA! Ang ibig kong sabihin, gusto ko syang pagtripan ngayon dahil sa ginawa nya sakin kanina. Joke lang yung cute.
-.-
“Pre, lapitan natin.”, aya ko kay Jason.
Habang papalapit na kami ay narinig namin yung pag-uusap nilang tatlo.
“Syempre hindi no! Gaganti parin ako sa kanya! Kapal ng mukha nya! Akala mo kung sinong gwapo!”, sigaw ni Ms. Sungit. Wow ha. Talagang palaban yung isang to. Di ba nya pansin yung kagwapuhan ko? Sya lang yung kauna-unahang tao dito sa mundo na nagsabi sakin non. Tsk. Di sanay kumilatis ng gwapo.
“Backstabber ka pala.”, pang-iinis ko. Totoo naman eh! Kung i-describe nya ako sa mga kaibigan nya parang napakaperpekto nyang babae. Nakakabadtrip.
(KATH’S POV)
“Backstabber ka pala.”, sambit ng isang lalaki sa likod ko. Bumagsak na naman ako sa impyerno. Alam ko kung kaninong boses yon.
Tumayo ako at lumingon sa kanya,”Backstabber?! Ako?! Kapal mo rin no?!”, ang kapal nyang pagsabihan ako na Backstabber! Madali ka nga naman ng lintek!
“Ano ba ang tawag sa isang tao na nagsasabi ng masasama sa ibang tao pag wala yun sa harap nya? Di ba backstabber?”
Loko pala to eh! “Hindi ako backstabber no! Sinasabi ko lang naman yung totoo!”, war na talaga to! Takte! “Ang kapal ng mukha! Ang sama ng ugali mo! Ang yabang mo! Wala kang modo.!”
Nakatitig lang sya sakin. Walang expression yung mukha. Feeling ko, goosebumps striking me again. “Siguro nga sa tingin mo sakin, makapal yung mukha ko, masama yung ugali ko, mayabang ako at wala akong modo. Pero di mo muna ba naisip yung bad sides mo bago mo i-judge yung ugali ko?”, naku.. nagalit ba sya? Pero wala akong pakealam! Totoo naman lahat ng sinabi ko eh! “Ngayon mo pa lang ako nakilala tapos ganyan ka na magsalita? Sa totoo, di mo pa nga ako tuluyang nakikilala eh. Ang alam mo pa lang ay yung pangalan ko at hindi mo pa alam kung sino talaga ako. Pero ikaw, kilala na kita. Ikaw yung klase ng babae na puro bad sides ng ibang tao yung unang tinitingnan. Di mo ba naisip na may good sides din naman ako? So ngayon? Sino yung makapal yung mukha? Sino yung masama yung ugali? Sino yung mayabang at sino yung walang modo. Di ba ikaw.”, at tumalikod na sya para maglakad papalayo. Sumunod sa kanya yung kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
FanficNung nakilala ko sya, NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla na lang akong sumasaya. Bigla na lang lumiliwanag yung mundo ko at pakiramdam ko ay bumabait ako BIGLA. Ang BAD BOY kong ugali ay biglang NAWALA. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kanya, natuto ulit ak...