Chapter 3
Nasa tapat na ako ng bahay ni Loida nang makatanggap ako ng tawag mula dito. Pero imbes na sagutin ay inignora ko ito. Bakit ko pa sasagutin eh nasa tapat naman na ako ng kanyang bahay. Inabot ko ang pamasahe sa taxi driver saka umibis at naglakad papasok sa bahay ni Loida.
Hindi na ako kumatok pa dahil alam ko din ang passcode ng kanyang pinto. Madalas kasi ay sa kanya na ako nakakatulog kapag masyadong madaming events at projects.
Malakas na musika ang syang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. "Hey nandito na si Jhoyce!" sigaw ni Kath. Ahead sya sa akin ng isang taon sa pag momodel pero tila yata may nakadikit na kamalasan dito. Mabibilang lamang sa daliri ang kanyang nakukuhang events kaya nga kapag may alam akong raket at hindi ko na kaya pang gawin, sya na ang ginagawa kong sub.
Lumapit ako sa kanya at nakipag beso. "Sino iyang mga 'yan?" mahina kong tanoong kay Kath. Ayon dito mga taga multimedia staff daw at ang iba ay hindi nya din kilala. Maaring inimbitahan din ni Loida ang ilang kaybigan.
"Whooaa, Jhoyce Himala at at hindi ka na late sa usapan?" napalingon ako sa likod ko nang marinig ko si Loida. Nakipag beso din ako sa kanya at saka ito niyakap.
"Marami na ba akong na miss?" pabiro kong tanong.
"Nope, halos kasisimula pa lang din naman. Nga pala help yourself alam ko namang feel na feel mo na itong bahay ko"
Kung sensitive lang siguro ako ay nasaktan na ako o di kaya ay napikon. Pero sanay na ako at isa pa sadyang ganoon lang talaga siya magbitaw ng salita.
Isa pa, makakadagdag wrinkles pa kung maiinis lang ako.
Inimbita kami ni Loida para ianunsyo ang engagement sa boyfriend nito- ang misteryosong lalaki na panay sa kwento ko lamang nailalarawan kung ano ang itsura nito.
Kilalang businessman ang boyfriend nito at madalas daw na nasa out of the country o di kaya ay naka out of town.
"So nasaan na ang forever mo?" tanong ko dito habang iniikot ang paningin sa may kalakihang living room nito.
Ngumiti muna ito bago pakonyong sumagot, " Wag atat day, relax lang parating na din iyon. Hindi kasi sya dito natulog kagabi dahil may meeting. Pero on the way na daw siya. Kaya sige na kumain na muna kayo" mahina kami nitong pinagtulakan papunta sa kanyang kusina at doon, kanya kanya kaming kumuha ng pagkain. Si Loida naman ay bumalik sa living room para estimahin ang iba pa nitong bisita.
Kumuha lamang ako ng ilang fruit cocktail at nakisali na din sa ingay ng mga babae. Katabi ko sa upuan si Kath na panay naman ang fb, parang wala itong kasama at talagang feel na feel ang pag kaka indian sit sa sofa.
"Guys,. The very reason why I want to introduce Rome personally is because he proposed to me" Masaya pa nitong itinaas ang kamay para ipakita ang suot na singsing.
Napa 'oh' naman ang mga kasama namin maliban sa akin. May ikakasal nanaman. Parang kailan lang isa sa mga kaibigan ko ang ikinasal at ngayon ang manager/ friend ko naman.
"'iyon nga lang hindi naman kayo ma iimbitahan sa mismong official engagement party kasi sa Cebu iyon gaganapin. " Kitang kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata habang sinasabi iyon.
Panay 'congrats' ang siyang nakuhang tugon ni Loida sa mga kasama at maging ako ay binati din ito. Masaya ako para sa kanya dahil sa wakas natagpuan na nito ang lalaking pag aalayan nya ng pagmamahal. Pero sa likod ng isip ko hindi ko din maiwasang magtanong. Ako kaya? Kailan ko matatagpuan ang lalaking kaya akong mahalin ng buo? Na kaya akong mahalin sa kung ano at sino ako?.
BINABASA MO ANG
Last Fling
RomanceMeet Jhoyce Lee. Liberated, carefree and non committal. Love? She doesn't do love. Para sa kanya kung ang mga lalaki ay pwedeng tumikim ng iba't ibang babae, bakit hindi sya pwedeng tumikim din ng iba't ibang lalaki? Jerome Altamonte; known as one o...