Chapter 13
Ito na yata ang pinakamahabang byahe sa buhay ko. Halos gusto kong sumigaw at magmura sa kabagalan ng eroplano. Idagdag pa ang usad-pagong na traffic sa kahabaan ng edsa. Naiinip na ako at bagot na bagot na.
"Hoy, baka gusto mong magsalita kahit konti? Masama kayang napapanisan ng laway." Biro ni Vaughn.
Imbes na sagutin ito ay bumuntong hininga na lamang ako. Masyadong pagod ang katawan ko para makipagbatuhan ng biro sa isang ito.
"Ayaw mo talaga? Ok ikaw bahala basta kapag makikipag usap ka na make sure to wear face mask" patuloy pa nito.
Kunot nuo ko itong tiningnan. "Aanhin ko ang face mask?" tanong ko dito.
Parang hindi naman ito makapaniwala nang magsalita ako. " Finally. Bukod sa kakangawa mo sa Hotel at hindi mabilang na pag buntong hininga ay nagsalita ka na din. Ayan hindi kana mapapanisan ng laway though..." anito at bahagya pang lumapit sa akin. " Medyo bad breath kana. Kailan ka ba huling nag tooth brush?" sukat sa sinabi ay pinaghahampas ko ito sa kanyang braso.
"G*go ka talaga Vaughn Kelly Villanueva!" panay naman ang aray nito pero hindi nito sinasalag ang mga hampas ko.
Nang mapagod ay hinahapong tumigil ako. " Bakit hindi ka umiiwas?" tanong ko dito.
Umayos ito nang upo at inakbayan ako. " Ok lang, hindi naman masakit kung I kokompara sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Bakit hindi ako umiiwas? Simple lang... kasi gusto ko kahit papaano, mailabas mo iyong bad vibes sa katawan mo. Aminin mo kahit papaano gumaan pakiramdam mo hindi ba?"
Hindi ako sumagot. Oo kahit papaano nga ay nabawasan iyong bigat pero naroon parin ang sakit.
"Thank you" seryoso kong sabi dito.
"For what?"
"For everything. Kapag hindi ako ok ikaw iyong nandyan para damayan ako. Kapag malungkot ako, gumagawa ka ng way para mapasaya mo ako. Kahit na mahilig kang mang asar at mang inis. Salamat"
"Sus, little thing" pa cool na sabi nito saka kumindat sa akin.
Patagilid akong humarap dito saka tinitigan siya. Halos gusto kong matawa sa biglaang pagpalit ng reaksyon sa kanyang mukha.
"Alam mo, Gwapo ka pala?" panimula ko.
"Alam ko na iyan matagal na. " ganti nito.
"Bakit kaya di nalang tayo? Single ka, single din ak-"
Agad itong napalayo sa akin saka tinignan ako na tila diring diri. " Putcha, kilabutan ka nga sa sinasabi mo Jhoyce. Hindi tayo talo ano!. Isa pa..." pinagkrus nito ang mga hita saka.." FYI sis. Bakla ako saiyo ko lang ito sinabi . subukan mong isiwalat ito sa barkada at sasabunutan kita" pabaklang sabi pa nito.
Panay ang tawa ko sa kanyang sinabi. Halos mapahawak pa ako sa tyan. Kung hindi ko lang alam kung gaano ito kahilig mag pacute sa mga babae, baka sakaling napaniwala ako nitong bakla siya.
"In one condition.." hamon ko dito.
"What?."
"Kiss me.." I was just teasing him. Alam ko naman kung gaano kami nito kamahal as sister.
"Ay nako sis! Mag hunus dili ka. Baka kidlatan tayo dito. Nako manong pakibilisan nga po ang pag mamaneho baka magahasa pa ako dito nitong frendlalu ko" maging ang kanyang driver ay hindi na ding naiwasang mapatawa dahil pag bakla baklaan nito.
Panay kulitan at asaran na ang ginawa namin hanggang sa makarating sa condo. " Thank you sa paghatid Vaughn." pasasalamat ko dito nang makababa sa kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Last Fling
RomanceMeet Jhoyce Lee. Liberated, carefree and non committal. Love? She doesn't do love. Para sa kanya kung ang mga lalaki ay pwedeng tumikim ng iba't ibang babae, bakit hindi sya pwedeng tumikim din ng iba't ibang lalaki? Jerome Altamonte; known as one o...