LF 5

2.3K 40 0
                                    


Chapter 5

"Baks, regular ba kayong magkasamang matulog?" pasimpleng tanong ko kay Loida nang sabay kaming pumunta sa pantry para mag coffee break.

Nakita kong pinamulahan ito ng pisngi. "Hello, my gosh twenty- first century na po. You don't have to deny the obvious. Isa pa ikakasal na din naman kayo." Para naman itong na eskandalo sa sinabi ko at pinanlakihan pa ako ng mata.

"Naiilang kasi ako, isa pa hindi ako sanay na pinaguusapan ang mga ganyang bagay." Depensa pa nito.

Pinaikot ko ang mga mata saka ito sinagot. " Sorry naman.."

"Well, hindi lagi. Kapag may time lang. Kagaya ngayon, meron daw syang maagang meeting bukas sa Baguio kaya sa pad nalang daw nya siya muna tutuloy."

Yes at kami nanaman ang magkasama! Lihim akong napangiti.

"Hmmm. Tanong ko lang baks. Gaano na nga kayo katagal ni Jerome? Tsaka paano kayo nagkakilala?"

"Hmmm, bago palang kami wala pa nga one year eh. Mga magulang kasi namin ang gustong ipakasal kami kaagad."

"Ehh?bakit?" curious kong tanong.

Sumandal ito sa kitchen top saka nagkwento. " Nagulat nga din ako noong sinabi sa akin ng mommy na ipapakasal daw ako. Nung una tutol ako kasi , sabi ko kung magpapakasal ako gusto ko sa taong mahal ko at mahal din ako. Pero noong nag meet up na ang pamilya ko at pamilya ni Jerome, para akong bumalik sa pagka teen ager nang makita ito. Ang gwapo naman kasi ni Jerome. Walang babaeng hindi mahuhumaling dito." May pagmamalaking saad nito.

Totoo namang gwapo nga si Jerome. Pero bukod doon magaling din humalik at magaling sa kama. Kaya tama nga itong walang sino mang babae ang hindi mahuhumaling dito. Maging ako ay aminado na tinamaan din ng lakas ng karisma nito.

"Hindi kaba nya susunduin ngayon?" muli kong tanong.

Umiling naman ito bilang sagot. "Pagod pa daw sya sa meeting nya kagabi."

Yeah. Inabot na kasi kami ng madaling bago tuluyang nakatulog!

"Naikwento nya din sa akin na kinuha ka nyang model para sa launching ng product nila."

"Ahh yup. Na kwento nya kasi sa akin na need nga daw nila."

"Talaga? Paano kayo nagkausap?"

"Ahhmm. Noong ininvite mo kami sa bahay mo. Swak daw kasi sa akin ang product na i-lalaunch nila." Palusot ko, pasimple akong napakagat labi. Wew. Muntik na!

"Hmmm. O sya paano. Tapos na ang shoot. Mauuna na ako sa iyo ha. I pa finalize ko pa ang sched mo" paalam nito at nakipag beso pa sa akin bago tuluyang lumabas ng pantry. Ako naman ay nanatili pa ng ilang oras.

---

"May lalaki ka nanaman ano?" pabirong sita ni Vaughn sa akin. Nagulat nalang ako at pagbukas ko ng pinto ng condo ay nasa sala ito at prenteng prente sa pagkakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Parang bata, ke tanda tanda na mahilig padin sa spongebob.

"Paano mo nahulaan?"sagot ko naman sa kanya. Naupo sa tabi nya at inihilig ang ulo sa kanyang balikat.

Madalas kaming mapagkamalang mag jowa ni Vaughn noong college kami. Bukod kasi sa pakikipag bangayan, malambing at likas na sweet talaga an gang isang ito. Malakas nga lang mang asar.

"Kilala na kita Jhoyce. Sana lang hindi ka mag ka STD. knowing you?.. Hindi pinapalagpas ang isang gabi kapag may lalaking natitipuhan."

"Alam ko naman ang safe sex frend" pabiro kong turan dito.

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon