LF 20

1.6K 31 0
                                    

Chapter 20

Hindi ako mapakali. Pakiwari ko'y mali iyong ginawa ko. Kaya naman kahit alam kong alanganing oras na ay sinubukan ko pa ding tawagan sila Vaughn. Kailangan ko nang makakausap.

In-open ko ang messanger just to see if naka online man lang sila. Luckily, naka online silang dalawa; Vaughn and Tristan.

I clicked the call button and wait for them to answer.

"Bakit gising kapa? Anong oras na ito ah. You should take a rest" ani Tristan. Ito ang unang sumagot.

"Bakit bawal ba? Ikaw nga anong oras na nasa opisina ka pa din" puna ko naman.

"I still have a lot of paper works to review. Medyo nagkakaroon kasi kami ng crisis dito. Nagkakahanapan ng pera and they accusing me na ako daw ang kumuha."

"Huh? Teka ok lang naman yun diba since ikaw ang bumili ng company na iyan?"

"Yes, I mean hindi nila alam na may ginawa akong plano just to save this company. Mahirap ipaliwanag Baby."

Napatango nalang ako dahil tama ito. Kahit naman anong paliwanag ang gawin nito ay hindi ko din naman maiintindihan dahil I'm not into business world.

"So anong reason at napatawag ka ng ganitong oras? Ang alam ko-"

"Yow! Musta mga nigga?" putol ni Vaughn. Naka hubad baro ito at mukhang nasa kwarto na ito.

"Bakit ka nakahubad? Don't tell me..." pabitin kong sabi.

"Baliw, naiinitan kasi ako kaya ako nag hubad. Musta kayo?"

"Im fine though medyo madaming inaasikaso" ani Tristan.

"Ako ok lang din kahit na pahirap na ng pahirap ang training ko sa company pero nag eenjoy naman ako. Iyon nga lang hindi na ako masyadong nakaka pang chix. Nakakamiss din" sagot nito na tila tuwang tuwa pa.

"Ikaw Baby? Hindi ka tatawag kung wala kang iniiisip at gusto mo ng makakausap. Tell us what is it?" si Tristan.

Sinabi ko kung anong nagyari kani-kanila lang. Kung paano ko nagawang panindigan na hindi magpadala sa damdamin ko kay Jerome hanggang sa sabihin nito ang planong panliligaw.

"Paano kung seryoso nga sya sa plano nya?" tanong ni Vaughn.

"I don't know. I mean c'mmon we both knew kung anong klaseng babae ako. I don't deserve that kind of relationship. Ang gusto pa niya, relasyong seryosohan. What if umabot kami sa puntong nagplano na kaming mag settle down tapos in the end matutulad kami sa nangyari sa kanila ni Loida?"

"Alam mo kasi Jhoyce, ikaw itong may mali eh. Hindi sa kinakampihan ko si Jerome ha, ang sa akin lang paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Take a risk, kung nasaktan ka man atleast alam mo sa sarili mong sinubukan mo at hindi mo pinagsisihang hindi mo sinubukan. Alalahanin mong walang pagsisisi sa una, laging nasa huli." sabi ni Vaughn.

"Besides, wag mong sasabihin hindi mo deserve ang love. Hindi porket ganyang klaseng babae ka eh wala ka nang karapatang mahalin. Everybody needs a love and to be loved." Sabi pa ni Tristan.

"Dude bakit pakiramdam ko may lovelife kana kaya ganyan ka kung makapagsalita?" natawa naman ako sa pambubuska ni Vaughn. Nagsisimula nanaman itong mang asar.

"Crazy. " natatawang sagot ni Tristan. Mukang nagsisimula na nga itong magka lovelife. Mabuti pa ito.

"Baby, you should try. Give him a chance. Kung gusto mong malaman kung talagang seryoso sya sa iyo. Bakit hindi mo muna sya pahirapan. Try to-"

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon