LF 23

1.5K 34 1
                                    

Chapter 23

"Ang haba ng sinabi ko sa text simpleng 'ok' lang ang sagot nya? Tsk naiinis na ako sa iyo Jerome!" Padaskol kong ibinaba ang hawak na cellphone sa lamesa sa tapat ko.

"Anyare bes at kandahaba na iyang nguso mo?" puna ni Kath nang maupo ito sa tabi ko.

"SI Jerome kasi nakakainis!. Alam mo bang almost two weeks na kaming hindi nagkikita ng hinayupak na iyon. Huling kita pa namin iyong inaya pa ako nitong mag dinner sa bahay nila. Tsk" pagsusumbong ko.

"Baka naman kasi girl busy sa company. Sabi mo nga halos dugo't pawis ang binuwis nya para muling bumangon iyong company nila." Saad naman nito.

"Grabe naman, 24/7 ba syang nasa company at ni mag text man lang para kamustahin ako ay hindi na nya magawa?. Dati rati hindi sya nagmimitis sa isang araw na hindi ako nagagawang kamustahin. Bago kami matulog we talk thru phone. Ngayon ni isa man lang sa mga nasabi ko wala. As in wala talaga."

"Don't conclude bes. Mahirap mag assume at mas lalong mahirap paniwalaan ang nasa isip mo. Malay mo naman talagang naging busy sya. Kapag nagkita kayo why not ask him kung ano ba talagang rason nya at hindi ka na kamo nya nagagawang I text."

"Eh ang kaso nga hindi nagpapakita sa akin eh!" himutok ko.

Wala naman na akong nakuhang sagot pa sa kausap ko dahil umalis na ito para ayusan. Ni hindi manlang nagpaalam na aalis na tsk.

Nandito kami ngayon sa isang hotel room. May catwalk event kami na kung saan mga wedding dress ang syang irarampa namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba dahil pagkadating namin ay pinadiretso na kaagad kami dito sa kwarto.

"Oh bakit mukhang malungkot si Baby Jhoyce?" napalingon ako sa pinang galingan ng boses na iyon at nakita ko sila Vaughn at Tristan. Nakasuot ang mga ito ng tuxedo na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nila.

Nanunulis ang nguso ko ng magsilapit ang mga ito sa akin. "Si Jerome kasi. Mag dadalawang lingo na, na hindi nagpaparamdam sa akin." Sumbong ko sa mga ito.

"Bakit patay na ba sya para magparamdam sa iyo?" sinamaan ko ng tingin si Vaughn ng sabihin nya iyon.

"Eh kung ikaw kaya patayain ko ha?" sikmat ko.

"Tama na 'yan. Nagsisimula nanaman kayo." Awat sa amin ni Tristan. Hinaplos nito ang ulo ko saka nagsalita.

"Busy lang iyon. Kausapin mo na lang at tanungin kapag nagkita na kayo." Anito.

"Eh ang kaso nga hindi pa nga kami nagkikita. Iyong huli pa ay iyong inaya ako nitong mag dinner sa bahay nila."

"Basta. Wag kang praning dyan at wag masyadong i- stress ang sarili."

"Baka kasi lalo kang pumangit eh haha" biro pa ni Vaughn. Nakatangap naman ito ng mahinang hampas sa akin.

"Bakit nga pala nandito kayo? Saka bakit ganyan ang outfit nyo?" puna ko sa kanila.

Tristan cleared his throat. " Eherm. I forgot to say na ang event na ito ay collaboration ng JNL cosmetic at ng clothing line ni Mr. Chen."

"At since hotel namin ang host for this event, kailangan na presentable akong tignan as representative ng Villa-Nueva Hotel" dagdag pa ni Vaughn.

Napatango nalang ako sa kanilang sagot. Sa sobrang pag iisip ko kay Jerome ay hindi ko na natanong pa kay Ysha ang schedules ko. Basta nalang itong magsasabi sa akin na may ganitong event ako at kung anong oras.

Matapos makipag kwentuhan ay nagpaalam na ang mga ito at sinabing I do-double check ang facilities at ang programme.

Okupado pa din ng utak ko si Jerome habang inaayusan ako. Maging ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa ay maya't maya ko kung tignan.

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon