LF 11

1.6K 37 0
                                    


Chapter 11

"Ano nanaman bang kalokohan ito Jerome?" napapantastikuhang tanong ko sa kaharap. Nandito kami ngayon sa isang sikat na mall sa Cebu. Yes we're here in Cebu. Kung saan gaganapin ang kanilang engagement party officially.

Dinala ako nito sa mall matapos naming mag dinner. Ang alam ko lamang ay iikot lang kami at magpapalipas ng oras. Kaya nga nagulat ako ng hinila ako nito sa isang jewelry store at binilhan ako ng isang kwintas. Heart pendant na may naka ukit na salita; Vers l'infini et au-delà.

"Ano ka ba, regalo ko sa iyo yan Babe. Kelan pa naging kalokohan ang pagbibigay ng regalo?"

Tinaasan ko ito ng kilay. Naninibago na talaga ako sa inaasta nang isang ito.

Kagabi bago ako tuluyang nakatulog may mga salita itong sinasabi na pabulong habang panay ang halik sa ulo ko. Kaninang umaga naman bago ito umalis ay seryoso ang mukha. Nang tanungin ko kung anong problema ayaw naman sabihin.

"This is too much... I mean, Jeh you don't have to-"

"Shhhh" iniharang nito ang hintuturo sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita. " I already bought it. Say thank you nalang will you?" saad nya saka ngumiti sa akin.

Kinuha nito ang kwintas sa lalagyan saka lumapit sa akin para maisuot sa leeg ko. Bahagya pa akong nagulat ng marahan ako nitong kinagat sa tainga.

"Ayan, ...see? Ang ganda Babe. Bagay na bagay sa iyo" puna nito. Nakangiti kong hinawakan ang pendant. I admit maganda nga ito, noong nasa lalagyan palang pero mas maapriciate mo ang ganda nito kapag suot mo na.

"Thank you..." I answered. Sumunod ako nang lumabas na ito ng jewelry store.

"But this will be the last ha. Hindi ka obligado na bigyan ako ng mga regalo!" paalala ko dito habang pilit na hinahabol ito sa paglalakad. Mahahaba kasi ang mga biyas nito kaya ang isang hakbang nito, dalawang hakbang na ang katumbas sa akin.

Bigala naman ang alumpihit nito kaya tumama ako sa kanyang matigas na dibdib. " Kung ganyan ka ituring ng mga dating mo karelasyon. Ibahin mo ako Jhoyce dahil... dahil.." hindi na nito maituloy ang nais pang sabihin.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Sorry, but you knew Jeh na wala akong nakarelasyon. Lahat sila ay katulad mo, ka filng ko lang"

Hindi na ito kumibo, hangang sa maihatid ako nito sa hotel.

Nasa tapat na kami ng receptionist para kunin ang susi nang may magsalita sa likuran ko.

"Jhoyce, Baby, Hindi pa din talaga ako pumapalya. Kahit nakatalikod ka ay alam kong ikaw nga iyan"

Sabagay naming nilingon kung sino ang nagsalita.

"Daryl ikaw pala..." sagot ko dito sa tono na tila walang pake.

"Fuck!.. you're still hot Baby! I'm starting to get hard. Naalala ko tuloy noong gabing-"

Hindi na nito nagawa pang ituloy ang sasabihin dahil bigla nalang itong bumulagta sa sahig. Pinagsusuntok ito ni Jerome ng ilang beses.

" You! son of b*tch! Nakakabastos kana ha!" sigaw pa nito at akmang susugurin pa sanang muli si Daryl pero maagap itong naawat ng mga security guards.

Sapo ang panga nang tumayo at bumangon ang huli, " Tsk Tsk... Poor Boy.." anito bago ngingisi- ngising umalis. Isang matalim na tingin naman ang itinapon sa akin ni Jerome bago umalis. Ni ang magpaalam man lang ay hindi na nito nagawa. Alam kong galit ito base na din sa itsura at sa ginawa nito.

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon