Chapter 7
"Akala ko ba by next week pa ang schedule ng..."
"Akala mo by next week pa ang schedule ng shoot? What's the difference between now and next week?" nahahalata ang magkahalong excitement at iratasyon sa boses nito.
Pinuntahan ako nito three days matapos nang huli naming pagkikita.
"Hello? Baka nakakalimutan mong may work ako?" pinandilatan ko ito. Pero tila hindi nito makuha ang punto ko.
"Ano bang inaalala mo?" sagot naman nito. Namaywang pa sa harap ko saka ito muling nagsalita.
"Babe. Malinis ang schedule mo up to next week. Isa pa ipinaalam ko na din ito kay Loida and she said na ok nga ang sched mo."
"But-"
"No Buts let's go!" tumaas pa ang boses nito. Putcha ano nanaman kayang kasinungalingan ang sinabi ni to kay Loida?
"Eh kasi..."
Sa halip na sumagot ay pumasok ito sa kwarto ko. Nagtataka ko namang sinundan ito. Nagulat pa ako ng magdudukot ito ng mga damit ko mula sa cabinet at ipinasok ito sa mga eco bag na mukhang nakita nito sa isa sa mga drawer ko.
Sukat sa nakita ay napabulanghit ako ng tawa. Ito naman ang napatingin sa akin nang nagtataka.
"Why? Anong nakakatawa Babe?"
"Isasama mo ako na nakalagay sa eco bag ang mga gamit ko?".
Napatampal nalang ito sa sariling noo, saka tumawa. "Mag impake kana kasi Babe. Natataranta ako eh"
"Sus! palibhasa kasi atat kang makasama ako. Hindi kaba nananawa sa pagmumukha ko?" Nagsisimula na akong mag impake nang maramdaman kong niyakap ako nito sa likod.
"Masyado ba akong obvious?" sabi nya at panaka nakang hinahalikan ako nito sa tenga.
"We have a deal Mr. Altamonte Baka nakakalimutan mo" paalala ko dito habang pasimpleng umiiwas.
"Alam mo, I like it when you called me by my last name" anito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Ilang araw ba tayo roon?" pag iiba ko ng paksa.
"One week"
"One week?!" napahinto ako sa pag iimpake saka nakapamaywang na hinarap ito.
"Masyadong mahaba ang isang lingo Mr. Altamonte"
Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat. " Relax, Babe five days ang shoot, iba ibang location kasi ang magiging set, then the remaining days pwede mong gamitin as your rest day or sa time na iyon ikaw gumawa ng layout for the invitation."
"What? Akala ko ba gusto mong I pending ko muna ang pag gawa ng invitation?" pinigilan kasi ako nito sa dapat sanay pag sisimula ng layout para sa kanilang wedding invitation at iba pang design for the venue.
"I know, I said that. But Mom kept asking me if there's any update. Sinabi ko naman sa iyo diba?. That I don't want to tie the knot. I'm not yet ready. Hindi pa ako tapos enjoyin ang pagiging bachelor ko." Paliwanag naman nito.
"Okay wala na akong sinabi." Ipinagpatuloy ko nalang ang pag iimpake.
---
"Ang pangit mo namang kasama sa byahe!" maktol nito nang mag stop-over kami sa isang kainan para kumain.
"Why?" sagot ko naman sa natatawang tono. Hindi ko ito nilingon. Busy ako sa pagpili ng mga ulam na nasa harapan ko. Hindi na kami nakapag almusal kaya grabe ang gutom ko.
BINABASA MO ANG
Last Fling
RomanceMeet Jhoyce Lee. Liberated, carefree and non committal. Love? She doesn't do love. Para sa kanya kung ang mga lalaki ay pwedeng tumikim ng iba't ibang babae, bakit hindi sya pwedeng tumikim din ng iba't ibang lalaki? Jerome Altamonte; known as one o...