Chapter 25
1 year later...
The cool breeze of air gently tickles my skin as I stared joyfully at the bright blue sky. The sun smiling friendly upon my face and the magnificent aroma of fresh air in the midst of earth's beautiful atmosphere filled my lungs. I closed my eyes and plastered a beautiful smile on my face. My life was great. It was perfect.
Sa pagmulat nang mga mata ko ay nakita kong masayang naghaharutan ang mag-ama ko.
Wala na akong mahihiling pa. I'm happy and contented.
"Ma!" I smiled as my eyes settled to this lovely little boy as I watched him crawling towards me.
Nandito kami ni Jerome sa vacation House nila Vaughn. Actually kasama din namin sila. Kiera with his Husband and thier three children while Tristan with his wife at si Vaughn na nanunulis ang nguso dahil unfair daw sa kanya. Namumukod tanging ito lamang ang walang kapares kaya naging tampulan ito nang pang aasar.
"Wow, that's your first word Baby!" Tuwang tuwa naman ito nang pupugin ko ng halik sa buong mukha.
"Ang daya naman, bakit Mama kaagad ang unang sinabi mo Baby?" maktol naman ni Jerome na ngayon ay nasa tabi ko.
"Hayaan mo na Babe, mas unfair nga sa part ko eh. Kita mo, ako nagpakahirap ng halos syam na buwan pero tignan mo, lahat halos nakuha sa iyo. Ultimo gender sa'yo nakuha." Himutok ko. Walang duda na kamukha nga ito ni Jerome. Nakuha nito ang lahat ng features na meron ang ama.
"Pwede naman tayong gumawa ulit ng kasunod ni Jaycee, this time every pump I made I will make sure na babae na. Para kung sakali man na ako ulit ang kamukha atleast yung gender sa iyo nakuha" biro pa nito.
"Nakuha mo pa talagang magbiro eh ano? Kung ikaw kaya ang manganak? Kala mo kasi madali lang umire. Tsk"
"Biro lang 'to naman"
Pabiro ko itong inismiran saka binalingan ang anak. Tulalang tulala ito sa akin. " Why Baby? What are you staring at?" pag baby talk ko dito kahit na alam ko naman hindi ako nito magagawang sagutin.
Parehas kaming nagulat ni Jerome nang nagumiti ito sa akin at tumingin ito sa ama saka hinawakan ang kanyang mga pisngi. " Apapapapa!" hyper na sigaw nito nang paulit ulit, Kaya ang lokong Jerome ay tuwang tuwa. Pinagmamalaki nito sa akin mukhang mas gusto sya ng anak.
---
Magdadapit hapon na nang bumalik kami sa bakuran ng bahay. Naabutan namin na panay ang pabalik balik lakad ni Vaughn sa teresa.
"Vaughn? may problema ba?" tanong ko dito nang makalapit kami sa kanya.
"Huh?. Ahhh hindi naman malaki pero kasi iyong mga pagkain na pinadeliver ko nagkaroon daw ng problema. Iniisip ko kung anong ipapakain ko ngayon sa inyo"
Ipinasa ko kay Jerome si Jaycee na ngayon ay mahimbing nang natutulog.
"Sus naman, kala ko naman kong ano na. Diba kamo may malapit na hypermarket dito? Pwede naman tayong mamili habang may oras pa." suhestyon ko.
"Pwede naman, kaso may mga bata kayong kasama" sabi nito.
"Don't worry pare. Ok lang naman sa amin. Isa pa hindi naman mahirap alagan itong si Jaycee" sagot ni Jerome.
"Kung kanina mo pa sana iyan sinabi sa amin edi sana kanina pa tayo nakapagsimulang magluto" mula sa sala ay lumabas sina Kiera at Tristan.
"Sorry guys, Nahihiya kasi ako sa inyo. Ako itong nagprisinta na mag party party tayo tapos ganito pang mangyayari"
"Baliw, kelan pa nagkaroon ng hiya sa katawan ang isang Vaughn Kelly Villanueva?" buska ko dito.
"Ikaw pangit ka manahimik ka ha. Palibhasa naubos na ni Jerome lahat ng hiya mo sa katawan eh" ganti naman nito.
BINABASA MO ANG
Last Fling
RomanceMeet Jhoyce Lee. Liberated, carefree and non committal. Love? She doesn't do love. Para sa kanya kung ang mga lalaki ay pwedeng tumikim ng iba't ibang babae, bakit hindi sya pwedeng tumikim din ng iba't ibang lalaki? Jerome Altamonte; known as one o...