LF 14

1.5K 29 2
                                    


Chapter 14

Kumakabog ang dibdib at namamawis ang mga kamay ko nang umibis ako sa taxi nang huminto ito sa tapat nang agency. Gusto ko munang kalmahin ang sarili bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko alam kung kalat na ba ang naging issue between the three of us.

"Good Morning Miss, Lee" bati sa akin ng guard. Yumukod ako bilang ganti saka pumasok.

Dumiretso na ako sa opisina ng HR. ako na mismo ang mag fi-file ng resignation ko. Pagpasok ko palang ramdam ko na kaagad ang tensyon.

'wrong timing pa ata'

"Good Morning-"

"Kung nandito ka para mag resign, uunahan na kita. Hindi kita papayagang umalis sa agency." Saad nito. Ni hindi manlang inangat ang ulo para mapagsino kung sino ang pumasok.

Nasa late 40's na ang babae at magandang pumorma kaya napagkakamalang mas bata kumpara sa totoong edad nito.

"Paano mong nalamang ako ang pumasok?" tanong ko dito. Pilit na pinapasigla ang boses.

Idinerecho nito sa akin ang tingin na tila makakapatay ng tao. " I was expecting you to come. Una, si Loida. Ni wala man lang notice at hindi na nagpapigil ,basta-basta nalang ito umalis. Next si Kaye, kung hindi pa nahilo at nahimatay, hindi ko pa malalamang buntis." Halata ang stress sa tono ng boses nito. But wait? Bakit nag resign si Loida?.

Naupo ako sa silyang katapat nito. " I'm sorry Missy pero , hindi ako nagbibiro." Iniabot ko dito ang hawak na resignation letter.

Matapos pasadahan nang tingin ang sulat ay nakangisi nitong pinunit ang resignation letter sa mismong harapan ko hanggang sa halos magka pira piraso na ito.

"Ano nga pala ang laman nun?" she asked mockingly pertaining to my resignation letter.

"Missy..." sabi ko sa nahihirapang tinig. Hindi naman mahirap pakisamahan si Missy. Naging kaibigan ko din ito at miminsang nakakasama sa pag bar-hopping.

"Tell me, anong meron at tila merong epidemya dito sa agency.? Si Kaye maiintindihan ko kung bakit mag reresign. Though sumasakit talaga ang ulo ko sa isang iyon. Kung kelan naman dumami ang mga line ups saka pa nabuntis. Si Loida naman, nagmamadali sa pag alis. Ni hindi na nga pormal na nakapag pasa ng resignation letter. Tsk."

"Bakit daw nag resign?" tanong ko.

"Ewan ko sa isang iyon, oh ikaw anon namang naisip mo at nagbabalak kang mag resign?." Tanong nito saka inayos ang suot na salamin.

"Ah, kasi-"

"May alam ka ba kung bakit siya umalis?" tanong pa nito.

"Hi-hindi ko din alam. Actually naisipan ko kasing mag full time nalang as graphic artist. Feeling ko kasi para talaga sa akin ang pagiging graphic artist."

" Im sorry dear, pero hindi kita hahayaan. Look, Jhoyce, I'll promote you to Kaye's position. Ikaw ang papalit sa mga line ups nya. Kakausapin ko nalang ang management sa mga possible changes."

"Pero-"

"Shhh. Wala nang pero-pero. Ako nang bahala. Ngayon umuwi kana at magpahinga. Aasikasuhin ko na ang lahat. "

Hindi ko magawang sumagot kaagad, pero alam ko sa sarili ko na kahit papaano ay may ibubuga din ako. pero sa isang banda, maari din itong makatulong nang malaki para atleast sa trabaho na nakatuon ang focus ko at hindi sa ibang bagay. Isa pa wala na dito si Loida, kaya wala na ding rason para mag resign pa ako.

"Ok, sabi mo iyan ha. Ikaw ang bahala sa akin. I'm not resigning anymore." Sabi ko dito.

"I'll give you a call once ok na ang lahat" saad nito saka ngumiti ng maluwag.

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon