LF 8

1.7K 43 0
                                    


Chapter 8

"Dalawa ang bedroom dito, we'll both occupy both. May maliit na cubicle din at terrace, mini office iyon. So we'll both use that tomorrow. Kompleto ang gamit doon, may computer at laptop. May naka install na ding photoshop, latest version iyon check mo nalang Babe."

"Yes po" sagot ko sa pabirong tono. Masyado kasing pormal kung magsalita. Pang president suite ang kwarto na inookupa namin.

Nakahalata marahil ito na binubuska ko sya kaya kinabig ako nito at siniil ng halik.

"Hoy, Mr. Altamonte! Violation iyan sa deal natin!" galit-galitang sita ko.

Ngumisi lamang ito nang nakakaloko. " Violation? Then I will accept my punishment whole heartedly."

Sinimangutan ko lamang ito at nagmartsa papunta sa kwarto na nakalaan para sa akin.

Malinis at malaki ang kwarto, maayos ding nakalagay ang mga gamit kahit pa panlalaki ang halos kulay ng kabuoan. Well I don't have a choice. Isinama lang naman ako dito.

I mean may sarili sana akong kwarto na nakalaan para tlaga sa mga model, pero ito na ang insist na magkasama nalang daw kami sa isang unit.

Inilagay ko sa cabinet ang mga damit at iilang gamit saka naupo sa paanan ng kama saka nahiga.

Nang mailapat ko ang likod sa malambot na kama ay hindi ko na namalayang ninakaw na naman ako ng antok.

---

Nabungaran kong mahimbing na natutulog si Jhoyce sa kwarto nito. Nagtataka ako kung bakit hindi na ito lumabas ng kwarto, iyon pala ay mahimbing na itong natutulog.

Para itong isang Baby kung matulog; naka baluktot ang mga paa habang nakatanday sa isang unan. I sat beside her and began stroking her curly, soft and shinny hair.

Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito, magmula nang may mangyari sa amin, para na itong droga na kinaadikan ko. Well aminado naman akong magaling talaga sa kama si Jhoyce. Hindi lang iisang babae ang naikakama ko, pero iba ito. May something sa kanya na tanging sya lamang ang nakakapagbigay ng bagay na iyon.

Natukso akong humiga sa tabi nito, I hugged her at her back. Mahina itong umungol at humarap sa akin saka idinantay ang mga braso sa bewang ko. Mahirap para sa akin gawin ang huling deal namin; na wala nang magaganap sa pagitan namin. Napakahirap niyon, lalo pat napaka irrestible ni Jhoyce. Ngiti palang nya talaga namang titigasan kana.

Pero siguro tama na din ito, para masanay na din namin ang sarili kapag naikasal na ako.

Hindi ko namalayang pati ako ay hinihila na ng antok.

---

"Jeh.... I want to say something" bulong ko kay Jerome habang niilalaro ko ang pisngi nito. Alam kong gising na din ito.

"Hmm? What is it?" kinabig pa ako nito lalo payakap sa kanya, halata sa boses nito na inaantok pa.

"Kasama ba sa magiging part time job ko ang libreng pagkain?"

Nagmulat ito ng mga mata at ngumiti ng malapad. " Gutom kana?"

Lumabi ako bago ito sinagot. " opo, kanina pa. Ayaw lang kitang gisingin kaagad kasi halatang pagod ka".

Natawa naman ito saka bumangon. "Lika na nga kumain na tayo. Nagugutom na din ako".

Saktong paglabas namin ng suite ay nakatanggap ito ng tawag mula sa kanilang event manager.

Nag excuse ito saka sinagot. " Yes Gelai?". Naka sunod lamang ako sa kanyang likod, naglalakad kami papunta sa restaurant habang kausap nito ang event manager.

Last FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon