Chapter 4

890 65 8
                                    


Sa Hearing, nagtaka si Dale nang ibang abogado ang magpresenta sa Tiyuhin nya,
Nagpakilala si Atty. Montemayor bilang preciding Atty ni Larry Ramoso, all the document needed for the Case Atty Barber rendered with confidentiality, saad pa nito..

Habang umuusad ang Takbo ng Hearing ng Kaso isa isang prenisenta ng Abogado ni Dale ang mga Ebedensya na magpapatunay kung gaano ka iwas at takot ang dalaga na mapagsamantalahan ng kanyang Tiyuhin.

Lumuluha ang kanyang Tiyahin matapos makita ang mga nilabas na pictures sa malaking Screen, kitang kita kung ilang lock ang ginawa ni Dale para lang hindi sya malooban sa Kwarto tuwing natutulog ito, pati ang banyo, na nilagyan nya ng tabing ang may siwang sa bandang itaas, ang ilang butas na tinapalan nya. Ang magpapatunay na isa siyang maingat Dalaga.

Kasalukuyang tinatanong ang testigo na si Teacher Chell.

Isa po akong Guro sa LLU, malapit sa akin ang Dalagang Si Dale, sapagkat sa akin siya nakakahiram ng mga Libro, sabik na sabik syang makapag aral muli, kaya ang Pera na kinikita nya sa pagdedeliver ng mga Gatas at Dyaryo sa mga Student at Profesor ay itinatabi nya, inaabutan din siya ng kanyang Tiya at Tiyo sa pag tulong tulong nya sa Canteen ng mga ito, inaalagaan naman nya ang aking mga tanim na bulaklak at halaman kaya binibigyan ko rin siya ng kanyang sahod para makadagdag sa ipon nya. Isa hong marangal na Dalaga si Dale kailanman hindi ko siya nakitaan ng kung ano mang kahalayan na bibentang ng Larry na yan, marami na ring mga estudyanteng babae ang nag rereklamo dahil sa panghihipo nya, na dinadaan nya sa Biro. Kaya naniniwala ako sa mga pahayag ni Dale, saad ng guro.

Nagtapos ang hearing ng magaan ang pakiramdam ni Dale..
Habang pauwi sa bahay nila Teacher Chell,

Alam mo iha, malaki ang chance natin, kaya wag kang mag isip ng kung ano pa man, mananalo tayo, hindi ka pababayaan ng Panginoon, magdasal at magtiwala ka lang. Payo ni Teacher Chell

Binuhos ni Dale ang mga Oras at Panahon nya sa Hardin ni Teacher Chell, namumukadkad na ang mga ibang bulaklak, lumalago na rin ang mga halaman, maraming ibon ang mga nasa toktok ng mga Puno. Masaya si Dale sa mga halaman na kanyang pinagbubutihang alagaan.

EJB Law Firm...

Sinabi ko naman sayo Mildred na lahat ng files ilagay mo sa table ko, bakit naman yong files tungkol dun sa Case na sinasabi ko wala sa Table ko? Ang iritadong saad ni Edward.

Umagang umaga Pare mukhang wala ka sa mood, may regla ka ba? Pang aasar ni James, Hindi ko na sinama yong mga files na hinahanap mo kase si Atty. MONTEMAYOR na may hawak nung case db??? Oi oi, teka mukhang nakakaamoy ako ng kung ano ah.., interesado ka sa Kaso ni Ms. DALE ENTRATA no???pangbubuska ni James

Namula si Edward habang yumuko,

Sinasabi ko na nga ba eh dagdag pa ni James.

No!!! Ang mariing protesta ni Edward, I was just trying to help find solid evidence to help the Case. Depensa niya pa.

Alam mo Pare, remind ko lang ah, sumumpa ka, Confidentiality! Gusto mo bang madisbar??? Pagtataka ni James.

Umalis kana nga ng Opisina ko, gawin mo trabaho mo dun, tsupeeee.. Pag papaalis ni Edward kay James.

Natatawa na lang si James sa inaasal ni Edward.

Bakit nga ba, gustong gusto nyang tulungan yong Babaeng yon? Nagtataka na rin sya sa sarili nya!

Natapos ang buong araw na wala siyang nagawa sa mga dapat sana na gagawin nya. Dumeretcho siya ng Grocery para mamili ng stocks sa bahay nya.

Napatigil siya sa paglilibot sa loob ng grocery ng mamataan nya ang isang dalaga na asa Fish Section, namimili ng mga sariwang Isda, Naglakad sya patungo sa harap ng dalaga, pinagmamasdan nya ang Dalaga sa ginagawa nitong pamimili. Mga mukha nitong napaka Inosente, nagtaas ng mukha si Dale at nagtama ang mga Mata nila ng Abogado, na agad naman nyang iniwas ang mata.

Anong gingawa ng Abogadong ito dito sa Grocery? Ang tanong ni Dale sa Sarili.

Lumapit si Edward kay Dale,

Kamusta ka na Ms.Entrata? How's the Case? Tanong ni Edward

Hindi mawari ni Dale king papano nya sasagutin ang tanong nito, kaya tumango lang ito at nagsabi na mabuti naman.

Ako ang nagpadala ng mga pictures sa abogado mo, para makatulong sa kaso mo, ang paninimula ni Edward, na siyang kinagulat ni Dale, I-ikaaaaw??? Ang gulat pa rin nyang tanong, malaking tulong iyon sa nakaraang hearing, maraming salamat. Ang sambit naman ni Dale.

Habang namimili ay nakabuntot si Edward kay Dale, pagkatapos magbayad ng Dalawa sa kanya kanya nilang pinamili, nagyaya si Edward na magkape muna sila, atubuli ang Dalaga kung sasama ba ito pa unlak ng Abogado, pero dahil tumatanaw sya ng Utang na Loob pinagbigyan nya ito,

Sa isang Coffee Shop malapit sa Grocery sila ngpunta, nag kwentuhan sila at nung magpaalam na si Dale ay nag alok uli si Edward na maihatid ito sa tinutuluyan nya, sa kagustuhang ipaalam sa Guro ang pagtulonh nito sa Kaso pumayag siya..

Naku Atty. Barber Maraming Salamat, ang saad ni Teacher Chell,

Naku po Edward na lang wala naman po tayo sa Korte, ang mabilis na tugon ni Edward.

Marami silang napag kwentuhan kaya inabutan na ng hapunan si Edward sa Bahay ng Guro, inalok na ni Dale na dito na maghapunan.

Masaya silang nagkwentuhan sa hapag.














Ito na nga ba ang umpisa ng pagkakaibigan nila Dale at ng simpatikong Abogado na si Edward..?

Abangan ang mga susunod na ganap,

Vote and Leave Comments ah..

Danke...😊😘😘😘

And I LOVE you so...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon