Six Months Later
Kabuwanan na ni Dale, hindi na siya pinapapasok sa Flower Farm.
Dale gusto mo bang sa Bayan na tayo mamalagi? Para hindi tayo mahirapan sa panganganak mo? Tanong ni Lilia saknya.
Sabi naman ni Manang Tess, hindi nya ko papabayaan. Sagot ni Dale.
Iba pa rin kase pag sa Hospital ka manganganak Dale. Ang pangungulit parin ni Lilia.Wala akong Takot dahil alam ko di ako pababayaan ng mga Kabaryo natin, lalo kana.. Pagkindat ni Dale.
Pero hindi mo ko mapipigil, dito na kami na muna kami ni Malia matutulog sa Kubo mo, ekspleka ni Lilia.
Yaman din lang na nagpupumilit ka cge salamat ah?! Paano n kaya kami ng Baby ko kung wala ka. Sabi ni Dale.
Maghahapunan na naman, pagkatapos nilang kumain ni Lilia pinatulog na nito ang anak na si Malia, asa may upuang kahoy naman si Dale habang nagtutupi ng mga damit na nilabhan nya. Oo naglalaba ang buntis na malapit ng manganak, matigas ang ulo eh.
Biglang natahimik si Dale, kamusta na kaya sina Tita Chell at Anne?
At naalala na naman nya si Edward, ang Nobyong iniwanan nya para makabuti sa kalagayan nito.
Naaalala na kaya nya ako?! Tanong ni Dale sa Sarili?!
Naaalala mo na naman ba ang Pamilyang iniwanan mo sa Maynila? At ang Nobyo mo? Tanong ni Lilia.
Wala kaseng tinago si Dale kay Lilia, open book ang buhay nya, kaya lahat ng prosesong pinagdaanan nya para maging okay sya sa bagong buhay ay pinagtulungan nila.
Wag kang mag alala, pag maayos na lahat, luluwas tayo, hindi habang buhay magtatago ka sa totoong mundo mo Dale.
Kailangan mo silang harapin.Habang...
Masisiraan na ata ako ng ulo James, pinipilit kung makaalala pero wala pa rin akong maalala. Ang reklamo ni Edward habang umiinom sila ng beer sa isang fave hangout place nila ni James
Pare wala rin akong maitutulong sayo, baka nanganak na si Dale sa mga panahon na to, kase siyam na buwan na ang nakakalipas mula ng mawala si Dale. Saad ni James
Yon din ang iniisip ko James, kamusta na kaya si Dale at ang Baby namin? Napaka wala ko namang kwentang kasintahan, hindi ko siya maalala, kung sana hinayaan ko na lang siya sa tabi ko kahit na wala kung naaalala, baka nakatulong pa siya para mabalik ang alaala ko. Dagdag ni Edward habang sapo sapo ang Noo!
Samantala...
Hindi makatulog si Dale, nagpapabaling baling siya sa papag na higaan nya, bumangon siya para magtimpla ng Gatas, tinignan nya ang orasan, mag aalas dose na ng hating gabi.
Pumunta siya ng Kwarto nya, at kinuha ang maliit na box, andun ang Kwintas na may pendant na singsing bigay ni Edward at ang larawan nila ni Edward nung nag Batangas sila.
Biglang tumulo ang Luha nya,
Kamusta ka na Mahal ko?!
Bulong nito sa sarili habang tumutulo ang luha. Nakita rin nya ang Picture nila Tita Chell at Anne, kamusta na din kaya sila?!
Sana maayos lang sila dahil hindi kakayanin ng Puso ko kung my mangyari sa kanila, dagdag pa ni Dale sa sarili.Nahiga uli si Dale, at pinilit nyang makatulog para hindi sya mapuyat, dahil kawawa naman Baby nya pag nagpuyat pa siya.
Maagang nagising si Lilia at nagluto ng agahan nila, tulog pa kase si Malia, pagkatapos nyang magluto nagwalis siya ng bakuran ni Dale at nagdilig na din ito ng mga halaman at bulaklak na tanim ng Dalaga.
Nagising si Dale sa Amoy ng Tuyo na prinito ni Lilia, pupungas pungas siyang nagtungo sa likod Bahay panonoorin nya sana ang kaibigang nagdidilig ng knyang halaman,Ops wag kang lumapit dito, baka madulas ka, maputik oh. Saway ni Lilia sa Kaibigan.
Dito nga lang ako, ang natatawang saad ni Dale, ang protective naman. Dagdag nito.
Abay syempre naman, Sabay kindat ni Lilia, Sigurado ka bang isa lang isisilang mong Baby??? Ang laki laki ng Tyan mo Dale, lambing ni Lilia sa Kaibigan.
Kuh yan nga din pangungulit ng mga ka Baryo natin, king kambal daw ba ang Baby ko, sabi ko Isa lang ito, di ko lang sure kase hindi naman n ko naka pag pacheck up sa buong Pregnancy ko saad ni Dale.
Ilang araw pa ang lumipas, at dumating na ang pinakahihintay ng buong Sitio Payapa manganganak na si Dale, dinala siya sa Bahay ng Kumadrona nilang si Manang Tess.
Oh ang mga kadalagahan at mga binata magsilabas muna kayo, bawal kayo rito,
Aling Pasing, mag init ho kayo ng Tubig, Lilia Iha ihanda mo ang mga Lampin at Palanggana.Mahiga ka na Dale at titiganan ko kung malapit na sa bukana ang Baby natin...ang mando ni Manang Tess
Ang kumadrona ng kanilang Sitio, asa kwarentay Singko anyos na si Manang Tess, isang Biyuda at hindi na nag asawang muli, may dalawang anak siya at may mga pamilya na ito sa Lungsod, nagpaiwan siya sa Sitio Payapa dahil alam nyang marami pa siyang matutulungang kabaryo nya.
Whoooo whoooo whoooo, ang sambit ng Buntis, humihilab ng humihilab kase ang Tyan nya, asa tabi naman nya si Lilia, at asa kabila sila Joy at Elena mga katrabaho nya sa Flower Farm at kaibigan din nya, ayaw nila Aling Pasing manood dahil nenerbyos siya.
Jusko Dale, huminga ka ng malalim at Umere ka ng malakas para hindi kana mahirapan Iha, Lilia, Elena tulungan nyong itulak ang bata dahan dahan lang, Joy dito ka sa bandang bente nya suportahan mo para hindi mangatog ang mga tuhod ni Dale..
Pawis na pawis na ang Dalaga, at umiiyak na rin ito sa tindi ng sakit na nararamdama nya.Sinubukan uli ni Dale na umere, at maririnig mo ang pag iyak ng sanggol.
Nanghihina si Dale na napapikit.
Nilinisan ni Manang Tess ang Baby at nilapit kay Dale.Lalaki ang anak mo Dale, at ang puti, balbon parang anak ng Amerikano sabay bigkas ni Elena at Joy.
Nangiti lang si Dale, maraming salamat Manang Tess.
Oh cge magpahinga ka muna para makabawi ka ng lakas mo, ang bilin ni Manang Tess sa bagong panganak na si Dale.Nanganak na si Dale ngunit hindi pa rin ito nahahanap ni Edward, magbalik na kaya ang nawalang alaala ni Edward..
Patuloy nyong abangan ang mga kaganapan sa kwentong ito..
Salamat sa paghihintay ng Update..
Sobrang busy lang talaga..Vote ang Comment mga labs..
MAYWARD MEGA COVERS
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
Storie d'amoreIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...