Chapter 11

779 54 9
                                    


Pumasok na sa Opisina si Edward sapagkat marami syang nakatambak na trabaho, meron pa siyang hahawakang kaso na malaki laki, involved ang isang politiko.

Boss ang iksi naman ng bakasyon mo? Okay ka na ba talaga? Ang pang uusisa ni James sa kanya.

Okay na ko, sumakit lang ulo ko, baka kailangan ko na ngang magpasalamin, ang pag iiwas ni Edward sa tanong ni James, lumabas kana nga ng maka pagtrabaho na ko kanina ka pa usisa ng usisa, para kang Daddy ko eh..

Kuh, nag aalala lang yong tao eh, sabay tayong kakain ng lunch para sure na hindi ka magpapalipas ng gutom. Pag dadamdam ni James...

Tumunog ang cellphone ni Edward, si Dale ito..

Mahal ko pumasok kana ba? Kamusta ka jan? Tanong ni Dale.

Ok lang ako mahal, mejo maraming trabaho na natambak kaya baka after office hour na kita tatawagan wag mo kong mamimiss ah? Pag bibiro ni Edward sa kasintahan.

Hahaha loko loko ka talaga Mahal,
Magpupunta ko sa University ni Tita Chell, mag iinquire ako for Second Sem, di ba sabi ko sayo mag aaral ako uli? Pahayag ni Dale,

Ah ganun ba mahal ko? Mag iingat ka doon ah? Wag kang magpaganda lalo baka marami pumorma sayo doon, ang pabebeng sabi ni Edward.

Kuh, seloso naman ng Mahal ko, Opo wag kang mag alala, ikaw lang sapat na.. Ang lambing ni Dale.

Kinikilig naman ako doon Mahal ko.
Parang gusto kong mag under time at yakapin ka lang, namimiss kita eh..
Ang saad ni Edward.

Mahal namimiss din kita ng sobra pero maraming umaasa sayong biktima na matutulungan mo, kaya kaya kong mag tiis magkikita naman tayo mamaya di ba? Paglilinaw ni Dale.

Oo mahal hindi ko kayang hindi ka makita sa isang araw. Ang lambing na sagot ni Edward. Oh sige mahal paalam na muna, iloveyou mahal ko paalam ni Dale, iloveyou more mahal ko.. Ang sagot ni Edward.

Asa University na si Dale, kausap ang Registrar ng school, tinanong nya kung open ba sila for Schorlaship, kase ayaw nyang gumastos si Edward o maski si Tita Chell nya. Meron naman daw kaya nagtanong siya ng schedule kung kelan gusto nyang subukan baka palarin siya.
Gusto nya kaseng mag take ng Business Administration.

Wala na pala ang Tita Liezl nya sa School Canteen, tinaggal daw ang Authorization to Operate nila mula ng masentensyahan ang Tiumyuhin nya, kaya hindi nya alam kung asan ngayon si Tita Liezl nya.

Asa may Puno siya ng Narra Tree ng may lumapit sa kanya si Marlo.

Hi, bagong Student ka? You seem so familliar to me?! Ang tanong ni Marlo Engineering Student.

Hello, my name is Dale, Oo dati kong helper ng Canteen, pero planning to enroll for second Semester. Anas ng Dalaga.
I see, kaya pala familliar ka skin, nice meeting you Dale. Tugon ni Marlo.

Matulin ang lumipas ang mga Araw, nakapasa si Dale sa scholarship na pinag applyan nya, kaibigan nya sa school si Marlo, siya ang mga nagtuturo saknya when it comes to Mathematics.
Hindi pa rin umalis si Dale sa Poder ni Tita Chell at Anne, pero Friday Night to Sunday Night asa Condo ni Edward siya umuuwi. Yon ang set up na napag usapan nila, tulad ngayon Friday ngayon kaya tinawagan ni Dale ang Boyfriend na Abogado.

Mahal, anong gusto mong ulam? Dadaan ako sa grocery para mamili wala ng stocks ang ref mo eh. Ang tanong ni Dale sa nobyo.

Gusto ko yong afritada mo Mahal, yon na lang please, gagabihin ka ba masyado? Tanong ni Edward sa Nobya.
Hindi mahal wala akong last Subject, nagawa ko naman na yong Term Paper ko sa isang subject tinulungan ako ni Marlo so keri ng umuwi after ng 3pm class ko. Sagot ni Dale.

Hmmmmm Mahal, nagseselos talaga ko jan sa Marlo na yan, alam naman nyang may Boyfriend ka bakit ba lapit ng lapit yan sayo?! Pagmamaktol ni Edward.

Mahaaaaal naman eh, Marlo is a good friend, nirerespeto nya ang relasyon natin, siya lang ang tanging pinagtitiwalaan mong kaibigan sa University. Ang pang aamo ni Dale. Oh siya siya sabi mo eh, qag lang talaga siyang magkakamali ipapakulong ko yan! Banta ng nagseselos na si Edward.

Alam naman ni Dale ang Passcode ng Unit ni Edward kaya walang problema kong mauna man siya sa Unit.

Nagbihis muna si Dale, bago magbihis para komportable siyang kumilos s kusina ng Nobyo.

Habang pinapalambot nya ang karne ng baka. Pumunta siya sa Silid nila ng Nobyo kinuha lahat ng mga maruruming damit at isinilang nya sa Automatic Washing machine na asa Laundry Room.

Mag aalas syete na ng gabi ng matapos siyang maglaba at makapagluto ng Afritadang Baka na request ng Mahal nya.

Naligo na siya kase pawis na pawis na siya.
Dumating ang Nobyo na naka upo sa Sofa, nakaramdam na naman kase ng pananakit ng ulo si Edward, lately kase napapadalas ang pagsakit ng ulo nya., pag nakaka inom naman siya ng gamot, nawawala din naman agad.

Mahal nandito ka na pala.. Ang bungad ni Dale pagka labas ng Banyo.
Kamusta? May dinadamdam ka ba??! Okay ka lng ba mahal? ang paniniguro ni Dale.

Oo mahal sumakit lang ulo ko, wag mo kong intindihin. Ipapahinga lang ito sandali. Mawawalan din ito..








Gagaling pa ba si Edward?!
Paanong tatanggaoin ni Dald ang kalagayan ng Mahal na mahal nyang Nobyo..

Abangan... 😍😍😍

And I LOVE you so...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon