Ilang segundong natahimik si Dale, hindi mawari kung ano ang tinatakbo ng isip nito..
Hinawakan ni Edward ang mga kamay nito at dahan dahang nilagay ang kaliwa sa mga labi nya paibaba sa bandang dibdib nito.
Napatingin si Dale sa mga Mata ni Edward.
Ikaw pa rin at ikaw lang ang laman nitong Puso ko Dale masuyong sambit ni Edward.
Hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sayo, marahil iisipin mo na bakit ngayon lang uli, pero God Knows kung saan saan ko kayo hinanap ng anak ntin mula ng makaalala ako.
Dagdag na paliwanag ni Edward.Mahal kita Edward kaya pinili kong lumayo, pinili ko kung ano makakabuti para sa iyo, kaya wala kang dapat ipaliwanag, alam ko namang hindi mo ginusto lahat ng nangyari.
Ang ganting sambit ni Dale.Kung ganun, sumama kayo ng anak ntin sa akin, babalik na tayo ng Maynila Mahal ko.
Panunuyo ni EdwardNatigilan si Dale sa narinig nya, hindi nya alam kung ano ba dapat ang kanyang isagot sa pakiusap ni Edward, gusto nyang sumama na sila kay Edward pero merong kirot sa Puso nya, isiping lilisanin na nilang mag ina ang Lugar at mga Taong kumupkop sa kanila ng limang taon.
Edward, wag tayong mag madali, isipin mo ang magiging epekto nito kay Ked, hindi sya basta basta sasang ayon kung mag dedesisyon ako or tayong dalawa na sumama na kami sayo pabalik. Lalo na ngayon may kinakaharap na suliranin tungkol sa usaping Lupa.
Paliwanag ni Dale kay Edward.Maaring tama ka jan Mahal, nawala na rin sa isip ko kung ano ang siyang pinakay ko sa pag akyat ko ng Sagada.
Mamayang dilim gusto kong makausap ang mga resedente ng Sitio Payapa sa bahay nila Kapitan Wigo, para malaman ko ang mga hinaing ng bawat isa, aayusin ko muna ang problema ng Sitio Payapa Mahal saka na natin isipin kung anong mga susunod nating plano para sa pamilya natin. Ang sagot ni Edward kay Dale.Halika nga rito mahal, payakap nga namiss kita ng sobra mahal ko. Ang lambing ni Edward.
Lumapit si Dale at buong higpit nyang niyakap si Edward habang nakapikit, hindi nito namamalayan ang pag tulo ng kanyang mga luha.
Naramdaman ni Edward ang malalim na paghinga ni Dale, nilayo nya ito panandalian sa knyang mga bisig at hinawakan nya si Dale sa baba at dahan dahang nyang inangat ang mukha nito.Mahal ko tahan na, wag kang mag alala wala ng magiging dahilan ng muling paglayo natin. Saad ni Edward
at hinagkan nya sa labi si Dale marahan, na para bang ninanamnam ang bawat sandali na nawalay ito sa kanyang piling.Naghiwalay ang mga labing nadadarang na ng apoy. Magkayakap ang dalawa ng tumikim si Lilia kasama si Kapitan Wigo, Aling Pasing, Ked at ilang mga residente ng Sitio Payapa.
Eheeeem, ang pang aasar ni Lilia na siyang biglaang paglayo ni Dale at Edward.
Gusto na kaseng umuwi nitong anak mo Mars kaya inuwi na namin. Pinapakain ko na nga sa bahay sabay sila ni Malia ayaw naman. Tugong paliwanag ni Lilia sa Kaibigang si Dale.
Yaman lang din na kayong mga tumatayong Mga magulang at kapamilya ko dito sa Sitio Payapa, nais kong ipakilala sa inyo ang Tatay ng anak kong si Ked, siya si Edward Barber, nobyo ko siya sa Maynila, nagkaroon ng isang sitwasyon hindi ko kontrolado kaya, pinili ko habang buntis ako kay Ked na lumayo sknya. Hindi nya ko maalala dahil nagka meron siya ng Selective Amnesia. Pero bumalik na ang memory nya after 1 year na mawala kami ni Ked sa Buhay nya. Paliwanag ni Dale sa mga mahal nyang kalugar.
Ked Anaaak halikaaaa lumapit ka, di ba matagal mo ng tinatanong kung asan ang Tatay mo? Dagdag ni Dale
Lumapit si Ked at kumapit sa kamay ni Dale, lumuhod naman si Edward para magpanatay sila ng kanyang anak.
Ked, ako si Daddy Edward, ako ang Tatay na matagal mo ng inaantay makaalala anak ko.. Paliwanag ni Edward sa Anak habang lumuluha..
Yumakap naman si Ked sa amang tumatangis ng luha.
Tatay, kamusta po kayo? Mahal na mahal ko po kayo. Ang ganting tugon ni Ked sa amang matagal nawalay sa kanilang Mag ina.
Nag iiyakan na ang mga taong saksi sa Madamdaming tagpo ng pamilyang ngkawalay ng Limang taon.
Lumapit si Aling Pasing kay Dale, yumakap ito at bumulong ng, Masaya ako Iha sapagkat buo na uli kayong Pamilya, minahal at tinaggap ka namin ng buong buo nung hindi pa namin alam ang Storya ng buhay mo pero mas lalong tanggap ka namin dahil, lahat kami tinuting mong pamilya dito..
Salamat Aling Pasing
Sa pagmamahal nyo sa akin at sa Anak kong si Ked, at nag akapan sila.. Maya maya nagpapalakpakan na ang mga tao na nakakakita sa madamdaming tagpo.Nagkumustahan at nagkwentuhan ang mga taga Sitio Payapa kasama ang Strangherong Abogado na si Edward.
Biglang naitanong ng isang binatilyo sa Abogado ang tungkol sa pagbili ng kanilang lupa ng Mayamang si Mr.Lim
At doon na nagsimulang ilatag ni Edward ang mga magagandang benepisyo na gustong ibigay ni Mr.Lim para sa knila.
Subalit mariing tinutulan ng nakakarami ang suhesyon ng Abogado.Konting katahimikan muna mga kaibigan ko, ang saway ni Edward sa mga Taga Sitio Payapa, nasabi ko na sa inyo ang mga offer ng aking kleyente, ngayon mga hinaing nyo naman ang aking pakikinggan para ito naman ang ipaparating ko kay Mr.Lim
Kung sino ang may mga gustong sabihin magtaas lang ng kamay at pakikinggan ko iyan. Ang malumanay na paliwanag ni Edward.
Iho, ako si Aling Pasing, dito na sinilang ang mga magulang at mga ninuno ko, ayokong ipagbili ang kakapiranggot na namana ko sa aking mga magulang.
Ako po si Banong, anak ako ng Tatay kong piniling makipagsapalaran sa ibang bansa, gusto po nilang makapag ipon ng pera puhunan para dito pagyamanin ang lupang meron kami na pinamana sa knila, ayaw po ng Tatay ko ang ideya nag pagbebenta ng lupa, wala po kaming pupuntahan.
At marami pang naglabas ng kanilang mga saloobin, nagtapos ang kanilang pagpupulong sa isang pangako na makakarating kay Mr.Lim ang kanilang mga hinaing.
Naglabas ng Kape si Dale para kina Kapitan Wigo at kay Edward na asa Labas pa rin ng kanilang kubo,
Salamat Iha sa Mainit na kape, mejo tagsibol na naman kaya ramdam na naman ang lamig dito sa lugar natin. Pagkatapos nating ubusin itong kape magsipasok na tayo sa ating mga kubo para hindi tayo sipunin, nakatulog na ata ang batang si Ked. Ang sambit ni Kapitan Wigo..
Makaraan ang ilang minuto, nagpaalam na si Kapitan Wigo kina Dale at sa Gwapong abogado.
Nanatili ang magkasintahan sa labas ng kUbo sa silong ng Mangga, may lamesa at upuan doon na may sandalan. Masuyong nakasandal si Dale sa Malapad na Dibdib at Matitipunong braso ni Edward.Mahal ko, masayang masaya ako na ngayon kasama ko na kayo ni Ked.
Hindi ko alam kung paano, pero sigurado akong babawi ako Mahal.Mga pangakong binitawan ni Edward sa Mahal nyang si Dale.
Nagkita at nagkasama na sila
Tunghayan natin kung ano ang mga susunod na ganap sa buhay ng dalawang matagal nawalay sa piling ng isat isa..(Sorrrrrrrry mga labs, babawi ako..
Salamat sa pagsubaybay at pang unawa nyo..)
BINABASA MO ANG
And I LOVE you so...
RomanceIsa na naman Istorya na magdadala na naman ng kakaibang feels sa bawat masugid na mambabasa. Itong kwentong ito ay Likha lamang ng Imahisnasyon ng may Akda, Pero dahil super Fan ako ng MayWard Tandem Maaring gamitin ko ang kanilang pangalan. Sa laha...